May pagtingin ka, inamin mo. May pagtingin ako, tinago ko, isinekreto ko mula sayo.
Nagsisisi ako na nung mga oras na may panahon pa ako para aminin sayo ay tumunganga ako. Wala akong ginawa kundi ilihim sayo. Na may pagtingin ako sayo.
At sa pagdaan ng mga araw ay lumalalim ito. Alam kong isang katangahan ito pero pwede bang " Ako na lang ulit" katangahan bang matatawag kung sasabihin kong sa pagdaan ng taon ay ikaw pa tin? Na wala pa ring pumapalit?
Ngayon nakikita kita na madalas na siya ang kasama. Masama bang sabihing "Nasasaktan na ko" masama ba akong tao kung sasabihin kong nagseselos ako? Na nahihirapan na ko?
Gusto ko nang bumitaw pero bakit kung kailan kaya ko na ay saka ka magpaparamdam? Letse ka din kasi eh!
Naging mas mataas ka lang sakin ng konti ay nag iba ka na. Hindi na ikaw ang taong ginusto ko. Hindi na ikaw. Dahil nagbago ka na.
Nagbago na lahat. Nagbago na ang aking pagtingin. Nagbago na ang paligid. Nagbago na....nagbago na. At masasabi kong nagbago na rin ako.
Wala nang ikaw at ako kahit na hindi naman naging tayo. Hindi man naging tayo ay mayroon pa ring pagtingin. Pagtingin na akin nang ililibing, ililibing ng pagkalalim lalim. At nang hindi na makaahon pa makita man kita.
Nabihag mo ako sa unang tingin, siguro naman mawawala din ito sa huling pagsikdo ng damdamin.
Gusto kita, oo. Pero tanginamo di ko inakalang hahantong dito. Walang pansinan, walang sulyapan. Lagi na lang mag iiwasan twing makakasalubong na. Ano ba talaga?
Parang nung nakaraan lang ay ang lapit lapit pa ng damdamin natin sa isa't isa. Anong nangyare, bakit nagka ganito na lang bigla? Ganoon na lang ba kadali kaming kalimutan? O baka naman hindi mo talaga kami itinuting na kaibigan? Napaka saya naman.
Kung tangkain mo mang sa amin ay bumalik. Wag mong asahan ang lahat ay katulad pa rin ng dati. Dahil ikaw ang may gawa nito. Nilimot kaming bigla, nakalimutan ka na rin naman, hindi ka naman siguro mabibigla.
----------------------------------------------
Yow! Ang storyang ito ay base sa totoong buhay. So... sasabihin ko lang sa iyo na hindi ko pa din alam ang ending nito. Kasi hindi pa natutuldukan ang storyang to. Walang may alam ng patutunguhan nito. Kaya sana maghintay ka sa mga update ko. Ang mailalagay ko pa lang dito ay ang mga nangyari na. Mga importanteng pangyayari lang.
At baka may isama akong storya dito. Mga nangyari din sa totoong buhay. Mga taong nalalapit sa akin. So ayun lang. Buh-bye ^_^
YOU ARE READING
Everything Has Changed
AdventureKung papipiliin ka, anong pipiliin mo. Tanggapin na hanggang kaibigan lang kayo o mawawala siya sayo
