Simula👯

12 2 0
                                    

Magdalena Sumalangit's POV

Hi? Babae ka ba? Nangangarap ka rin bang maging isang sikat na artista in future? Ako oo. Definitely YES NA YES!

Yung tipong titingalain ka ng maraming tao at magsisipalakpakan sila kasabay nang pagsabog ng confetti mula sa itaas? Bongga. Yung maraming magpapa-autograph sayo na animo'y nakakabusog ang pirma. Pati damit ipapapirma nila. Ang saya siguro no? Tapos may sisigaw na;

"Kaklase ko yan nung kinder!"

"Omygad! Binigyan ko yan ng kendi nung grade six!"

"May crush sakin yan nung high school,"

"Naging estudyante ko yan sa math,"

"Kapitbahay ko yan whoooo!"

"Jusmiyo! Ako yung nagpanganak sa kanya,"

"Ano kamo ikaw ang nagpaanak sakin? Virgin pa po ako no!" nagtataka kong sabi kaya nagkumpulan ang mga paparazzi at tinanong ako ng mga nakakalokang tanong gaya nang. 'Wala ka bang balak magpabonakid?'

Alam niyo na kung ano ang pabonakid. Wag pademure okay?

"Ang bastos ng bunganga mo eh. Eto mouthwash magmumog ka." sabay pasak ng isang bote ng mouthwash sa malapad na bunganga ng leader ng mga paparazzi.

Anyway, balik tayo sa mga fans ko.

"Sino po kayo?" tanong ko sa matanda.

"Ako nga, ako yung nagpaanak sa nanay mo. Diba kalagitnaan yon ng putukan? Dapat new year nga ang birthday mo kaya lang nakalunok ng pulbura ang nanay mo at inubo. Hindi niya alam na tumilapon kana pala sa ere. Buti na lang at nandon ako kasama niya at nasalo kita kundi patay kang bata ka. Matagal kana sanang nakabaon sa lupa ngayon," sabi nang matanda at may kinalkal. "Eto yung inunan mo nung bata ka. Amuyin mo,"

Hindi talaga mawawala ang mga gold digger na gagawin ang lahat makilala mo lang sila.

"Ay wag na po. Here na po the tseke. I fully understand naman po my origin. Hindi niyo na po kailangang iparemember to me. Nakakaloka. Tsaka hindi ko naman po kayo kilala, jejeje"

Syempre naka-bresh ako nun kaya medyo maarte ako magsalita.

Pipirma na sana ako ng album or kung ano paman nang may biglang sumingit...

"Magda! Diba boypren mo'ko dati?"

"Huh?"

"Oo dati. Sinagot mo pa nga ako sa ilalim ng kawayan... Yung may tae ng kalabaw sa gilid?"

"I don't remember anything,"

"Nakipag-break ako sayo tapos iyak ka nang iyak. Kaya ngayon, pwede na tayong magbalikan!! Pwede mo na'kong maging boypren ulit. Ano game?"

Ay wow! Gwapo mo kuya ha. Nakakahiya naman sayo.

"Luh. Nakadrugs kaba bago pumunta dito? Alalahanin mo munang magtoothbrush bago mo alalahanin ang relasyon nating dalawa. Sisirain mo pa imahe ko eh. Hu u?"

Ang daming nagki-claim na naging jowa ko sila. Wala naman akong trabaho dati na may kinalaman sa pagpopokpok ah. Bastusan?

Btw for sure, marami akong celebrity na majojowa no'n. Every month magpapalit ako. Choss! Diba gano'n naman talaga sa showbusiness? Pagkatapos mong maissue sa isa, maiissue ka na naman. Paulit-ulit na issue. Nakakasawa. Pero kung ako yung nasa kalagayan nila, magdidiwang siguro ako at ililista sa isang notebook ang mga najojowa ko...

Sadlayp. Sana matupad ko na ang mga pangarap kong yun.

But for the mean time, isa muna akong simpleng delivery girl ng pizza. Hindi lamang ito pizza, kundi isang fabulous pizza na pinagkakaguluhan sa buong bansa. Bakit? Meron lang naman itong taglay na ingredients na nakakapagpaadik sa nga customer. Ito ay ang kilay ng crocodile na bibihira lang matagpuan sa Amazon river. O diba?

Ang Nawawalang Kilay Ni SenyoritaWhere stories live. Discover now