Chapter 21: Mayor's Den

Start from the beginning
                                    

"Nice," sabi ni Jules.

"Oo nga!" pag-agree ni Hannah. "Kala natin sa haunted house din siya nakatira eh!"

Natawa sila.

Bumukas ang gate at sinenyasan ng bodyguard ni Mayor ang Hi-ace na pumasok. Pumarada sila sa loob at tinabihan ang Pajero na kasalukuyang pinupunasan ng feather duster ng may edarang driver. Sa harap ng entrance ng bahay, nakatayo si Karen na naghihintay sa kanila. Pormal pa rin ang suot na blouse at skirt.

"Look," bulong ni Jules. "Tour guide na sa bahay na bato, tour guide pa rin dito?"

"Well..." usal ni Hannah sabay taas ng handbrake.

"Let them be," sabi naman ni Father Markus mula sa likuran.

"Oo nga naman, ikaw talaga, Jules, pakialamero!" biro ni Hannah.

Pagbaba nila'y nakangiti na sinalubong sila ni Karen.

"Welcome! Come in!"

Modern ang interior at furnitures. Exposed beams at tiled flooring. May giant 60" TV sa sala na naka-surround sound, component at turn table. Sa wall, nakahang ang abstract paintings.

"Follow me," sabi ni Karen. "Naghihintay na si Sonny sa may pool."

Nagpalitan ng mga ngiti sina Jules, Hannah at damay na rin si Father Markus. Bulong nila, Sonny 'pag sa bahay, Mayor 'pag sa Bahay na Bato. Tinago nila'ng mga ngiti pagdating sa poolside kung saan may maliit na buffet table. Although ang press release ay simpleng Continental Breakfast lang, sa tuwa nila'y may bacon, eggs, vienna sausages, corned beef hash at fried rice rin. Gusto lang ni Mayor na magpasikat nang kaunti. Nagaantay na ang alkalde na suot ay white collared shirt, khaki shorts at Birkenstocks. Sa kanyang likuran, kaaya-aya ang tubig ng swimming pool kung saan nagre-reflect ang skyblue na umagang may streaks ng mga ulap.

"Welcome!" bati ni Mayor. "Care for some breakfast?"

Parang patay gutom na nagkuhanan sina Jules, Hannah, and yes, even si Father Markus. Feeling nila nanalo sila sa reward challenge ng Survivor. Unang naubos ang bacon kasunod ng vienna sausage at naka-dalawang refill sila ng coffee. And during breakfast, ang usapan nila ay hindi ang Bahay na Bato, demonic possessions o the supernatural, kundi'y small talk na tungkol sa magandang bahay ni Mayor, ang design at arkitektura nito na ang claim ng akalde ay siya ang nag-design, at kung gaano kasarap ang crispy bacon. Hindi maalala ni Jules kung kailan siya huling nakakain ng bacon. Sino ba?

After nilang mag-almusal ay nagyosi muna sina Hannah at Father Markus. At nang matapos sila'y pinalakpak ni Mayor ang mga palad niya sa kanyang hita.

"Well, shall we go to my den?" aniya.

"Den?" pagtaas ng kilay ni Jules.

"Mancave ko," ngiti ni Mayor. "Kung nasaan ang aking collection."

Ang pinakaimportanteng part ng bahay ni Mayor ay ang kanyang den kung saan nakatago't naka-display ang kanyang mamahaling collection ng mga artifacts. Ang mancave niya ay parang mini museum na may mga glass cases na naiilawan, bookcases puno ng mga lumang libro, sculptures at paintings sa walls. Nagumpisa si Mayor sa pangongolekta ng vintage comics at laruan, pero nang may na-acquire siyang agimat na di-umano'y pagmamay-ari raw ni Nardong Putik ay nag-spark ang kanyang interes at nahilig siya sa mga kakaibang artifacts, lalo na ang may kinalaman sa religion at sa occult. Pinakita agad ni Mayor ang bakal na agimat.

"This started it all," aniya. "Ang agimat mismo ng notorious na robber na si Nardong Putik!"

"Wow," mangha ni Hannah. "Sure ka ba, Mayor? Baka galing lang sa underpass ng Quiapo 'yan."

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now