Kapitulo XXXV - Hogosha

Zacznij od początku
                                    

Nang may maramdamang papalapit na bola ng apoy sa puwesto ko ay agad akong dumapa at dumausdos sa lupa. Pinrotektahan ko ang aking ulo habang patuloy na gumugulong pabagsak sa burol. Napahiyaw ako nang maramdamang tumama ang likod ko sa isang puno. Sunod-sunod akong napasinghap at napadaing nang maramdaman ang sakit na dulot ng malakas na impact ng pagtama ng aking likod sa puno.

"Gotcha!" sigaw niya mula sa 'di kalayuan bago itinutok ang kanyang palad sa akin. Napalunok ako nang makitang may namumuong bola ng apoy mula sa gitna ng kanyang palad.

Muli kong sinubukang umiwas kaya tumama ang bola ng apoy sa puno. Ginamit ko ang natitirang lakas upang tumayo at muling tumakbo papalayo. Hinigpitan ko ang kapit ko sa pana at palaso habang humahanap ng maaaring pagtaguan at paggamitan nito.

"Argh!" Napabagsak ako sa lupa nang madaplisan ng bola ng apoy ang gilid ng aking hita. Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi habang pinipigilan ang sariling mapahiyaw sa sakit. Nanlalabo na ang aking paningin ngunit nakita kong naglalakad papalapit sa akin ang babae.

Muli kong sinubukang igalaw ang katawan ko upang abutin ang pana at palasong nalaglag sa lupa ngunit masyado itong malayo sa akin. Naramdaman ko ang pamumuo ng malalamig na butil ng pawis sa aking noo at ang paninikip ng aking dibdib.

Nanlulumong tinitigan ko ang papalapit nang papalapit na bola ng apoy na ibinato sa akin ng babae. Napadaing na lamang ako dahil sa sakit ng katawan at unti-unti ko na ring tinanggap ang aking kapalaran. Ipinikit ko ang aking mga mata kaya tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

"Come on, open your eyes, Eshtelle. Please..." Kahit na hirap na hirap ako ay pilit kong iminulat ang aking mga mata at nasilaw ako sa liwanag sa kalangitan na dulot ng sikat ng araw na natatakpan ng kaunting mga puno. Nananatiling malabo ang aking paningin dahil sa namumuong luha sa aking mga mata. Ibinaling ko ang paningin ko sa taong tumatawag sa akin.

"I'm already here, my Zhu. You're safe now..."

Unti-unting luminaw ang aking paningin at nang makita ang maamong mukha ng taong nagsasalita ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Mas pumungay ang kanyang mga mata nang makita akong umiiyak. "A-Asher..." I croaked.

Ramdam ko ang paghinto niya sa paglalakad habang buhat niya ako sa kanyang mga bisig. Nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya umiling siya at tipid na ngumiti. "Shh... It's okay. Nandito na ako, Eshtelle. I'm sorry for being a little too late to save you."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman kong ligtas ako sa loob ng larong ito. Sa mga bisig niya... Sa mga bisig ng taong minsan na ring sumagip sa buhay ko noon.

"A-Are you my Hogosha?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Ngumiti muna siya sa akin bago nagsimulang maglakad. "Yes, I am your Hogosha and you are my Zhu."

I smiled through my tears. "Thank you..." halos pabulong na sambit ko ngunit agad akong natigilan nang naramdaman ang paglapat ng kanyang labi sa aking noo.

"Shh... I already told you before that you don't have to thank me for protecting you," aniya. "I was born to save you, Eshtelle. I was born to protect my master. Ipinanganak ako para sa'yo, at sa'yo lamang."

Nakaramdam ako ng kaunting haplos sa aking puso habang pinagmamasdan ang lalaking sumagip sa buhay ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng paninikip sa aking dibdib at sikmura na tila ba may mga paru-parong naglalaro sa loob nito.

"Huwag mo akong tignan ng ganyan, Eshtelle, dahil baka magkasala ako sa batas ng Galaxias at piliin kong ipaglaban ka," mahinang sabi niya habang nakatingin sa dinadaanan naming dalawa.

Dauntless Academy: Home of the BraveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz