Isa pa, I know that it is impossible especially because I am already here pero gusto ko pa ring umasa na kahit papano may magagawa sila kuya.


Especially kuya Aidan. Kumakapit pa rin ako kahit na sobrang labo na ng tansya. Kuya will never abandon me. That's the only thing I am sure of. He will never let me suffer from this hell. I know and I can feel that he will do something. I don't know how but I know he will.


Tiningnan ko muli ang papel na ibinigay ni Mrs. Rodriguez atsaka tumango ng walang gana habang binabasa ang mga nakasulat.


So far, normal naman ang mga subjects na nandito. The minor and major subjects I needed. Sinuri ko pa isa-isa. Mukhang hindi naman ako mahihirapang mag-adjust dahil halos ito rin ang mga subjects na kinukuha ko sa dati kong eskwelahan.


"Thank you po. I think, I need to go." Pag papaalam ko bago tumayo at inayos ang sarili.


Isang beses ko pang iginala ang mga mata sa buong paligid. Her office is quiet big. Sa dingding sa kanyang likuran nakasabit ang hugis bilog na syang tatak ng eskwelahan. Simple, at mukhang normal naman. Isang ukit libro ang nasa gitna habang nasa kanan ay kulay puting hugis lapis at sa kaliwa naman ang kulay itim at sa paikot naka sulat ang pangalang 'Daemon's Academy' at sa bandang ibaba naroon ang taon kung kailan natatag ang eskwelahan.


Nakaharap ang lamesa ni Mrs. Rodriguez sa mismong pinto at sa gilid ng pintuan ay isang malaking glass window. Nakikita ko ang labas kung asan ang hallway. May pailan-ilan na rin akong napapansing dumadaan mula pa kanina pero noong ako ang nasa labas, hindi naman kita itong loob.


Sa kaliwa ko, naroon ang malaking bookshelf na puno ng mga libro. At sa kanan may ilang drawers na kulay puti. Simple at wala masyadong dekorasyon ang buong silid pero naka-organisa ang bawat gamit. Malinis at maaliwalas ding tingnan.


"Okay, see you around Miss Kim." She responded while wearing her meaningful smiles again.


Hindi na iyon naalis kahit kanina habang nag-uusap pa kami.


"..And oh! Another one," Tumayo na rin sya.


Ilang segundong tumahimik at pinagmasdan ako gamit ang mapanuri niyang mga mata na tila ba kinakabisa ang kabuoan ko kahit na kanina pa naman niya ako pinagmamasdan. Akala nya siguro hindi ko napapansin. Kanina pa ako sa kanya nawe-werdohan.


Nabanggit rin nya kanina na sobra syang natutuwa dahil nagkaroon ng bagong estudyante ang eskwelahang ito sa gitna ng pasukan. Na hindi raw ganon kadalas mangyari. Napaisip tuloy ako. Ganon nalang ba kadalang ang mga transfer students dito kaya ganoon sya kamangha?


Sabagay, kilala nga pala ang eskwelahang ito pero sa hindi naman magandang reputasyon. Maraming estudyante ang takot na makapasok o kahit makakilala man lang ng mga galing dito. Hindi ko alam kung totoo but that's what I heard.


Even my schoolmates from my previous school. I also have my source, I researched, and I have friends.


"This Academy has a bad profile, sigurado ako na alam mo na rin 'yon?" Seryoso nyang sabi.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now