Chapter 3

1.1K 11 0
                                        

Chapter 3

Hayy ,bakit kasi ganito ang buhay ? may mga duwag na pagtingin sa taong gusto nila at may mga taong papansin. Tulad ngayon, naiinis na naman ako sa taong katabi ko.

"Uy, sorry na pansinin mo na ko" pagpapansin na naman niya sakin.

Yung sorry niya kasi pabiro hindi ata alam ung sincere. Kahapon niya pa ako kinukulit , ewan ko ba.

"Bakit ba napakafeeling close mo?" naiinis na talaga ako!

Alam niyo hindi ko maintindihan minsan tong taong to , minsan napaka-seryoso tipong lagot ka kapag kakausapin mo siya o kaya iistorbohin siya , minsan napaka-kulit hindi maintindihan ang gusto, tulad na lang ngayon pustahan mamaya magiging masama na naman aura niyan.

Ayan tumahimik na siya. Alam na nagbago na naman ang ihip ng hangin sa kanya , hayy may pagkabaliw talaga tong taong to.

Nagpunta na lang ako sa CR. Tutal vacant naman namin bakit nag-iistay ako dun sa upuan ko eh katabi ko nga yung mokong na yun. Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin alam ang pangalan nun eh.

Habang inaayos ko yung sarili ko sa harap ng salamin, may narinig akong...

Umiiyak!

Natakot nga ako kasi baka white lady yan , takot pa naman talaga ako sa multo. Huwhaaaaa tama na po!

Pero tumigil din yung iyak niya tapos may lumabas na babae dun sa huling cubicle tumingin siya sa salamin at tiningnan na rin niya akong nakatingin sa kanya.

"Miss okay ka lang ba?"pag-aalala ko sa kanya

"Ahh , okay naman ako , pasensya na hah mukhang natakot pa ata kita" sabi nito

"Sige mauuna na ako Isha , I'm Paj. Nice meeting you :) may klase pa ako next time na lang ulit" sabi nito at hanggang sa nawala na siya sa harap ko

Paano niya ako kilala? Marinig rinig ko sa labas.

"Tiningnan mo yung kuya oh , naghihintay sa labas ng CR, sino kayang babae yun?"

Nakaawang kasi yung pinto kaya naririnig ko, pumasok ako sa cubicle ng may pumasok dito sa loob ng CR tapos..

"Wala naman tao dito , sino hinihintay ng gwapo dun sa labas"

"Ayy bes, baka tayo ang iniintay, Kyaaaaaa!"

Mga feelingera , lumabas ako nung lumabas na yung mga babae. Kunwari kasama ko yung dalawang babae , then may humigit sa braso ko.

"Where do you think you're going?" sabi nito , eto pa isang side niya minsan napaka..ahh ewan ko , mysterious guy.

Napatingin ako sa mga nasa paligid lahat sila naka-NGA NGA.

"He-he-he , anong kailangan mo?"

Pinipilit kong makawala sa pagkakahawak niya sa braso ko. Ang sakit na!

Nagpunta kami sa canteen..

"Anong gusto mo?"

"Busog ako , he-he-he , balik na lang tayo ng room" tatalikod na sana ako bigla niya akong hinarap sa kanya at nagkabuhol yung paa ko kaya ang impact ko matutumba ako sa kanya at napayapos ako sa kanya, arrggh eksena na naman , napa-gasp ang mga taong nandoon sa canteen.

Nakakahiya na promise , lagot ka sakin lalaki ka! Grabe ka , ano bang gusto mong mangyari hah.

Sinunod ko na lang yung sinabi niya. Ayoko ng gumawa ng eksena , kumain kami at treat niya , may pera naman ako treat niya pa , ano kaya nakain nito kanina at biglang nanlibre.

"Huy! huy!"

"Anong nakain mo? Bakit ganyan ka?"

"Steve"

"Huh?"

"Steve ang pangalan ko di huy huy"

Umatras na lang yung dila ko at nanahimik , ang sungit niya , ako tuloy ang nagiging feeling close , inubos ko na lang yung pagkain sa ka pumasok sa susunod kong klase.

After ng nangyari kanina , hindi na nangulit yung katabi ko , himala!

"Ihahatid na kita pauwi" sabi nito at siyang kinagulat ko kasi ang tahimik niya kanina tapos biglang magsasalita

"Madilim na , wala ka pa naman service" sabi pa niya

Hindi na ako bata para iservice , ang iniintay ko , sarili kong kotse. Nakarating kami sa parking lot.

Wag mong sabihing sa minor na edad na to may lisensya na , ang unfair!

"Sakay" sinunod ko naman yung sabi niya.

Buti pa tong mokong na to , may kotse yung akin processing pa lang.

Hinatid niya ako sa bahay ng safe at nagpaalam na lang ako nagpasalamat , masama na talaga pakiramdam ko. Gusto ko ng ipahinga.

Pero nagtaka ako bakit alam niya ang bahay ko ni wal ng akong tinuro sa kanya , humarap ulit ako sa kanya kaso umalis na siya. Nakakapagtaka na.

"Kumain ka muna"

"Padala mo na lang kay yaya kuya , pagod ako"

"Sige"

Wala pagod talaga ako feeling ko anytime babagsak ako pero nagawa ko pa rin maglakad papuntang kwarto ko.

Binuksan ko yung bag ko at eto na naman napakagaling , isang rosas at isang note.. Naalala ko lang si LJ dito eh.

Sabi nito sa note..

"You're so talkative"

Sino ba namang malakas ang loob na magsusulat nito , yung mga mali ko ata sa katawan ang gusto niya eh.

© Copyright of iKilledThatSmile's Stories

Start the day with you <3 (REVISING)Where stories live. Discover now