Chapter 5: He Transferred

426 12 3
                                    

( AN: Humihingi po ako ng sorry sa mga nagbabasa nitong "The Great Pretender" kasi ngayon ulit ako nakapag-update. Sana po nandyan po yung mga readers and supporters ko :( Huhuhuhuhuhu. I'll try my best na makapag-update ng madami at mas mabilis. Sana suportahan niyo pa din tong TGP. Love Love )

_________________________________________________________

<Thrird Person's POV>

Monday na naman. Ayaw pa sana pumasok ni Keira sa klase nguniit wala siyang magagawa dahil hindi pa nila natatapos ang mga paper works na kailangan para sa foundation week ng kanilang paaralan.

Matapos ang gabing iyon ay hindi pa nakikipag-usap sa ibang tao si Keira. Paminsan minsa ay kinukumusta siya ni Jen. Dalawang araw lang siyang nagmukmok at nagkulong sa condo niya. Pinangako niyang ito na ang huliing beses na magpapaapekto siya sa nangyari.

Samantala, si Nathan naman ay naging abala sa pag-aayos ng mga kailangan niya sa paaralan kaya't hindi rin silang gaano nakapag-usap ng dalaga. Nalaman niya din ang mga pangyayari sa bar kaya kahit na labis itong nag-aalala para kay Keira ay mas pinili niyang bigyan ito ng oras at mapag-isa. Kaya naman ngayon ay mas lalo niyang naisip na tama lang naging pasya niya na mas mapalapit pa dito. Gusto niya itong tulungan na bumangon ulit kahit na siya pa ang masaktan.

<Keira's POV>

Humarap muna ako sa salamin bago pumasok ng school. SIGH. So ito na talaga toh. Kailangan kong iwan dito ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

I took a deep breath and..... 

SMILE ^___^

*SCHOOL*

Nandito na kami sa loob ng classroom. Salita lang ng salita sa unahan yung teacher namin. Tinitingnan ko lang siya pero hindi naman talaga ako nakikinig. Kahit na sabihin ko pang hindi na ako magpapaapekto hindi naman talaga maiiwasan yun. Sya nga pala, iba na din ang seating arrangement ngayon. Every month kasi pabago bago ito. Mas pinili kong maupo sa may bandang unahan pero sa may bintana.

Mabilis na tumakbo ang oras. Hindi ko namalayan na break time na pala namin at wala akong planong lumabas ng room. Tinatamad ako at sobrang inaantok. Hindi maayos ang tulog ko this past few days. I guess I should stay here. Matutulog na muna siguro ako. 30 minutes pa naman ang natitira bago ang next class.

The Great Pretender (ON HOLD)Where stories live. Discover now