Prologue

18 0 0
                                    

          Blue Sacred University, isang sikat na eskwelahan kung saan kadalasang nag-aaral ang mga mayayamang estudyante. Mayaman din ang may-ari nito. Ipinangalan ito sa panganay na anak ni Mrs. De Vera na si..

          “Blue!! Marry me, please?!!” sigaw ng isang babaeng 2nd year student.

          “Lance! Look at me? I’m pretty, right?” tanong ng isa pa.

          “Raichen! You’re so handsome!” sigaw ng isang lalaking 3rd year student.

          Pati mga lalaki ay napapasigaw ng dahil sakanila. Bakit? Kung ituring sila ng mga estudyante ng university, para silang instant celebrity. Sila ang center of gravity, attention and popularity. Maraming mga babae ang matagal nang naghahangad na makasabay sila para mag-lunch pero wala silang pinagbibigyan kahit isa. Pagpasok nila sa lobby, halos lahat ng estudyante ay nakabungad sakanila. Alam niyo na, para purihin at para sigawan ng kung anu-anong tanong.

          Si Blue o Blue Andrae De Vera sa buong pangalan. Siya ang panganay na anak ni Mrs. De Vera. Sa kanya ipinangalan ang University. Siya rin ang tumatayong leader sakanilang tatlo. At siya rin ang may pinaka maraming girl ang boy admirers.

          Si Lance o Lance Santillan. Pinaka tahimik sa tatlo. Hindi siya masyadong nakikihalubilo sa mga tao. Only child at laki sa Vancouver, Canada. Siya naman ang tinuturing na Fashion Greed ng University dahil sa magaling siyang pumorma at lahat ng damit ay bumabagay sa kanya.

          Raichen o Raichen Villorente. Siya ang pinaka makulit sa tatlo. Mayroon siyang sense of humor kung kaya’t marami rin siyang girl admirers. Mahilig siyang mang-trip ng mga babae. Pero wala pa namang naiinis sa kanya. Tinuturing siyang Humor Prince.

          Balik tayo sa lobby, napahinto sila Blue ng magtinginan ang mga estudyante sa likod nila. Dahil sa nangyari, napatingin din ang tatlo at hindi maganda ang naging reaksyon ni Blue.

          “Excuse me, can you please give me a way? I’m in a rush,” sabi ng isang babae.

          Hindi gumalaw si Blue. Hindi niya binigyan ng daan ‘‘yung babae. Kaya binangga siya nito at saka naglakad palayo. Nainis si Blue. Inasar siya ng ibang estudyante na nagpalala sa inis niya.

          “Aw, binabangga ka lang pala ng isang magandang babae,” sabi ng isa.

          “Payag ka nun?  She’s pretty and I know, you like what she did. Hahaha,” sabi ng isang lalaki na naging dahilan para magalit si Blue.

          “Huh? She’s pretty? Yeah, I know. I like what she did? Anong akala mo, papayag ako na banggain ng isang babae? Get out of my way,” sagot ni Blue. At saka siya naglakad palayo para pumunta sa room nila. Sinundan siya ni Lance at Raichen.

          Pagpasok ng classroom, nagtinginan ang lahat sa tatlo. Agad naman silang umupo sa kani-kanilang upuan. Yumuko si Blue dahil ayaw niyang ipakita ang mukha niya kapag naiinis. Hindi kasi maganda ang aura niya kapag gano’n ‘yung mood niya.

          “Yow, Bro. Kumusta?” tanong ni Lance kay Blue.

          “Arrggh, nakakabanas. Akala nila.. Ahh! Humanda sa’kin ‘yang babaeng ‘yan,” sagot ni Blue.

          “Kalma lang, Bro. Hayaan mo na,” sabi ni Lance.

          Hindi na sumagot si Blue. Bumalik siya sa pagkakayuko. Maya-maya, nagtakbuhan ‘‘yung mga estudyante at dali daling umupo. Nandiyan na pala ‘‘yung professor nila na si Mr. Santiago.

          “Good morning, students,” bati ni Mr. Santiago.

          Tumayo ang mga estudyante. “Good morning, Mr. Santiago,” matamlay na bati ng mga ito. Hindi tumayo si Blue. Nakayuko pa rin siya kaya nabaling sa kanya ang atensyon ni Mr. Santiago.

          “Mr. De Vera, stand up!” utos ng professor.

          “Ugh, anong problema, Sir?!” mabagal na tumayo si Blue at akmang uupo pa ulit.

          “Lahat ng classmates mo, ginreet ako ng maayos. Nakatayo sila. How about you? Nakayuko ka lang diyan? Inaantok ka ba? Greet me!” utos ni Mr. Santiago.

          “Goo.. good morning,” utal na sabi ni Blue.

          Hindi maganda ang naging pagbati ni Blue kaya hindi ito nagustuhan ng professor nila.

          “Blue Andrae De Vera, hindi ko akalain na talagang gan’yan ang ugali mo. Sa’yo pa naman ipinangalan ang university na ito tapos.. Hayy, go to the guidance office, NOW!” utos ulit ni Mr. Santiago.

          “Hindi mo kailangang banggitin ang full name ko. Alam ko ‘yan. Hahaha. Babush, Sir. Bleh,” pang-aasar ni Blue at saka siya lumabas ng room.

          Mabagal siyang naglakad papunta sa guidance office. With matching sipol sipol pa. Kapag may nakakasalubong siyang ibang estudyante, napapatitig lang ito sa kanya. Pero hindi niya pinapansin.

Triple TroubleWhere stories live. Discover now