CHAPTER 1: Harrington Family

Start from the beginning
                                    

Dugtong ko doon sa sinabi niya. Palaging ganyan ang linyada niya sa tuwing pinapagsasabihan niya ako kaya halos sa-ulado ko na rin ito.

"Yeah-yeah, Whatever! I know my limits grandmom." bored na sambit ko pa at tuluyang nagtalukbong ng kumot.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya pagkatapos ay tumunog na ang pinto ng aking kwarto. Bago siya tuluyang lumabas ay may binilin pa ito sa akin.

"Kung matutulog kana, pwede bang hubarin mo muna ang sapatos mo. Hindi ko alam kung saan-saan mo iyan pinag-aapak."

Bilin niya pagkatapos ay pinatay ang ilaw at sinarado na ang pinto. Hays! Pag hindi maganda ang ihip ng hangin, mabait siya pero kapag okey ay para itong halimaw kung magalit. Hindi ko alam kung saan ba ang utak ng aking lola kung bakit ganoon siya.

Bumangon ako at binuksang muli ang ilaw ng aking kwarto. Naglakad ako papalapit sa harapan ng aking tukador at naupo doon sa silya.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

Napabuntong hininga ako nang makita ang aking mukha.

"Do I really part of Harrington?"

Tanong ko sa aking sarili. Ito ang palagi kong tanong sa tuwing nag-iisa nalang ako at sa tuwing humaharap ako sa salamin. Kaya minsan mas gugustuhin ko pang huwag nalang manalamin kesa naman kwestiyonin ang aking pagkatao.

Alam kong normal na tao lang ako sa paningin ng iba pero may mga likas akong kakayahan na wala sila at hindi ko alam kung saan ko ito nakuha. Si lola ang kasama ko simula noon at siya lang ang nakakaalam ng totoo kong pagkatao.

Muli akong humarap sa salamin at tiningnan ang aking mata. I sighed! Where did I get this kind of eyes!? Wala sa lahi ng mga Harrington ang ganitong mata kaya impossibleng minana ko to sa mga kanunuan ko. Tuwing lalabas ako o pumapasok ng school, gumagamit ako ng contact lens para maitago ang kakaibang kulay nito.

I keep asking my lola where is my mother and my father but she keep answering me that the both of them was died in a plane crash. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sakanya dahil ni isang litrato manlang nila mama at papa ay wala akong makita.

Sinabunutan ko ang aking sarili sabay tayo at hinubad ang aking sapatos bago tuluyang nahiga at natulog.

----

"You're breakfast is ready Lady Temer."

Bungad sa akin ng aking mayordoma habang nilalapag sa mesa ang isang tray ng pagkain.

Hindi ko siya pinansin at tumalukbong muli sa aking higaan.

"Alasais bente-kwatro na po Lady Temer. Kailangan niyo na pong bumangon para pumasok."

Magalang niyang sabi. Agad akong bumangon at demretso agad sa aking banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nakahanda na ang aking uniporme sa aking kama kaya sinuot ko na ito. Nanatili namang nakatayo lang sa gilid ang aking mayordoma.

"Hindi pa po kayo nakakain ng inyong agahan lady Temer."

Pagsalita niya nang mapansing lalabas na ako ng kwarto ko pero hindi ko siya pinansin. Hinabol niya ako at hinigit ang aking braso sabay luhod.

"Please..Kainin niyo po ang inyong agahan. Ayuko ko pong mapagalitan ng lola niyo dahil sa hindi po kayo kumain."

Pagmamakaawa niya sa aking harapan. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay bumalik. Pumwesto ako doon sa mesang pinaglagyan niya ng tray ng mga pagkain.

Kita kong ngumiti ito nang makitang kumakain ako. Hays! Kung bat kasi ang higpit ng lola ko kapag hindi ako kumain. Hindi ako ang pinapagalitan niyan kundi ang mayordoma dito sa loob ng mansiyon.

Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Where stories live. Discover now