Fairytales

6 0 0
                                        

☪♥         F A I R Y T A L E S        ♥☪

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Tanong saakin ni keenah. Agad nawala ang ngiti sa aking labi nang makita kong nakakunot ang kaniyang noo na tila ba naiinis sa ginawa kong pagtingin sa kaniya ng nakangiti.

"Wala lang naman." Sagot ko naman  sa kaniya at kunwaring nagiisip na lang ng speech namin para mamaya.

Pero hindi ata ako makapag-concentrate lalo pa't nasa harap ko ngayon si keenah.

Si keenah? Matagal ko na siyang gusto. Unang tapak pa lamang niya sa pinto ng aming classroom, nabihag niya agad ang puso ko.

Unang beses pa lamang na kumunot ang noo niya habang nilalakbay Ang mata niya sa classroom.

Saglit na napadako ang mata niya saakin at mabilis rin namang nalipat sa iba.

"Ano bang ginagawa mo? Hindi naman yan makatutulong sa speech natin eh." Nagulat pa ako nang makita siyang nakakunot pa din ang noo habang nakatingin sa ginuguhit ko.

Agad ko naman itong tinago at sinabing "Wala lang." para Hindi na siya mangulit pa.

Bahagya naman siyang tumagilid upang ipagpatuloy ang pagsulat niya sa kaniyang papel.

Muli nanamang sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita Kong bahagya pang natatakpan ng buhok niya Ang kaniyang mukha.

At muli nanaman akong naiwang nakatitig sa kaniyang mukha.

Yung kilay niyang makapal at Hindi mo malaman kung saan ba talaga patungo.

Yung pilik-mata niyang mahahaba at makakapal na pinagmumukha siyang kaawa-awa.

Yung Ilong niyang matangos.

Yung labi niyang mapula--na parang masarap idampi ang labi ko sa
kaniya.

Yung mata niyang nagpapalungkot sa mukha niya kahit pa tumawa siya.

'Ang ganda-ganda mo talaga keenah'

'Hindi ko alam kung paano pero habang tinitignan ko ang mukha mo parang wala nang problema ang mundo'

Humarap saakin si keenah ng nakangiti.

'Yan. Yang mga ngiting yan ang tumutunaw sa puso at nagpapagaan ng pakiramdam ko'

Bahagya pang lumabas ang dimples niya at lumiit ang kaniyang nga mata sa pagngiting yon.

At tuluyan na rin akong napangiti.

'Nakakadala yang ngiti mo. Kahit na alam kong hindi naman yan para saakin.'

"Uy! Tapos na ako! Tapos ka na rin diba? Basta dapat maayos yung performance natin mamaya ah. Balik na ako doon." At bumalik na siya sa upuan niya sa harap.

Ano? Sagot.Where stories live. Discover now