The Final Solution

Start from the beginning
                                    

“Kung hindi ka pa sawa sa buhay mo, mas mabuti kung gagawa ka ng paraan para makatakas dito.” Sabi nya sa akin.

“Wala na akong anak. Namatay sa cholera ang nag iisa kong anak at ang asawa ko ay namatay sag era. Kung ito lang ang paraan para makapiling ko sila ay tatanggapin ko.” Sabi nya sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi nya. Magsasalita na sana ako ng makita ko ang paglitaw ng isang malaking usok galing sa kampo at dun ko naamoy ang hindi kanais nais na amoy. Agad kong tinakpan ang ilong ko.

Maya maya pa, umusad uli ang pila at nakita ko sa kanang bahagi ng kampong gawa sa bato ay mga sundalong nakapalibot sa isang hilera ng mga tao na kadalasan ay ang mga sakit at sobrang payat. Ang iba sa kanila ay babae dahil wala silang kadamit damit at kinalbo silang lahat. Nakatutok ang mga baril ng sundalo sa kanila. Sumenyas ang isang sundalo at sabay sabay silang nagpaputok.

Umalingawngaw ang hagulgol sa pila namin at ang iba ay kumapit sa barbed wire. Agad pinaghihila ng mga sundalo ang mga kumapit sa kanila at ang mga nanlalaban ay hinahampas nila ng hawak nilang malapad na kahoy.

May nakita akong ibinubuhos ang mga sundalo sa katawan ng mga namatay noon at pagkatapos noon ay sinindihan nila ito.

Dun ko na napagtantong huling araw na namn ito ng kapatid ko kaya agad ko syang hinanap. Habang magulo pa ang pila kung saan ako kabilang ay sinamantala ko na ito para makapunta sa pila kung saan kabilang ang kapatid ko.

Pero hindi ko doon nakita ang kapatid ko at nakita ko syang nakaupo sa isang semento at doon nag iiyak.

“Louisa!” Sigaw ko sa kanya at agad syang tumakbo papunta sa akin at yumakap sa baywang ko. “Ate..” Bulong nya sa akin habang nararamdaman kong umiiyak pa rin sya. Niyakap ko rin sya at hinalikan ang kanyang buhok.

Hindi ko alam ang gagawin ko para makatakas sa pilang ito kaya nilibot libot ko ang aking paningin habang nag iisip ng paraan para makataas doon.

Habang nakatayo lang kami ay narinig ko na lang ang iilang putok ng baril kaya agad kong hinila ang kapatid ko para magtago sa isang tabi pero nadala kai ng pagtutulakan ng mga tao hanggang sa makita ko na lang ang mga tao papunta sa isang barbed wire na sinira nila. Ang daang ito ay papunta sa sakayan ng mga tren.

Nakipagtulakan na ako habang hinahawakan ko ng mahigpit ang kamay ng kapatid ko. “Louisa, kelangan mong magmadali para makalabas ka rito.”

Agad ko syang hinila papunta sa wala masyadong tao at lumuhod sa harap nya. “Makipag usap ka kahit kanino, maging katulong ka, o kaya hintayin mo ko sa lugar na to. Tandaan mo ang pangalan ko, Liesl Galler at ikaw, si Louisa Galler, hahanapin kita balang araw. Naiintindihan mo ba ako?” Bilin ko sa kanya habang niyuyugyog ko ang balikat nya dahil sa hindi nya mapigilan ang luha nya.

Niyakap ko sya ng mahigpit at dinala ko sya uli sa nilulusutan ng mga tao at nakiusap ako sa kanilang paunahin nila ang kapatid ko pero hindi sila nakita kaya nakipagtulakan na ako para isingit sya bago pa mahuli ang lahat.

Pilit kong inaalis ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin pero buti na lang at madaming mga tao ang gusto ring makatakas doon.

Agad akong tumalikod habang naririnig ko ang kanyang boses na patuloy sa pagsigaw sa akin. PInahid ko ang luha ko at agad akong hinila ng isang sundalo at hinigpitan ang hawak sa braso ko. Pilit akong nagpupumiglas at bigla na lang syang nagsalita.

“Tama lang ang ginawa mo para kay Louisa, magtago ka mamaya sa mga katawang nasunog na at hahanapin kita, Liesl.” Bulong sa akin ng isang pamilyar na boses pero hindi nya na inalis ang kanyang sumbrelo. Tinitigan ko lang sya habang hinihila nya ako at nakita ko ang matang kaparehas ng sa amin ni Louisa.

Hindi ko alam kung makikita ko pa sya uli pero nung nasa wala na masyadong tao nya ako dinala ay walang pasubali ko syang niyakap. “Papa!” Sigaw ko at hindi ko mapigilang humagulgol.

“Segundo lang, Liesl. Hahanapin kita mamaya. Yung binilin ko sayo.” Sabi nya sa akin at bigla nya na lang akong sinamapal pero mahina lang ang ginawa nya. Dun ko napansin ang pagdaan ng sundalo galing sa likod ko.

Hinila nya ako at pinaauna na sa pila. “Tandaan mo.” Huling bulong nya sa akin at tumalikod na.

Alam kong isa na ako sa mga papasok kaya patuloy lang ang pagdadasal ko na sana ay malagpasan ko tong pagsubok na to.

Alam kong wala na akong pag asang makaligtas dito pero kung yun ang bilin sa akin ng aking papa ay susundin ko.

Buong tapang akong sumunod sa pila at dun kami hinubaran, ginupitan ng buhok at sunod sunod na pinapila. Nasa bandang gitna ako at halos hindi ko na makita ng maayos ang nasa unahan ko pero alam kong kagaya ito ng nasaksihan ko. Nakapalibot ang mga sundalo sa amin.

Narinig ko ang hudgat at dun na sunod sunod na nagpaputok ang mga sundalo. Agad akong umupo at tinakpan ang mga tenga ko. Kitang kita ko ang pagbagsak ng mga tao kaya agad kong ginaya sila at hinawakan ko ang mga dugo sa katawan nila saka ipinahid sa katawan ko.

Naamoy ko ang gasoline na gagamitin sa amin kaya naman sapilitan kong itinago ang sarili ko sa ilalim ng mga namatay.

Naramdaman ko pa rin ang init ng mga oras na yon at paunti unting akong nawalan ng malay dahil sa hindi na ako makahinga dahil sa usok.

Nagising na lang ako na nasa hospital na ako. Agad kong inilibot ang mata ko at nakita ko doon ang aking ama kasama ang kapatid ko. Tulog pa sila at nakahiga sa kam kaya tahimik lang kaming tatlo at tanging tunog lang ng ceiling fan ang naririnig ko at ang mga yabag ng nurse at doctor. Nakita kong may benda ang buo kong braso at agad kong hinawakan ang aking buhok. Wala akong naramdaman bukod sa benda sa ulo ko.

Napansin kong nagising na si papa  sa pagkilos at agad yumakap sa akin. “Anong nangyare, papa?” Bulong nya nung yakap yakap nya ako ng mahigpit.

Dun ko naramdaman ang mga mahahapding parte ng katawan ko na natatakpan ng kumot. “Anong nangyare sa braso ko? Sa buhok ko?” Tanong ko na halos maiyak iyak na ako. Mas hinigpitan ni papa ang yakap sa akin at nagising na rin ng kapatid ko.

“Ate..” Tawag nya sa akin pero hindi ko pinansin. Kumalas ako sa pagkakayakap ni papa at niyakap ko naman ako ng kapatid ko.

“Nakita kitang natatakpan ng mga labi ng patay na tao pero sunog na sunog pa rin ang mga braso  at braso mo at ilang parte ng hita mo.” Paliwanag sa akin ni papa.

Dun na ako humagulgol talaga at pinatatahan na lang ako ni papa. Hindi ko alam kung pano nangyare na nasurvive ako sa pangyayareng iyon pero nagpapsalamat talaga ako kahit na malala ang napala ko ay pinalad pa rin akong mabuhay.

Mahigit isang buwan akong nanatili sa hospital dahil sa linggo linggong paglilinis sa mga sugat ko. Naging kaibigan ko na rin ang nurse doon. Nagpasya ang papa na lumipat na sa ibang bansa matapos ang World War II.

Isinulat ko itong kwento ko para sa mga susunod na henerasyon. Sa mga magiging apo balang araw, gusto kong malaman nyo ang pinagdaanan kong ito.

Lumipas pa ang panahon at nasulat sa kasaysayan ng mundo ang pangyayareng ito. Tinawag itong “The Final Solution.

Nagmamahal,

Liesl Garrel

Natapos ang kwento ng mama ko at nakita kong nagiiyakan ang mga mas nakakabata sa akin at panay ang sumbong sa mga pinsan kong magulang nila.

“Mama, grabe po yung nangyare kay Mami Lola…” Sumbong ng pinakabata kong pamangkin na babae. Agad syang kinuha ng pinsan ko at pinapatahan.

Umalis na ako sa sala at agad na dumiretso sa kwarto para magpahinga. Hindi ko rin maalis pa sa isip ko ang pangyayareng iyon. Kung hindi sya nakasurvive ay wala kami ngayon ditto at may planong magsama sama para bukas. 

The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)Where stories live. Discover now