Sabi ko nga, nawalan ako ng tinik sa dibdib ng ma-realize ko na tama yung decision kong makipaghiwalay kay Jerome.

We were just fooling each other.

“Ang bait mo talaga”

“Kahapon mo pa sinasabi yan” Sagot ko.

He laughed a little. “Totoo naman kasi. Parang walang ginawa sayo si Joyce. Bati agad kayo”

“Kapatid ko kasi siya”

“Sa batas. Kaya mikay, wag kang masyadong magtiwala. Baka lokohin ka naman niyan”

 

Tumango ako at ngumiti sa kanya. “I’ll keep that in mind”

 

Dumating na rin ang tropa niya, a.k.a. Parking Five maliban kay JC.

Fourth year highschool pa lang kasi yun.

Kasabayan nila Dindi, Kiko, Ella, at Francis.

Magkakaparehas ng course sila Gino, Lester, Kats at Seth kaya natawa ako.

Magtotropa talaga sila!

Halatang ayaw magkahiwa-hiwalay.

“Mag-HRM na lang din kaya ako? Para mabantayan kita”

 

I glared at Gino. “Hoy, aso ka ba? Bat mo ko babantayan?”

“Baka kasi may magtangkang umagaw sayo, atleast aware ako pag lagi tayong magkasama” Nagkamot pa siya ng ulo na para bang bata.

“Tingin mo ba magpapaagaw ako?” Asar ko sa kanya.

Napangiti siya dun kaya inakbayan niya ko at hinalikan yung buhok ko. “Sweet ka nga. Siguro dapat kitang tawaging sweetheart?”

 

“Eew gino. Ayoko”

 

Di ko trip yung endearment niyang yun.

Basta ayaw ko!

Halatang nagtaka siya kung bakit pero di ko na siya hinayaang makapagtanong pa.

Lumapit na ko dun sa babae na nasa table.

Nakalagay dun HRM.

I'm his TUTORWhere stories live. Discover now