1.

35 5 1
                                        

           

"Look, you don't have to wait anymore. He's not coming back."

Hindi ako matigil sa kakaiyak huhu bwisit na palabas 'to. Akala ko boring 'tong papanoorin namin pero mali ako, sobra akong nadala sa flow ng story huhu.

"Hey. You know we love you, Hachi. We want you to stay here with us. If you have to go... that's okay too. Good-bye, Hachi."

"Bakit ganun si Hachiko huhu kainis puro tuloy ako iyak."

"Ang yabang mo pa kanina ah, sabi mo di ka maiiyak kasi boring hahaha."

Pinagtawanan nila ako kasi ako 'tong iyak ng iyak sa movie ni Hachiko, eh sa nakakadala yung mga pangyayari e.

"Sige pagtawanan niyo pa ako, kala niyo ah!
Hmp!"

"Joke lang Ji, halika na hanap na tayo ng makakainan natin."

Sumunod nalang ako sa kanila. Habang iniisip yung mga ganap sa movie kanina. Sana makahanap din ako ng aso na katulad ni Hachi kahit na wala na ako may nagaantay pa rin sa akin hahaha char.

"Guys? Sa tingin niyo, magkano kaya yung aso na katulad ni Hachi ng breed?" pagtatanong ko sa kanila

"Mahal yon Ji, parang ako mahal kita hahahahaha"

nagsigawan naman yung iba naming kasamahan, baliw talaga 'tong si Mike e.

"Ewan ko sa'yo Mike. Shoo!"

"Ouch! rejected agad ako ni Jianne ko!" sabay naginarte na parang nasaktan talaga.

sarap batuhin ni Mike nanggigil ako ah! grr. Kinalabit naman ako ni Ayen kaya napatingin ako sa kanya. Sinenyasan niya ako na lumapit, kaya pumunta din ako sa kanya.

"Ji, alam mo bang andito din sila Kyle?"

"Weh??"

"Oo, nabasa ko sa tweet niya e andito sila kasama girlfriend niyang mukhang clown."

"Grabe ka naman Ayen wag ganun baka makarma ka hahaha."

"Hindi ako makakarma no, totoo naman kasi sinasabi ko."

Napailing nalang ako sa sinabi ni Ayen. Si Kyle kasi may gusto ako sa kanya, sino ba naman ang hindi magkakagutso eh ang gwapo niya mabait din saka gentleman oh diba saan ka pa.

---

Nakahanap na kami ng restaurant kung saan kami kakain, at hindi ko din alam na doon din pala kakain ang grupo ni Kyle.

"Sa iba nalang tayo kumain." suhestiyon ni Ayen marahil ay ayaw niyang makasama ang grupo ni Kyle.

"Oo nga." Pag sang-ayon ni Mike.

Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nakatingin kay Kyle na para bang badtrip. Bumulong ako kay Ayen.

"Ayen, nakita na ba tayo ni Kyle? Mukhang badtrip e."

"Oo Ji, at malamang sa malamang kaya badtrip yan dahil akala niya na naman sinusundan natin siya. Grr"

Tumango na lang ako sa sinabi ni Ayen. Nasa labas pa din kami at hindi pa pumapasok sa loob dahil naguusap-usap pa sila kung dito kakain o hahanap uli ng ibang restaurant. Habang nagdedesisyon sila may dumaan naman na dalawang kaibigan ni Kyle sa gilid namin.

"Ang creepy talaga no? hahaha"

sabay napatingin sa akin yung isa.

"Stalker."

Nagulat ako sa sinabi niya, alam kong para sa akin yung mga salitang yun. At alam kong narinig din ng mga kaibigan ko yun.

"aba! Gago yun ah!"

Pinigilan ko si Mike at pinagsabihan na wag gagawa ng gulo, baka mapalayas kami ng wala sa oras dito.

---

Pauwi na kami ngayon, kasama ko si Ayen at si Mike dahil pareho kami ng subdivision.

"Ano ba nakita mo sa Kyle na yun? Halata namang nagpapanggap lang yun na mabait e tss." pagtatanong ni Mike.

"Hinahangaan ko lang naman si Kyle, hindi ko naman siya mahal or ano."

"Nako Jianne ah sinasabi ko sa'yo kapag ikaw nahulog dun hindi talaga ako magdadalawang isip na batukan ka, kahit na babae ka pa."

"Ganyan ka naman Mike e mapanakit ka. Hmp!"

Tinawanan nalang kami ni Ayen dahil sa bangayan namin ni Mike. Ang epal kasi masyado eh.

Nakarating naman na agad kami sa bahay ko, sa pangatlong street pa kasi bahay ni Ayen at Mike.

"Bukas nalang uli. Byeee, ingat kayong dalawa."

"Byee Ji, see you tom!"

Kinawayan ko muna sila bago ako pumasok ng bahay. Maging maayos sana araw namin bukas.

My lovely, little angelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon