Masasanay din ako

231 0 0
                                    

Masasanay din ako
// Spoken word poetry 9 //

Mahal wag kang mag alala
Kaya ko na ang sarili ko
at balang araw
MASASANAY DIN AKO

Masasanay din ako hindi na cellphone ang unang titignan
Kung nag Reply kaba o kaya nag text
Masasanay din ako na walang ikaw ang kumukumpleto ng araw ko
Masasanay din akong hindi ka naiisip
Hindi ka inaalala
Masasanay din akong hindi na akong sinisinta mo
Masasanay din akong hindi na maririning ang tawa mong napakasarap pakingan
Masasanay din akong papasok sa paaralan na hindi ka kasabay
Masasanay din akong mag isang puntahan ang magagandang lugar na punong puno ng magagandang alala
Masasanay din akong hindi na mahahawakan ang magaganda mong kamay
Masasanay din akong makita ka na tumatawa ka hinda na sa joke ko kundi sa mga joke niya
Masasanay din akong makita ka na tumatawa ka hindi sa biro ko kondi sa biro niya
Masasanay din akong nakikinig ka sa mga kuwento niya

Kaya mahal wag kang mag alala
Masasanay din ako
Masasanay din akong mag isa na hindi ka na inisip
Masasanay din akong ngumiti ulit yung galing na sa puso,yung hindi nalang ngiti para pagtakpan ang lungkot na nadarama ko

kelangan ko na mag paalam at isasarado ko na ang kuwentong nabuo natin noong magkasama pa tayo
Sisikapin kong gumawa ng bagong istorya na hindi kana parte ng storyang yon
Kaya magpapalam na ako
Kaya mahal masasanay din ako
Masasanay din akong iba na ang tinitibok ng puso ko

© Chrstnsrn

Spoken Poetry Where stories live. Discover now