ONE SHOT - KEYCHAIN

35 0 0
                                        

ONE SHOT - Keychain

"Mommmmmmmy!!" -Vanessa

Ano ba yan ang tagal tagal talaga ni Mommy kahit kailan. Hay. Malalate na kami sa sermon ni father.

"Ito na anak. Nandiyan na. Wait lang." sabi nito habang nagmamadali

"Mommy bilis na. Tagal naman" sagot na may halong inis.

After.................................

"Sa mga panahon ngayon maraming mga dalaga at binatang naiinlove ngayon. Ang ilan naman LOVE lang ang inaasikaso hindi na ang kanilang pag-aaral. Dapat kung ikaw ay papasok sa isang relasyon kailangan ang unang mamahalin ang iyong sarili. Kasi kung hindi mo mamahalin ang sarili mo hindi aasenso amh isang relasyon. Tsaka ang pinakaimportante wag pabayaan ang iyong pag-aaral. Dahil isa din yan sa mga dahilan ng isang lalaki o babae na gusto nilang mahalin."- Father

Tama si Father. Magaganda ang mga advise ni Father para sa lahat. Marami na rin akong natututunan mula sa kanya. Pero may part pa rin sakin na natatakot akong magmahal ng isang tao kasi baka sa isang iglap iwan ako sa ere.

..............

Natapos din ang misa. Ngayon na dito na ako sa bahay nagpapahinga. Gusto ko lang ngayon ay mag isip ng kung ano ano hanggang sa makatulog ako. Hay. Yan lang ang daily routine ko sa pang araw araw kasi naman bakasyon ngayon.

3:15pm

Hindi ko na namalayan ang oras dahil tulog ko. Yan hindi naman na mainit sa labas. Lalabas muna ako. Lilibangin ang sarili.

Habang sa paglalakad ko kasama ang mahal na mahal ko na aso na si Violet.

Napaupo muna kasi sa grass.

Dito talaga sa favorite place ko, mahangin, tahimik, konti lang ang tao, maraming puno kaya medyo malamig din.

Ilang minuto......

May asong lumapit sakin. Isang napacute na aso. At may binigay sakin..

"Ano ito?"- sabi sa sarili

"Aw. aw. aw. aw."- sabi nung aso na nagbigay sakin.

Isa siyang keychain na box shape tapos sa gitna ng keychain isang angel na babae. Napakaganda.

Hindi ko na napansin yung aso. Kaya naisipan ko na lang umuwi at nagmeryenda.

Paolo POV's

Napakaganda niya talaga. Hay. Ano kaya name niya. At sana sa binigay kong keychain itago nita sa na yun. Napamahal na yata ako sa kanya. Kaya lagi akong nagpupunta sa park na yun kasi doon siya laging nagpapahangin.

Una ko siyang nakita. Yung feeling na hindi na siyang matanggal sa isipan ko. Siya lagi nasa isip ko. Pati yata sa puso ko. Ayie! Korniii! Haha. Pero totoo.

Hay. Kailan ko kaya siya makikilala. Ewan ko ba naduduwag ako sa sobrang ganda niya.

Kinabukasan.....

Hinahanap Hanap ko siya dito ngayon sa park. Promise. Haharap na ako sa kanya.

After a couple of minutes....

Boom. Isang babaeng nakadress na long back. Basta napakasimple lang siya at hawak hawak niya yung aso niya. Nakapaganda niya talaga.

Habang papalapit ako ng papalapit, pero may biglang sumingit isang lalaking nakikita mo sa kanya na mabait siya.

Niyakap niya yung babae. Medyo nadisappoint din ako.

Kaya kunwari dadaan na lang ako. Nung nadaanan ko na sila. Talagang makikita mo sa itsura ng babae ang saya.....

After 2 years.

Vanessa POV's

Hay. Grabii nu ang bilis ng panahon ngayon 3rs year college na ako. Isang year na lang grahraduate na ako.

Habang pinagmamasdan ko itong keychain na ito. 4 na taon ko na itong tinatago pero hindi na din nagpaparamdam sakin yung aso na lumapit sakin. Hinahanap hanap ko din yung sa park na yun pero wala.

Kaya ngayon pupunta ako ngayon sa park para sa for the last time hahanapin ko na yun.

Habang sa paghahanap. May napansin akong lalaking may hawak na keychain na parehas ng akin. Linapitan ko siya. Napatabi ako sa kanya.

"Uhm. Excuse me?"- ako

Medyo kaba din ako.

"Yes?" - sagot naman nito.

" Gusto ko lang naman maitanong na baka sayo itong keychain na ito" -ako

Sabay abot ko sa kanya. Sabay namang abot nito.

"Ahh. Ito ba. Aamin na nga ako. Actually. Para sayo talaga yan. Kaya may angel diyan kasi nabasa ko sa profile mo na mahilig ka daw sa mga angels. Kaya itong keychain na ito pinagawa ko yan at binigay ko sayo yan este yung aso ko. Binigay ko yan as a sign of my love." -sabi nito

"Excuse me? As a sign of you love?"- ako

"Oo. Sorry kung naduwag akong sabihin sayo. Pero yung may araw na lalapitan na sana kita pero may sumingit na lalaki. Di ko alam kung boyfriend mo ba yun kaya di ko na tinuloy at napadaan na lang ako sa inyo. Kaya ngayon hanggang ngayon may gusto pa rin ako sayo. Matagal na kitang gusto. Matagal na din kitang nakikita dito sa park. Kaya lagi ako noon dito. Pero ngayon parang is too na para umamin. Ang gusto ko lang naman na sana itago mo yang binigay ko. At alam ko din na wala kang gusto sakin pero hayaan mo masaya ako kasi nasabi ko na sayo ngayon. Salamat sa bawat araw na napapangiti mo ako kahit sinusulyap sulyap lang kita. Kaya ngayon magpapaalam ako sayo. Titira na kasi ako States. Kaya sana alagaan mo sarili mo ah. Hanapin mo kung ano ang magpapasaya sayo. Salamat. By the way I'm Paolo de Vera. So. Friends?"- pag introduce niya.

"Ahh. Ya. Well, of course why not. I'm Vanessa Gachallan. Actually. Matagal na din kita nakikita sa village namin. Aamin din ako. Oo nagkagusto ko din ako sayo. Ang saya ko nga nung nalaman kong doon ka din nakatira sa village namin. Pero okay. I guess. Take care of yourself ah. Nice meeting you Paolo. I know someday magkikita din tayo. So? Okay. Friends."- ako sabay shake hands sa kanya as a sign of goodbye.

....................

Pagkatapos nung mga panahon na yun. Masaya ako dahil sa ilang oras lang kami nagsama ni Paolo eh parang napakalaki ng halaga niya sakin ngayon. Para na kaming magkapatid. Laging nagsusulatan. O kaya minsan Skype. Masaya ako. Nagpapasalamat ako na nakilala ko amg isang tulad niya. Friends Forever. :)

×××××~~~~~~~~~~~~~~~~~~

P.S.

Wag kang malungkot kung hanggang friend lang ang tingin sayo ng taong naging gusto mo. Alam naman natin na ganun, at wala ng pag-asang para na magkaroon pa kayo ng relasyon. Ang mahalaga naging bahagi siya ng buhay mo at naging matalik at malapit mo pa siyang kaibigan. Masaya magkaroon ng mga kaibigan lalo na yung mga taong mapapagkatiwalaan.

------------------

Author's Note

Salamat po. :) Sana suportahan niyo po. 1st story ko po. :) Salamat.

ONE SHOT - KEYCHAINWhere stories live. Discover now