CHAPTER 5: New Classmates

Start from the beginning
                                    

Tipid na sagot ko habang naglalakad na papunta roon sa principal office.

"Okey. Hihintayin kita sa cafeteria.."

Tumango nalang ako sakanya kaya naghiwalay na kami ng daan. Nasa ikatlong palapag ang principal's office kaya doon ang ruta ko.

Di ko maiwasan ang hindi mamangha dahil ngayon lang ako nakapaglibot dito sa universidad namin at ang laki-laki pala talaga nito at maraming mga estudyanteng nag-aaral. Meroon ring dormitoryo sa kabilang dako para sa mga estudyanteng malalayo ang kanilang bahay.

Kumatok na ako sa pinto ng office at binuksan naman ito ng sekretarya ng principal. Pinapasok niya ako at lumabas muna siya ng office. Nakaupo sakanyang table ang principal habang naghihilot ng kanyang sintido. Halatang 40's na rin siya, sa mukha palang.

Bigla siyang napatayo sa gulat nang makita ako.

"M-miss Clim--I mean ma'am Harrington.."

Nauutal niyang sambit. Pabagsak akong naupo sa sofa sabay tingin sa kanya. Lumapit siya sa akin sabay yuko.

"Please forgive my daughter from what she have done to you ma'am.. please forgive Eunis.."

Agad na sumilay ang ngisi sa aking labi nang sabihin niya ang linyang iyon. Tumayo ako at iniwan siyang nakayuko roon. Bago ako tuluyang lumabas sa office niya ay may hinabilin pa ako.

"I'll foregive her mister Planner. As long as she didn't know my true identity.."

-------

Papasok na ako sa cafeteria nang makasalubong ko nanaman siya sa daan. Tss!

"Oh! How are you miss Climbert? Mukhang pinagalitan ka ata ha..Kawawa ka naman.."

Natatawang sambit ni Eunis. Tumawa naman yung dalawang babaeng kasama niya ngayon.

Di ko na siya pinansin at tumuloy nalang sa loob ng cafeteria. Hinanap ko sa aking paningin si Camille at nakita ko naman siya kasama si Alexies.

Naglakad ako papalapit sakanila habang nakakunot ang aking nuo. Anong nangyari sakanya?

"Ssh..Tahan na. Huwag ka ng umiyak.."

Pagpapatahan ni Alexies doon kay Camille na umiiyak. Hinahagod niya ang likod ni Camille para tumigil na ito sa pag-iyak.

"What happened to her?"

I asked pero bigla nalang yumakap sa bewang ko si Camille at doon umiyak. Hinaplos ko ang buhok niya at tiningnan si Alexies ng nagtataka.

"Why is she crying?"

"Becuase I order her a-"

"Temer! Waah! Ayukong kumain. Kawawa naman yung ina niya. Nawalan siya ng anak dahil sa kinakain ito ng mga tao.."

Naiiyak na pagsabat ni Camille. Naibagsak ni Alexies ang dalawa niyang balikat sabay sapo sakanyang noo.

Tiningnan ko ang pagkaing nakalapag sa mesa, it's a fried rice with two fried eggs on top.

"What are you talking about?"

Nagtatakang tanong kong muli kay Camille.

"Temer.. Ayukong kumain ng itlog kasi galing yan sa pwet ng manok at isa pa nawalan ng anak yung nanay niya dahil niluto ng kusenira dito sa cafeteria. Kawawa naman silang mag-iina.."

Sagot niya dahilan upang itulak ko siya papalayo sa akin. Bushit tong babaeng to, akala ko kung ano ng iniiyak niya. Ayaw lang palang kumain ng itlog.

Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Where stories live. Discover now