Chapter 6

2.2K 45 2
                                    

PRINCE' KISS

( Book 2: Betty and the Prince )

written by: Lorna Tulisana

Napatigil sa paghakbang si Betty ng matanawan nito si Prince na naghihintay sa tapat ng kanyang sasakyan. Agad siyang sinalubong nito.

" Betty,let me explain!".

Napataas ng isang kilay ang dalaga.

" 'Yong nakita mo kanina,it was nothing! ", panimula ng binata, " Dianne was just my ex,we broke up at hindi niya matanggap na wala na kami! Believe me,she was just.......".

Mabilis na itinaas ni Betty ang kamay na pumutol sa mahabang litanya ng kaharap, " Prince,wala kang dapat na ipaliwanang! Ano man  'yong nakita ko,i'm out of it! ", tinungo nito ang sasakyan dahil baka mabasa lang nito ang sakit na nararamdaman niya,nagseselos siya,at kahit alam niyang normal iyon sa isang nagmamahal ay hindi pa rin niya maiwasan ito.

Maagap na pinigilan ni Prince ang dalaga sa pagbubukas nito ng pinto ng sasakyan, " Bakit nga pala hindi mo ako tinatawagan? Alam mo bang araw-araw akong naghihintay ng tawag mo?".

Biglang nawala ang selos factor na nararamdaman ni Betty sa naging turan ng binata,halos atakehin siya sa kilig. Buong linggo nitong hinihintay ang tawag niya? 

" Kasi.....kasi nawala ko  'yong papel na sinulatan mo ng number mo!", pagsisinungaling nito.

" Gan'un ba?! Puwede ko bang hiramin ang cp mo para doon ko na lang ideretsong isulat para siguradong hindi na mawawala pa!".

" Ha?! ", biglang natuliro si Betty,nakakahiya namang makita nito ang 3315 niyang cp, " Ah......kasi lowbatt! 'Yong cp mo na lang hiramin ko at ako na lang maglalagay ng number ko! ".

Mabilis namang kinuha ni Prince ang cellphone nito sa bulsa ng suot na pantalon,at iniabot ito kay Betty.

Mula sa isang mayamang pamilya si Prince kaya natural lang na sunod sa uso din ang cp nito. Manipis ito,touch screen,at medyo malapad. Magkano kaya ito? Siguro katumbas na ng halaga nito ang one month tuition fee ng kanyang kapatid.

" Hindi mo ba memorize ang number mo?", takang tanong ng binata dahil sa tagal ng pagkakatitig ni Betty sa cellphone.

" Ha? Ah......", nawala na sa isipan na dalaga na nakamasid pala sa kanya si Prince, " Bago lang kasi ang numero ko.......", kunwaring nag-isip muna ito at saka mabilis na itinipa sa screen ang kanyang numero.

" Tawagan na lang kita! ", wika ni Prince ng maibalik sa kanya ng dalaga ang cellphone, " Saan nga pala ang sunod ninyong gig? Para naman makapunta kami ng mga kaibigan ko! ".

" Sa Padi's Point Malate,sa makalawa! Eight in the evening!".

" So,bukas wala kang lakad?".

" Wala kaming gig,pero,may trabaho ako!".

" Huh?! May iba ka pang trabaho bukod sa pagbabanda?".

" Mahirap lang kami kaya kailangang kumayod ng doble!", tinalikuran nito ang binata at binuksan ang sasakyan,pinasok ang mga bitbit na gamit..

" Uhm......", pakiramdam ni Prince ay bigla siyang natotorpe,ito ang unang pagkakataon sa buhay niya na parang nag-aalinlangan siya na alukin ang dalaga ng date, ".......puwede ba kitang sunduin sa trabaho mo bukas?".

Sandaling natigilan si Betty. Sobra-sobra na talaga ang kilig na nararamdaman niya, muli nitong hinarap ang binata, " Okay lang!".

Lumiwanag ang mukha ni Prince, " Good! I'll give you a call para alam ko kung saan at anong oras kita susunduin!".

" Okay! I'll go ahead!".

" Ingat na lang!".

Matapos mawala sa paningin ni Prince ang sasakyan ng dalaga ay tinungo na nito ang kinapaparadahan ng kotse ng Andrew. 

" Twenty-three minutes and sixteen seconds! ", bungad ni Mico ng makapasok ng sasakyan ang binata.

" That was a record,pare!", wika ni Albert.

Kumunot ang noo ni Prince. 

" 'Yan ang pinakamatagal na oras na kinausap mo ang isang babae ng wala ka man lang nakuhang halik o hindi mo man lang naisama sa isang motel!", pambubukaska ni Andrew

" Tumigil nga kayo! Ibahin ninyo si Betty!".

" And that's another record! Kailan ka pa natutong magsabi ng " Ibahin" ang isang babae?".

Biglang napaisip si Prince. Iba nga ba si Betty sa lahat ng babaing nakilala niya na madaling mabola ng isang guwapong katulad niya?  Malalaman niya din 'yon sa mga darating na araw.

----

Dumiretso si Prince sa banyo ng makapasok ng silid. Inilabas nito ang cellphone na nasa bulsa at sandali itong tinitigan. Bukas na lang niya tatawagan si Betty dahil baka nagpapahinga na ito.

Inilapag nito ang cellphone sa pasimano at naghubad na ng damit.

Ito ang unang pagkakataon ni Prince na parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Ngayon lang siya umuwi na masaya.

Pasipol-sipol pa si Prince habang naliligo kaya hindi nito naulinigan ang pag-vibrate ng cellphone. Kumakalapampag ito sa kinapapatungan hanggang dumausdos ito patungo sa nakabukas na toilet bowl.

Ang kasiyahan at ngiti sa mukha ng binata ay biglang nawala sa paglabas nito ng makita ang cellphone. At halos isumpa nito ang araw na naimbento ang inidoro.

----

" WHATTTTTTT?".

Inilayo ni Prince sa tenga ang telepono sa malakas at mahabang sigaw ng kapatid na si Jemar na nasa kabilang linya.

" Prinsepe,you're reallly INSANE! Alam mo ba kung nasaan kami at ano ang ginagawa namin? We are at the middle of our HONEYMOON,at inistorbo mo kami sa tawag mo just to ask kung saan nakatira si Betty? You're really crazy! ".

Muling inilayo ni Prince ang telepono ng ibagsak ito ng kapatid.

Nanghihina itong napaupo. Ang malas talaga! Kung kelan naman makakapuntos na siya kay Betty,saka naman nangyari pa ito. Malas!

PRINCE' KISS (Book 2: Betty and the Prince)Where stories live. Discover now