E kasi naman pinapaiyak mo ko eh. Ikaw may kasalanan nito. Kaya para makabawi ka kailangan mag bati na tayo tas ilibre mo ako ng ice cream :3" sabi ko sa kanya. Pero napaisip ako. Yung sitwasyon namin ngaun parang nasa laro pa din kami ng pga-ibig. Tsk. Yung bang magiging masaya ka sa una kasi kumpleto kayo ng mga kalaro mo pero sa huli magiging malungkot kasi may kailangan umuwi o umalis. Nakakatawa kasi akala ko tapos na yun. Pero ito pa kami. Napaglalaruan pa din. Kelan kaya titigil yung larong to? Kelan sila mag sasawa na itigil yung larong sinimulan nila samin at hanggang ngaun di pa din matapos tapos. 

Xandra, okay ka lang ba? Xandra, oyy. Hon, ano ba nangyayare sayo? " sabi ni Xavier habang tinatapik ako ng mahina sa mukha. 

Ha? Ano yun?"

Bakit tulala ka? Kanina ko pa sinasabi na bibili na tayo ng ice cream mo pero kailangan mo ko samahan. Tayong 2 ang bibili" 

Ah, wala naman. Haha. Tara na. Bili na tayo *o* " sabi ko sabay tayo at hinili siya para makabili na kami. Ayoko na muna mag isip tungkol dun sa problema ko. Tutal matagal pa naman kami dito eh. Mag sasaya na muna siguro ako.

Xander's POV

Mula sa malayo kitang kita ko sila nag uusap. Hindi ko alam kung tungkol saan pero ang naiisip ko baka nag papaliwanag siya tungkol dun sa nangyare kanina. Mula dito sa pwesto ko kitang kita ko kung pano siya ngumiti sa kasama niya. Oo, naiinggit ako. Minsan iniisip ko sana ako na lang yung nandun. Sana ako na lang yung inaamo amo niya. At sana ako na lang yung boyfriend niya. Pero mukhang malabo lahat mangyare yung mga gusto ko. 

Pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ako nawawalan ng pag-asa. Lalo na ngaun na alam ko na ako pa din yung mahal niya. Yung ang pinaghahawakan ko ng sobra. Kahit alam kong iba ang kasama niya alam ko naman na ako pa din mahal niya. Maswerte pa din siguro ako kasi kahit wala siya sakin nasakin naman puso niya. Korni no? Ganun talaga kapag inlove, nagiging korni. 

Ngaun, nakikita ko si Xandra at Xavier na nag lalakad papunta sa pwesto ko. Nakita ba nila ako? Pero feeling ko naman hindi kasi busy sila sa isa't isa kaya ang ginawa ko nag tago ako sa may puno. Ayokong may makakita sakin dito na parang stalker. 

Gusto ko ng madaming ice cream ha? Kasalanan mo yan kasi pinaiyak mo ko. Kaya kailangan mo bumawi" sabi ni Xandra. Pero ano daw? Pinaiyak siya ni Xavier? Nung narinig ko yun parang nag init bigla yung ulo ko at parang gusto ko manapak. Walang pwede mag paiyak sa kanya. 

Oo na po. Sorry na nga eh. Di ko naman alam na iiyak ka. Nag sasabi lang naman ako tas bigla  kang umiyak. Bibilihin ko na lang lahat ng gusto mo" sabi ni Xavier

As in lahat? Haha. Okay, sabi mo yan ah. Bilihan mo din ako ng panda *o* Kahit anong panda basta panda. " sabi ni Xandraa. Mahilig pa din talaga siya sa panda. Tsk. Alam niyo bang madami akong panda sa bahay? Yeah, nag ipon ako. Pinagkakamalan na nga ako ng kapatid ko na bakla kasi puro panda daw ang iniipon ko, e hindi naman daw ako mahilig sa ganun at pang babae lang daw yun. Tsk. Gusto ko kasi ibigay sa kanya lahat yun. Pero mukhang matagal pa bago ko mabigay. 

It Started With A GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora