Xandra's POV

Bakit nasa ganung sitwasyon namin kayo nakita kanina? " Xannon

Kinakabahan ako. Yun ang nararamdaman ko simula nung nakita nila kami sa ganung sitwasyon. At ngaun di ko alam kung pano ko ipapaliwanag yung sitwasyon namin kanina ni Xander. Kasi aminado naman ako na gusto ko din yun eh >.<

A-ah. Y-yun ba, Kuya? Ano, nilalamig kasi ako nun. Tas nahalata niya kaya tinanggal niya yung shirt niya tas yun ang ginawa niyang kumot sakin. Tas hindi tumalab yung damit niya kaya sabi niya yayakapin niya na lang ako, kaya pumayag ako kasi ayoko naman mamatay sa lamig dun. Kaya ganun yung eksena na nakita niyo kanina. Hindi naman talaga namin ginusto yun eh. Sadyang kailangan lang namin yung init ng isa't isa kaya nag pasya kami na ganun ang gawin" sabi ko. Yes, i lied. Alam ko din naman na alam ni Kuya Xannon na nag sinungaling ako. Ramdam niya yun, hindi kasi ako marunong mag sinungaling. Lalo na hindi ako nakatingin sa kanya at nakayuko lang ako habang nag sasalita. Dun palang alam na niya na nag sisinungaling nako. Pero sorry, yun ang kailangan kong gawin para di kami mabuko ni Xander. 

Xander" sabi ni Kuya Xannon at napatingin ako bigla sa kanya. Pero wrong move. Nakatingin pala siya sakin kahit tinawag niya si Xander. Tas parang sinasabi niya na "Mag uusap uli tayong dalawa ng sarilinan" kaya napatango na lang ako sa kanya.

Xander, pano ka napunta dun? Pano kayo nag kasama ni Xandra? " tanong ni kuya Xannon

Sinundan ko siya. Nakita ko kasi siya na papapunta siya dun sa may gubat. E kinabahan ako na baka di siya makalabas kaya sinundan ko siya.  At dun ko siya nakasama. " sabi ni Xander. Hindi ko alam kung totoo yung sinabi niya. Kasi hindi ko din alam yung rason kung bakit niya ako sinundan. Hindi ko din kasi natanong sa kanya yun. 

Ah, okay. Xandra, usap tayo sa kwarto. Tara. Tas kayo, mag enjoy na kayo kung gusto niyo. " sabi ni Kuya Xannon sabay tayo kaya napatayo din ako bigla at mag lalakad na sana ako nung may narinig akong nag salita.

Mag usap tayo pagkatapos niyo ng kapatid mo. Dun lang ako sa labas. Ge" sabi ni Xavier atsaka ako nilagpasan. Tsk. Dalawang taong mahalaga sakin ang kakaharapin ko. Aayusin ko na muna siguro yun kay Kuya Xannon at Xavier tas tsaka ko kakausapin si Xander. 

Sinundan ko si Kuya Xannon sa kwarto niya. Parang dumoble yung kaba ko ngaun kasi kaming 2 na lang ang magkasama. Mas mapanatag kasi ako kapag kasama yung iba kong kaibigan kasi alam ko na hindi niya ako ipapahiya dun at sigurado di siya magsasabi ng kung ano. Pero kung kaming dalawa na lang sigurado lahat ng gusto niyang sabihin sasabihin na na niya. Diretsang tao to. Lahat ng gusto niyang sabihin, sasabihin niya. 

Xandra, sabihin mo sakin yung totoo. Alam kong nag sinungaling ka sakin kanina. Ano yung totoong nangyare sa inyo? Nag kaayos na ba kayo? " sabi niya

Sorry, Kuya. Tsk. Di ko naman gusto mag sinungalin eh. Pero sa tingin ko kasi yun ang tama eh. Nag kaayos na kami ni Xander pero hindi po ibig sabihin nun magiging kami na. Oo, nag kaayos kami pero sa tingin ko hanggang dun na lang yun. At yung mga sinabi ko kanina tungkol dun sa eksena na nakita niyo kanina lahat yun hindi totoo. Hindi ako nilamig that time. Sadyang ganun lang talaga yung sitwasyon namin hanggang sa makatulog ako. Sorry, Kuya. " sabi ko

Nabbaliw kana ba ha, Xandra? May boyfriend ka tas nagawa mo pa gumawa nun? Ano ba ang relasyon sayo? Lokohan? Alam mong kapag ginawa mo yun may masasaktan ka/kayong tao. Ano ba nangyayare sayo? Aminin mo nga mahal mo paba si Xander? At ano para sayo si Xavier? " 

Sorry talaga, Kuya Xannon. Di ko sinasadya. Hindi lokohan ang relasyon sakin. Seryoso ako sa relasyon na meron ako, Kuya. Hindi ko naman sinasadya na saktan si Xavier eh. Oo, mahal ko pa si Xander. Hindi naman nag bago yun eh. At si Xavier, mahalaga siya sakin. Mahalangan tao sakin si Xavier, kuya." sabi ko. At pagkasabi ko nun kitang kita ko sa kanya yung pagtitimpi niya ng galit. Hindi ko sinasadya na magiging ganito si Kuya Xannon sakin. 

Nababaliw kana, Xandra. Alam mo ba ang pagkakaiba ng MAHAL sa MAHALAGA ha? Ispelling palang halatang halata na madami silang pagkakaiba. Tas ngaun sasabihin mo na mahalaga sayo si Xavier at si Xander ang mahal mo? Xandra, si Xavier ang boyfriend mo pero si Xander ang mahal mo. Alam mo sa ginagawa mong yan parang ginagawa mong panakip butas si Xavier! Ayoko makiealam sa relasyon na meron ka. Pero kung yun ang makakabuti makikielam nako. Pinapapili kita, Xandra. Yung taong mahalaga sayo o yung taong mahal mo? Sa oras na nakapili ka kailangan mo layuan ang isa sa kanila. Para sayo to, para sa ikakabuti mo kaya ko ginagawa to, Xandra." sabi niya tsaka niya ako inalisan at lumabas siya ng kwarto. Kailangan ko ba talaga mamili? Hindi ba pwedeng dalawa ang piliin ko? Bakit ba ang hirap maging masaya? Hiindi ko alam yung pipiliin ko. Kasi parehas silang ayaw ko mawala sakin. Pero kung yun ang tama mamimili ako. Bago kami umalis dito, pipili nako kahit mahirap. At sana sa pinili kong yun maging masaya ako.

----------

Kung papipiliin si Xandra sa real life nag uumpisa sa letter M! Hahaha! Joke lungsss! XD Ang hirap mag isip ah XD

-Isha

It Started With A GameWhere stories live. Discover now