"Ano ang sakit ni Kenzo?" Maya ay tanong nito sa binata. Naitanong niya ito dahil nacucurious siya sa bata. "It's a bone marrow. Kailangan siyang dalhin sa ibang bansa para sa isang operasyon. At yung ibinigay ko sa kanyang brown evelope ang sagot sa kahilingan niyang gumaling." Anitong kinalungkot ni Christine. Naawa siya sa bata dahil bata pa ito para magkasakit ng malubha.

"Ang bata-bata pa niya para magkaroon ng sakit na ganyan." Sabay tingin ni Christine kay Kenzo na ngayon ay nakikipaglaro sa kanya sina Zeus, Reid at Kai.

"Bakit hindi mo ito sinabi sa akin noon pa. Ang lugar na 'to?" Maya ay tanong ni Christine sa binata na napakamot ng ulo ngunit nakangiti. "Dahil meron kaming deal na magkakaibigan. I mean all the boys here. Na ang pwede lang makaalam ng bagay na ito ay ang babaeng mahal namin at pakamamahalin pa habang kami ay nabubuhay sa mundong ito." Sagot naman nito.

"Kaya pala ako lang ang babaeng kasama niyo," ang nangingiti nitong aniya. "Bakit sigurado kana ba talaga sa akin?" Tanong nito kay Asher Jade. Tila hindi naman nagustuhan ng binata ang tanong niya dahil nag-iba ang aura ng mukha nito. Ngunit nanatili itong kalmado.

"Baby, mahal kita. At wala akong planong pakawalan ka. Dahil itatali kita sa sarili ko wag ka lang mawala sa akin. Kung pagiging makasarili man ang ginagawa ko at gagawin ay wala akong pakialam dahil mahal kita. At wala akong planong maagaw ka ng iba sa akin dahil baka ikababaliw ko iyon." Seryoso nitong aniya. At sa halip na masakal si Christine sa tinuran ng binata ay pakiramdam niya ay kinilig pa siya dito.

"Aw. What a possessive boyfriend." Anitong nakangiti ng pilya. "Mahal din kita. Kaya wala rin akong planong pahawakan sa iba ang mga abs mo. Dahil akin ka lang mula ulo hanggang paa." Saad nitong kinatawa ni Asher Jade.

"Geez. Baby." Naisatinig na lang nito dahil ang kaloob-looban niya ay kinilig sa tinuran ng nobya. "Come on future husband. Let's play with the kids." Yakag ni Christine sa binata sabay hila niya sa kamay nito. Nakangiti naman si Asher Jade na nagpatianod dito. Nakipaglaro nga sila sa mga batang nandoon. At sa simpleng dala nila at pakikipaglaro sa mga ito ay makikita mong subrang saya ng mga ito.

Mga ilang oras din silang nanatili kasama ng mga batang nasa foundation na pag-aari ng ama ni Josh Vernon ng magpasya silang magsiuwian.

"Guys, gusto niyong sumama sa Monte Silva Cruise. Uuwi din tayo mamayang hapon." Ani Kai sa kanila. "At meron akong ipapakita doon sa inyong mga sexy. At ipapakilala ko sa inyo yung hot teacher ko." Pilyo pa nitong aniya.

"Amputcha mo Monte Silva. Good boy ako." Biglang ani Blaze Isaiah. "Me too." Sabat ni Zeus sabay taas niya ng kamay. Maging ang iba ay sinang ayun nila ang tinuran ni Blaze.

"Magbarbecue na lang kaya tayo. Pwede pa natin invite ang lahat." Maya ay mungkahe ni Asher Jade sa kanila. "Great idea bro, game ako dyan." Ani Leone. Agad rin na nag-thumbs up dito sina Thunder, Angelo at Zach.

"Okay. Then let's buy meat and chicken." Anang mga ito. Kaya sa halip na umuwi ang mga ito ay nagpasya na lang silang pumunta ng supermarket para makabili ng mga kailangan nila.

"Nagmessage na ako sa girls na linisan nila yung place para pagdating natin doon ay malinis na yung lugar." Ani Zeus.

"Kayo na lang ang pumunta sa supermarket. Mauna na kaming umuwi. Dahil manghihiram muna kami ng mesa at mga upoan kay ninong Mark." Aniya naman sa kanila ni Josh.

Kaya ang pumuntang makakasama sa supermarket ay sina Christine, Asher Jade, Zeus, Dalton, Blaze, Kai, CM at Reid. Ang iba ay nauna na ang mga itong umuwi sa kanila.

"Bro, sinisira mo ang kagwapuhan ko nito." Reklamo ni Kai sa kanila. "Kasalanan mo at sumama ka dito." Saad naman dito ni Reid sabay lagay nito ng pinagdadampot niya sa bitbit ni Kai na basket.

"What is this?" Kunot noo namang tanong ni Asher Jade sa mga kasama nila sabay dampot niya ng laman nang basket na bitbit ni Zeus. "I don't know what is that?" Sabay kibit balikat nito.

"Anong gagawin niyo sa upo?" Taka ring tanong ni Christine sa kanila. "Gagawin nilang barbecue." Sagot ni Kai na agad binatukan ni CM.

"Tangina mo, ikaw ang may sabing ilagay yan sa basket." Pambubuko naman dito ni CM. Agad napailing si Asher Jade sa mga kasama nila. "Ibalik niyo yan kung saan niyo kinuha." Utos niya sa mga ito.

"Tsk! Ano naman ang gagawin natin dito?" Nagdudumilat na tanong ni Christine sa mga ito habang isa-isa nilang nilalagay sa counter ang mga pinamili nila. "Ibalik niyo ito, hindi natin yan kailangan. Ito pa. Ito. Ito. At ito." Sabay bigay niya kina Kai, CM, Reid at Zeus.

Si Dalton at Blaze ay natatawa na lang sa mga ito. "Ito, anong gagawin niyo dito?" Sabay pakita naman ni Christine ng maliliit na talong sa kanila. "Yan. Isasali namin sa pagarbecue." Mabilis namang sagot ni Dalton.

"Bakit masarap ba itong gawing barbecue?" Curious nitong tanong kay Dalton. "Masarap, natry namin ng magbarbecue minsan si Montero." Sagot naman ni Blaze. Napatango-tango naman si Christine.

Matapus nilang bayaran ang pinamili nila ay kanya-kanya ng bit-bit ang mga ito at dinala nila sa sinakyan nilang van bago sumakay ang mga ito. Si Asher Jade at Christine naman ay sumakay sa kotse ng binata.

Pagdating nila sa loob ng subdivision nila kung saan sila magluluto ng barbecue ay malinis na ito. Meron na silang nailagay doon na mga mesa at upoan. Maging kung saan nila isasalang barbecue ay nakahanda na ito.

Agad nilang inayos ang mga pinamili nila. Sina Asher Jade, Thunder, Isaac at Angelo naman ang naglinis ng gagawin nilang barbecue. Dahil ang mga kasama nila ay baka masayang lang ang mga ito kung sila ang gumawa nito.

"Okay. What is going on here?" Tanong ni Rain sa mga ito ng makita niya mga anak nilang busy masyado. "Hey! Dad, magbabarbecue daw kami dito." Sagot naman ni James Leon sa ama.

"I see. Kailangan niyo ba ng tulong boys?" Tanong niya sa mga ito. "Ninong maupo na lang po kayo. Kami na po ang bahala dito." Sagot naman sa kanya ni Angelo.

"Anong nangyayari dito?" Takang tanong ng kararating lang na si Axel at Tyrone. "Magbabarbecue daw ang mga anak natin." Sagot sa kanila ni Rain. Napailing naman ang dalawang naupo kung saan nakaupo si Rain.

"Princess, ano yan?" Tanong agad ni Alex sa anak niyang si Janella. Kasama nito ang anak ni Rain na si Lauren. "It's a rice Dad. Nagpaluto po kami ng rice kay Mom." Sagot nito.

"Ate Christine saan namin ito ilalagay?" Tanong naman ni Alesha kay Christine. "Ilagay niyo na lang dito." Sagot niya sa mga ito.

"Sis, okay na ba ang lahat?" Tanong ni Felicity kay Christine. Bahagya itong nag-isip ng makita niyang mukhang okay na ang lahat ay mabilis naman siyang tumango.

Habang nakamata sa kanila ang kanilang mga ama ay nakangiti ang mga ito. Masaya silang makitang magkakasundo ang mga anak nila. Kung ano sila noon hanggang ngayon ay ganun din ang mga anak nila ngayon.

"Princess, bakit mukhang nauna kana atang kumakain ng barbecue?" Ang natatawang tanong ni Tyrone kay Zia. "Ibinigay ito ni kuya Asher Jade sa akin Daddy. Sa akin daw ang unang maluluto nilang barbecue sabi ni kuya Thunder." Sagot nito.

Habang abala sina Asher Jade sa pagbabarbecue ay panay kuha naman sa kanila ni Zeus Ezekiel ng picture. Salitan lang sila ni Reid Stephen sa pagkuha ng litrato sa mga ito.

"Mga bro, okay na ba itong mga drinks?" Tanong ni Dalton sa kanila ng ilapag nila ni Blaze ang dala nilang malaking box. "Okay na yan." Sagot sa kanya ni Asher Jade.

"Oh! Ito pa ba ang paparty niyo after niyong manalo ng basketball league?" Ang nakangiti namang tanong sa kanila ni Elijah. "Prang ganun na nga ninong." Sagot sa kanya ni Asher Jade.

Nang dumating naman ang mga ina ng mga ito ay nakapaskel sa mukha nila ang ngiti. Proud ang mga ito sa kanilang mga anak. Dahil kahit na lumaki ang mga itong mulat sa karangyaan ng buhay ay sinanay parin nila itong hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat silang umasa sa mga kasambahay nila.

TBC.

➡Dahil araw-araw na lang meat and chicken mashawe ang nakahaing sa mesa ay pati utak ko meat and chicken mashawe na rin ang laman 🍡🍢🍗🍖....hahaha!!!! Thank you for reading and God Bless.

The Beast Prince(COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя