Mukhang mayayari ako dito. Tsk. Oo na, bibilihan kita ng panda mo. Kaya sumakay kana dun sa kotse. Bilis na " sabi ni Xavier. At pagkasabi niya nun sumakay agad si Xandra sa kotse kaya di ko na narinig yung sinagot niya. At ako naman umalis na din sa pwesto ko. Pupunta na lang ako sa sea side. Dun na lang ako mag papalipas ng oras. 

Yiesha's POV

Nakita ko si Xander sa may puno na parang ewan na nag tatago dun. Kung hindi ko lang kilala yun sasabihan ko ang creepy niya. Mukha kasi siyang stalker sa ginagawa niya kanina. Haha. At ngaun andun na siya sa tabi ng dagat. At dahil mabait ako, lalapitan ko siya. May gusto din kasi akong malaman eh. 

Xander~~" sabi ko at napalingon siya agad sakin. At nginitian lang ako. Parang ewan talaga to eh. Tsk.

Baka gusto mo mag kwento sa nangyare kanina? Sigurado naman na alam mo na hindi ako naniniwala sa kwento niyo ni Xandra kanina. Kaya bilis na. Spill! " sabi ko uli. 

Wala dapat akong ikwento, Yiesha. Tsk. Kung ano narinig mo kanina yun na yun. "

Hindi ako naniniwala. Kapag nag kwento ka may makukuha kang reward sakin. Promise! Alam mo naman na botong boto ako sayo diba? Kaya go na. Mag kwento kana"

Anong reward naman yun? Sabihin mo muna yung reward na sinasabi mo tas tsaka ako mag kukwento sayo" sabi niya. Wais din to eh. Ayaw na ayaw na nalalamangan. Tsk. Pero dahil mabait ako sa kanya, oo sa kanya. Di naman ako mabait kay Xavier eh. Tsk. Alam niyo ba yung reward? Yun lang naman yung picture nilang dalawa ni Xandra nung nasa gubat sila. Yung magkayakap sila. Haha. At yun ang pinakita ko sa kanya. 

P-pano mo nakuhaan yan? Buti di ka nakita ni Xannon. Panigurado papagalitan ka nun kapag nalaman niya yan"

Hindi mo kasi natatanong, ako unang nakakita sa inyo dun. Tinawag ko lang sila. Pero dahil magaling nga ako pinicturan ko muna kayo. Haha. Ang galing ko diba? *o* Kaya ano, mag  kukwento kaba o hindi mo makukuha tong picture nato? Alam kong gustong gusto mo makuha to. Haha" sabi ko. 

Tsk. Oo na, mag kukwento nako. Pero promise me na ibibigay mo sakin yang picture na yan, Yiesha" sabi niya. Haha. Sabi na nga papayag to eh. Si Xander kasi parang hayop, kailangan may paen para kumagat. Haha. Yun ang nakikita ko sa kanya. Kaya malakas ang loob ko na mag sasabi  siya sakin kasi may hawak akong paen sa hayop na gutom *o*

Okay. Mag start kana. Makikinig lang ako dito" sabi ko. At walang paligoy ligoy nag umpisa na siya mag kwento. At ako naman nakikinig lang sa kwento niya. Pero siyempre sinimulan niya yung kwento kung pano sila napunta ni Xandra dun at kung ano nangyare. At ang masasabi ko lang ay HART HART *o* Sheeeeet! Dahil sa mga kinukwento niya lalo ako naging suportado sa loveteam nila. Hahaha! At habang nag kukwento siya di ko maiwasan na di siya paluin sa kilig. Haha. Sorry siya, ganito talaga ako eh. At habang nag kukwento siya sakin nakangiti siya. Kaya masasabi ko lahat ng kinukwento niya sakin at totoo. Masaya ako para sa kanila, sana mag tuloy tuloy na. 

Tapos na ang kwento, okay na ba? Pwede ko na ba makuha yang mga picture na yan? " sabi niya. Yung picture lang ang habol niya. Haha. Pero may hindi siya alam sa ginawa ko. Nirecord ko lang naman yung kinukwento niya ng hindi niya namamalayan. Haha. Galing galing ko talaga *o* 

Tsk. Oo na, ito na. Buksan mo yung bluetooth ng phone mo. Ipapasa ko sayo. Bilis. " sabi ko at siya naman agad agad binuksan yung bluetooth ng phone niya.

Ayan na. Bukas na. Ipasa mo na. Bilis" sabi niya.

Oo na" sabi ko atsaka pinasa sa kanya yung mga picture nila. At nung natapos ko ipasa sa kanya yung mga picture isa isa niya tinignan at ang masasabi ko lang para siyang tanga na ngumingiti mag isa -_-

Thank you, Yiesh. Gagawin kong wallpaper at lock screen to" sabi niya. At nakita ko na lang na ginagawa nga niyang wallpaper at lock screen yung picture nila. Baliw na siya. Baliw na baliw kay Xandra. Tsk.

No problem. Siguraduhin mo lang na magiging ayos na kayo, Xander. At sana naman this time wag kana sumuko ha? Tutulungan kita/namin. Alam kong alam mo na ikaw ang gusto namin para sa kaibigan namin. Pero sana gumawa ka din ng moves para makuha siya ng tuluyan. Kasi ikaw na nga nag sabi na mahal kapa din niya. At sana ipaglaban mo yun kasi may karapatan ka. Ayun lang, sige alis nako. Bye" sabi ko atsaka ako tumayo at tsaka nag lakad pero bago ako makalayo ng tuluyan narinig ko siyang nag salita na " Hindi ko na siya hahayaan makalayo uli sakin. Kahit sabihin niya na layuan ko siya hindi ko gagawin. Hindi ako titigil hangga't di ko siya nakukuha. Kahit anong mangyare" sabi niya at napangiti na lang ako at nasabi ko sa sarili ko na " sana nga makaya mo, Xander" 

---------

-Isha

It Started With A GameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang