Chapter 4

5K 64 5
                                    

Tatango-tango si Sander sa kausap habang hindi pinuputol ang titigan nila. Ilang beses na s'yang bumitiw rito ngunit sa tuwing ibabalik niya ang mga mata sa lalaki ay sa kanya pa rin nakatutok ang mga mata nito.

Being liked by a lot of men and having a lot of ex-boyfriends already, Gayle is always confident to be around with a lot of boys. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit sa mga titig lang nito ay tila nanginginig na ang tuhod niya at nagririgodon na ang puso niya.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang disgusto nito sa kanya. Kung bakit? Hindi niya alam. Pero wala s'yang makapa na kahit anong takot sa dibdib niya. Gusto niya ang lalaki at handa s'yang magpakalunod sa nararamdaman para rito.

Yes, she just met him, but for her, that doesn't invalidate her feelings. Wala s'yang alam na kahit ano tungkol sa pagmamahal maliban sa mga nasaksihan niya sa mga pinapanood niya. Ni hindi siya nagmahal nang kahit na sino sa mga naging ex niya.

Ngunit, alam niya na totoo ito. Na iba ito sa lahat.

Natigil siya sa pagsusuri ng mas patindi nang patindi n'yang damdamin nang makitang palapit ito. Nagtakip pa siya ng kamay dahil sa paghihikab.

Mataas na ang sikat ng araw at pinagpapawisan na siya. Ganoon rin si Sander. Ngunit hindi niya alam kung bakit ka-aya-aya pa rin ito sa paningin niya.

Nagulat siya sa inabot nito. Maliit na puting tuwalya.

"Malinis 'yan," anito nang makitang nakatitig lang siya rito.

Nangiti siya at hindi iyon pinagka-abalahang itago. "Para sa'n 'to?"

"Magpunas ka ng pawis mo at baka magkasakit ka pa."

Kinagat niya ang ibabang labi bago sinundot ang tagiliran nito. Nagulat ang lalaki at humakbang ng isa palayo sa kanya.

"Ang sweet mo, ha! May feelings ka na rin?"

Nag-iwas lang ito ng tingin. "Magpunas ka na at dumiretso sa kubo. Mainit dito baka mahilo ka lang."

"Pero gusto kitang kasama," aniya saka napa-hikab na naman.

Umiling na naman ito na parang sawang-sawa nang makipag-usap sa kanya. Inabot nito ang palapulsuhan niya kaya natuod siya. Wala s'yang nagawa nang hilahin siya nito palapit sa may kalakihan na kubo.

Binuksan nito ang pinto at tumambad sa kanya ang tila ba bungalow na loob. Kumpleto 'yon sa sa sofa, center table, at may TV pa. May divider rin na humihiwalay rito at sa hula n'yang kusina. May isa pang pinto kung saan binuksan ni Sander at dinala siya.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang nasa loob n'un.

Kama, bed side table na may lampshade pa, mga unan at kumot. Mabilis na lumipad ang isip niya sa kalagayan ng katawan. Malinis naman ang kili-kili niya at ang ano niya hindi ba? Sa pagkaka-alala niya ay nakapagpa-Lay Bare naman siya bago sila tumulak sa probinsyang ito.

Magsasalita na sana siya nang inihilamos nito ang kamay sa kan'yang mukha.

"Quit it, wala tayong gagawin rito."

"Ay, bakit?" diskumpyado n'yang tanong.

Umiling lang ang lalaki at sinabihan s'yang matulog muna. Babalikan na lang daw siya nito. S'yempre hindi siya pumayag.

"Kaya nga ako sumama sa'yo para makasama ka!"

"Matulog ka na lang. Kanina ka pa hikab nang hikab. Wala ka rin namang gagawin d'un."

Changing for SanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon