Parang Ikaw (One-shot)

3.3K 102 17
                                    

© 2014 Alesana_rain

------- Parang ikaw  ----------

Nag-umpisa lang ang lahat sa simpleng ngiti na binibigay ko. Alam kong lalalim pa ang mga ngiting iyon kaya pinipigilan ko. Sa tinagal-tagal kong namuhay, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Alam kong masasaktan ako sa kabila ng sayang mararamdaman ko.

Mahirap ngang abutin ang mga bituin.. parang ikaw.

"Cassandra! Tulala ka nanaman! Iniisip mo si Mirco noh?" sabi ni Lissy, classmate ko.

Agad naman akong bumalik sa katinuan sa pagsigaw nya.

"Hind ah! Baka ikaw." pagsisinungaling ko. Pero sa totoo lang? Gustong-gusto kong hanapin si Mirco dahil hindi ko pa sya nakikita.

"Ikaw talaga Cassandra! Huli ka na ngang nakatulala jan hindi ka pa umaamin!" pang-aasar pa nito. Umiling-iling nalang ako.

"Umamin saan? Sorry late ako." sabi ni Mirco pagkarating nya. Sa wakas nandito na sya.

"Ah wala. Baliw na si Lissy! Baliw kay--

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinandilatan nya ako. Umismid naman ako. Lissy talaga..

"Ah basta. Baliw na sya. Ano, matagal pa ba sila?" tanong ko. Lumingon naman sya sa likod.

"Ayan na sila. Ayusin na natin yung mga gagamitin." sabi nya.

Inayos na namin ang mga gagamiting materials para sa project. Saktong dumating na ang iba pa naming kagrupo at nagsimula na.

**

"Grabe nakakapagod palang mag-design! Ngayon ko lang na-feel." sabi ni Henessy, kagrupo namin.

"Palibhasa puro report lang alam mo! Buti pa itong si Cassandra at Mirco, walang rekla-reklamo! Bagay pa!" pang-aasar ulit ni Lissy. Sinundan naman ito ng 'Ayiee' ng mga kagrupo namin. Mga walang magawang matino.. pero kinikilig ako.

"Tumigil nga kayo jan. Si Lissy ang asarin nyo! Lagi nalang ako ang nakikita nyo ha. Alis na nga! Tutal tapos naman na kayo!" sabi ko sa kanila. Umalis naman agad sila at kinindatan pa ako ni Lissy. Alam ko ang mga kindat na iyon..

"Oh, naiwan naman tayo dito." sabi nya at bahagyang tumawa.

"Oo nga. Eh naku! Wag mong pansinin mga pinagsasasabi ng mga yun lalo na ni Lissy! Mukhang nakasinghot." sabi ko at tumawa kaming dalawa.

"I know." sagot pa nya.

Nanahimik naman kaming dalawa. Nawalan ng topic at obviously.. ANG AWKWARD!

"So.." sabay pa naming sabi. Natawa kami ng bahagya.

"Ikaw mauna." sabi ko sa kanya. Umayos naman sya ng upo. Yung malapit sakin.

"Kampante akong tayo ang mananalo sa project. Ang ganda kasi ng pagkakagawa ng sky tsaka ng mga buildings." sabi nya.

Pero hindi iyon ang inaasahan kong lalabas sa bibig nya. Akala ko kung ano..

"Ang taas masyado ng mga bituin. Parang napakahirap talagang abutin. Perfect na ata ang project natin. What do you think?" tanong nya at ininom ang orange juice nya.

"Mahirap naman talagang abutin ang mga bituin noh.." sabi ko sa kanya.

Mahirap naman talaga.. parang ikaw.

"Oo nga naman. Geh maiwan na kita jan. Ako na bahala sa speech natin bukas. Ikaw na magtago nyan. Kaya mo?" tanong nya.

"Sige lang. Ibukod mo nalang yung sa part ko. Thank you!" sabi ko at umalis na sya.

Parang Ikaw (One-shot)Where stories live. Discover now