I love you my ass! Ano? Hindi siya makuntento sa isa? Kailangan dalawa kami? Kung magsyosyota na rin naman ako, dun na sa ako lang ang gusto at walang sabit. Selfish ako, ayoko ng may kahati.

"Trystan? Why?" nagtatakang tanong ni Yanna.

Umismid ako. "Umay na umay na 'ko sa presensya niya kaya kung pwede lang, iiwas mo siya sakin at baka sirain 'ko yung pagmumukha ng apang yun," naiinis na sagot ko saka binilisan yung pagpapatakbo sa kotse.

"Hey! Slow down! O-oo na! I'll do it but for Pete's sake, slow down!" sigaw nito.

Binagalan ko naman gaya ng sabi niya at dahan dahang pinark yung sasakyan nang makarating kami sa university.

Inaasahan ko na na siya yung bubungad samin pagkababa ko ng kotse kaya sinabihan ko na agad si Yanna na itaboy yung pinsan niya.

"How am I gonna do that?"

"Itulak mo, hilahin mo o kaladkarin mo palayo. Basta wag na wag mong papalapitin sakin yang hampaslupang apa na yan"

"I wonder why you're that mad at him all of a sudden. Did something happened na hindi ko alam?"  pinanliitan niya ko ng mga mata.

"Wala," mabilis na sagot ko kaya mas lalo niyang pinasingkit yung mga mata niya at binigyan ng nag-aakusang tingin. "Bilisan mo na, baka malate tayo," sabi ko na lang.

Bumaba ng kotse si Yanna at pinanood ko siyang hilahin palayo yung pinsan niya. Kitang kita ko rin yung pagpiglas ni Cone pero tinulungan ni Raven si Yanna kaya wala na siyang nagawa. Mabilis akong lumabas ng kotse at halos patakbong pumunta sa classroom. Nagsalpak agad ako ng headset sa tenga ko kahit hindi ako mahilig sa music para hindi ako matanong ni Yanna ng kung anu-ano pagdating niya dahil paniguradong hindi ako titigilan non at baka sumama pa yung buntot niyang si Raven magfull force pa silang pagtulungan ako.

"So.. Care to explain why are you avoiding Trystan?" tanong ni LWB na nakaabang na pala sa labas ng classroom namin paglabas ko.

"Wala akong dapat i-explain sayo" sabi ko saka siya nilagpasan.

"Yeah. But I heard Yanna talking about it so loud and I can't help but wonder why do you suddenly want him out of your life?" nakangising tanong nito na parang may alam pero walang balak sabihin.

Napairap na lang ako at hindi na siya kinausap. Paki ko ba sa kanya? Puro lang sila sakit sa ulo. Tao lang din naman ako, napapagod mabadtrip.

Napatigil ako sa paglalakad nung mamataan ko sina Yanna, Raven, Ashley at Cone sa isang table. Pinauna ko na kasi si Yanna para masiguro na mailalayo niya yung pibsan niya pero ang walanghiya, sinabay pa talaga? So, ako na naman ang maga-adjust? Tanginang buhay to.

Sinamaan ko agad ng tingin si Yanna na nagpeace sign lang nang mahagip ako. Hindi na 'ko nagpatuloy sa pagpasok sa canteen at napailing na lang.

"Traydor. Tsk" bulong ko habang naglalakad palayo.

"Hindi ka kakain?" tanong ni LWB.

Nilingon ko siya saglit at tinaasan ng kilay. "Bakit ka sumunod?"

"Im your brother, of course I will side on you" kibit-balikat na sagot nito habang nakapamulsa.

Napailing na lang ako. Talagang pinapanindigan niya yang pagiging kapatid kuno e hindi pa naman kasal sina Papa. Buhy nga naman, sa dami ng pwedeng makilala, bakit yung may mga saltik pa?

"Saan tayo pupunta?" tanong ulit niya.

Napabuntong hininga ako saka dumaretso sa parking lot kung nasaan yung kotse niya. "Sa fastfood, libre mo tutal kinacareer mo yang pagiging kapatid ko aabusuhin ko na" sabi ko.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon