CHAPTER 5: New Classmates

Start from the beginning
                                    

Naupo ako kaharap silang dalawa at hinila ko ang tray na naglalaman ng mga pagkain pero hinila ito pabalik ni Camille sakanya.

"Kung hindi mo yan kakainin, ako nalang ang kakain.", I said in bored tone. Suminghot muna siya bago ako sinagot.

"Huwag mong kainin, di kaba naaawa sa anak niya?"

Tanong niya. Kita ko ang paghilamos ni Alexies ng kanyang mukha gamit ang kanyang dalawang palad dahil sa sinabi ni Camille. I didn't knew na ganito palang klaseng babae to.

Hinila ko pabalik muli sa akin ang tray.

"You have nothing to do!"

Mariing pagsabat ko sakanya. Palipat lipat rin ng tingin sa aming dalawa ngayon si Alexies.

"Oh? Girls--Camille.. Eggs of chickens are supposed to be eat. Besides puno rin ito ng protiens at minerals---mayaman rin ito sa vitamin A at iron. It's part of grow foods."

Paliwanag ni Alexies, ang talino ha! Pero ninlakihan lang siya ni Camille ng ilong at tumingin rin sa akin si Camille habang pinapalaki parin niya ang butas ng kanyang ilong.

"Kayo nalang kumain. Basta ayuko.."

Sabag iling niya sa amin ni Alexies. Nagkibit balikat lang si Alexies sabay dampot roon sa isang pirasong piniritong itlog at kinain.

------

Nang matapos ang senaryo namin roon sa cafeteria ay pumunta na kami ng classroom noong tumunog na ang bell. Hindi namin classmate si Alexies kaya hindi namin siya kasama.

Nasa likuran banda ang upuan naming dalawa ni Camille kaya medyo tahimik ang buhay namin dito sa likod. Hindi tulad roon sa unahan na panay ang harutan, mapababae man o mapalalaki.

Huminto ang lahat sa ginagawa nang pumasok sa loob ang aming Adviser. Mabilis kaming tumayong lahat at binati siya.

"Good morning sir Stanphill.."

Bati naming lahat sakanya. Seminyas ito sa amin na umupo kaya ganoon nga ang ginawa namin.

Tumikhim ito sabay ayos sa kurbatang suot niya at nilapag ang librong hawak niya sa table.

"Okey listen everyone. I have something to say."

Panimula niya habang nakangiting husto sa aming lahat. Tumingin ito sa pinto at may seninyasan sa labas na pumasok dito sa loob.

"Let's welcome your new classmates. I proudly to say that you're lucky..."

Lucky? Panong naging lucky?

Yun rin ang karamihang naririnig ko ngayon sa mga kaklase ko noong nagsisipasok na ang mga bagong magiging kaklase daw namin.

Unang pumasok dito sa loob ang babae kasunod niya ang dalawang lalaki sa kanyang likuran.

Humarap sila sa amin maliban sa isa na pasimple lamang ang pamumulsa niya sa gilid.

Napanganga ako dahil sa kilala ko silang lahat. How could-

"Introduce yourselves to us.."

Nakangiting sambit ng aming guro. Humakbang ng kunti ang babae sabay bow.

"Eignacia Klerr Carter.."

"Cent Branon Jonhson.."

Sunod na pakilala nong lalaking si Cent. I remember what he did to me. Tumingin silang pareho ni Eigna sa gawi ko. Ngumiti si Cent sa akin pero ngumisi naman si Eigna. Inisnaban ko silang pareho.

Bahagya akong napatingin kay Camille nang marinig ang pagbali nya sa hawak nyang ballpen. Her eyes widen open habang hindi matanggal ang tingin sa bago naming kaklase. Hindi ko alam kung nabigla ba syang makita ang tatlo o nanlilisik talaga ang mga mata nya? Ngayon ko lang nakita ang ganitong mukha ni Camille. Ibang-iba ang mga tingin nya sa tatlo.

"How about you mr--" Nabaling ang tingin ko sa guro nang magsalita ito.

"Wilkinson-----Sceven Halder Wilkinson.."

Pagpapakilala ni Sced sa aming lahat pero sa akin nakatitig. Pasimpleng tumili ang ibang kababaihan sa dalawang lalaking nasa gitna.

He's still wearing his bored face, plain uniform and disheveled hair yet handsome.

His eyes are emotionless. I remember Aris from him. Pareho sila ni Aris kapag naggaganyan. Hindi ko lang alam kung magkaugali rin sila Aris pero mukhang hindi. Mabait si Aris pero ewan ko lang sa isang to.

Umiwas agad ako ng tingin noong ngumisi siya sa akin. Damn!

.

.

.

--

Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Where stories live. Discover now