Iba't - ibang uri ng kabataan ay biglang nagsama-sama
Iba't - ibang katangian at kinakaadikan ngunit nagkakaisa
Iba't - iba rin ang trip pero patuloy pa rin sa pagmamahalan
Iba't - iba man ang bawat miyembro pero i-isa lang ang alam ko...
Tunay na masasandalan sila'y nandyan
Problema man ay dumaan hinding hindi ka iiwan ng mga yan
Ikaw man ay umiyak o madapa patuloy pa rin silang nandyan
Sintatag ng great wall of china aming pagkakaibigan
Tunay na saya ay kanilang binibigay
walang halong paga-alinlangan ganyan sila
mula pa noong kami ay nagkabuklod-buklod
tanging kaligayahan lang ang aming hinangad
Tunay na pagmamahal kanilang walang sawang pinaparamdam
Ang kanilang pagmamahal ang siyang pumupuna
sa mga pagkukulang na aking nadarama
kaya ako'y walang sawang magmamahal sa kanila
Tunay na kaibigan silang ang aking halimbawa
umulan man o bumagyo sila'y nasa tabi ko
sumuko man ang lahat sila pa rin ang kasama ko
kaya laking pasasalamat ko at sila'y aking nakatagpo :)