Break Up

30 2 0
                                        

"Mirror mirror on the wall, tell me who's the uhm" nandito ako sa harap ng salamin. Nagpapaka-abnormal na naman. Letche kasi. Bakit pa kasi 'ko pinagpalit nung lalaking yun?! Hays ulit!

"Mirror mirror on the wall, tell me who's the beautiful—" punyeta. Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng may kumatok sa pintuan malamang. Alangan naman sa sahig.

"Sino yan?! PUNYETA NAGR-REHEARSE AKO DITO E. ISTORBO!" sigaw ko ng may halong pagkainis.

"MAMA MO 'TO HINAYUPAK KA BUKSAN MO TO NG MAGULPI KITA!" nangiwi na lamang ako ng malaman na si mama pala yung kumakatok.

Agad akong tumakbo sa pintuan para pagbukasan sya.

"Anak? Ikaw ba yan? Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo? Hala! Maghilamos ka roon!" hay nako si mama. Hindi na nasanay sakin. Eh mana lang naman ako sa kanya. Laging iniiwan. Kaya eto, kalat na naman ang make up sa mukha ko at basa ng luha.

Pumunta na lamang ako sa cr para maghilamos.

—Flashback

"Mahaaaaaal! Buti nakarating ka. Alam ko naman na traffic wag ka nang mag-salita. Hep! Order ka muna. Tagal mo kong pinaghintay e. O eto na yung menu," inilapag ko ito sa iyong harapan, magsasalita ka pa sana ng pigilan ko. "Ayan babe may pawis ka pa. Hays ako na nga magpupunas nyan" kinuha ko ang towel ko at sinimulang mag-punas, "siguro tumakbo ka makarating lang dito no? Ang sweet sweet mo talaga!" Pilit akong tumawa.

Walang ekspresyon ang mukha mo kaya naka-kutob na ko.

"Pain, tigil na natin 'to." Alam ko ang ibig nyang sabihin pero ayoko. Ayoko muna. Dahil ba nagsawa na sya kaya sya nakikipaghiwalay? Pano naman akong hulog na hulog pa?

"Alin babe? Ayaw mo na sa resto na to mahal ko? Tara't lilipat tayo" ngumiti ako sayo at hinawakan ang iyong kamay.

"Hindi iyon! Ayoko na sa relasyong ito. Hindi na kita mahal!" Napataas na ang boses nya kaya't nagsitinginan na ang ibang tao. Nakayuko lamang ako at hinihintay ang mga susunod nya pang sasabihin. "Ayoko na sayo! Ang pangit pangit mo! Ang immature mo pa. Anong mapapala ko sayo?! Kaya pwede ba? Itigil na natin to." Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyan ay iniwan na nya ako. Iniwang nakayuko at umiiyak. Nanlambot ang mga tuhod ko kaya't napa-luhod ako.

—End of Flashback.

"AAAAAAAAAHHHHHHHH! HINAYUPAK KA! DAPAT HINDI MO NALANG AKO NILIGAWAN! DAPAT HINDI AKO NAGPADALA SA MGA SWEET WORDS MO! GRRRRR! ANG SARAP MONG IPALAMON SA MGA HAYOP NG MAWALA KA NA SA MUNDO!" kaso naisip ko, kamag-anak nya pala nga hayop kaya hindi sya kakainin nun. HAYOP SYANG GAGO SYA!

"Nak, walang magagawa yan! E kung sinampal at sinapak-sapak mo kanina edi medyo nabawasan yang sakit sa dibdib mo. Kahit wala kang dibdib" minsan punyeta din tong nanay ko e. Sakanya lang naman ako nagmana ng kawalan ng dibdib.

"Bastos ka ma! HAHAHHAHAHAHAH. Ikaw din naman walang dibdib. Kaya nga di ako nakadede sayo nung bata ako e"

"Aba bastos tong batang to! Halika dito lumabas ka ng masampal ka kaliwa't kanan"

Binuksan ko ang pinto ng cr atsaka niyakap sya.

"Salamat ma."

                                                                             The End

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.

please vote. ahe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Break UpWhere stories live. Discover now