Chapter 4- My Source Of Magic

126 4 0
                                        

"I didn't know that i am starving 'till i tasted you, Don't need the butterflies when you give me the--"

Rinig kong tunog ng cellphone ko. Ginawa kong alarm clock ito. Wala kasi akong alarm clock talaga.Pero ayos na ito.Kesa naman maggastos pa ako para lang doon

Tumayo ako para uminom ng tubig kaagad. Ganito naman talaga ako. Pagka-gising tubig agad ang hanap. Habang umiinom, Napansin ko ang Dahon na nakita ko sa tahanan nila eyasi. Na nakapatong sa mesa.

Teka-- "TINAPON KO NA ITO AH?! MINAMALIGNO BA AKO NG DAHON NA ITO?!" sigaw ko.

"HOI! Wag kang maingay! May natutulog pa dito!" Kapitbahay ko, Ganon na ba kalakas ang boses ko? Pinabayaan ko nalang at kinuha ang dahon

Ang ginhawa at lakas ng pakiramdam ko sa ngayon. Ang tigas pa din eh. Pero teka, Ngayon ko lang narealize na may pagka-kulay asul pala ito.

Dumiresto ako sa kwarto ko para ilagay sa kabinet ko. Kaso nung bubuksan ko na ang pin-

"O-oh" Shete.

Nasira yung doorknob. Napalakas yata masyado ang pagpihit ko. Pero
Di naman ako nagpuwersa ah?

"Ihhhhh!! Ang tanga tanga mo talaga Kearra!" Napasigaw nalang ako sa inis.

"May natutulog pa dito!" Ayan nanaman. Hindi naman ganon kalakas ah?!

Dumiretso nalang ako sa Kabinet ko. At ipinatong ang dahon.

Umagang umaga, Hay nako.

Una wala na akong Trabaho. Talagang wala na. Paano na ito?
Pati ang pagbabantay ko ng bata. Wala na rin. Bakit kaya nawala ang ganong kulay ng mata nya? Sa tagal ko nang nanunungkulan sakanila.
Ngayon lang ito nangyari.

Kumuha nalang ako ng susuotin ko para sa araw na ito.
Maghahanap nalang ako ng trabaho.

Binuksan ko ang pinto palabas at pumunta sa banyo.

Pinatulo ang gripo padaloy sa Timba.
Nagtanggal agad ako ng saplot. At kumuha ng tubig at ibinuhos sa katawan ko.

Hindi alintana ang lamig.

Naalala ko nanaman. Magkikita kami muli ni Hermasy mamaya.
Ipapaliwanag nya saakin ang lahat ng nangyayari. Kung makumbinsi man ako. Ay sasama narin ako.

Flashback:

"Halika na Prinsesa Yanna. Hinihintay kana ng mga Magicias" nakangiti nyang sabi.

"Paano ako makasigurado sayo? Ning hindi nga kita kilala eh."

"Ang Dahon. Nasa iyo na iyon hindi ba?"

"Anong dahon ang iyong tinutukoy?"

"Yanna Macbrints! Alam mo ang aking tinutukoy. Iyon ang iyong Source Of Magic"

Nilabas ko iyon mula saaking bulsa.

"Ito ba? Dahon ba to? Bakit ganyan ang kulay? Napakatigas pa. Kumikintab pa. Hindi ganyan yan ng una kong makita"

"Prinsesa Yanna, Dahil ikaw ang nagmamayari nyan. Isa kang Magrism Magicias. Lumalakas iyan kasabay ng iyong paglakas sa kadahilanan ng malapit ito saiyo"

"Pasensya na. Ngunit. Bigyan mo ako ng oras.
Maaari ba tayong magkita muli bukas? At saka mo ipaliwanag saakin ang lahat? Kung bakit ako naging si Yanna kung ang kinalakihan ko ay ako si Kearra. Bakit ako ang sinasabing maghahari sa Casiopil? Napakaraming tanong saaking isipan" mahabang salaysayin ko.

"Bukas sige, Prinsesa. Alas Nuebe ng gabi. Dito rin"

"Salamat Hermaesy"

Ningitian nya ako at sinabing "KYOSAMISAS!" sabay paglaho nya.

Sections of MagicOnde histórias criam vida. Descubra agora