Ewan, nakita ko na yan na nakaganyan sila eh. Ang sweet diba? *o* " sabi ko. At tumango lang siya, Halata kasing gulat pa siya. Haha. At tinignan ko naman si Xavier at Xandriah halata mo sa mukha nila na nagulat din sila at halata din sa kanila na nasasaktan sila. Sana naman pagkakita nila nitong eksena nato maging na sila sa katotohanan na mahal ni Xandra at Xander ang isa't isa. Yeah, si Xander at Xandra yung sinasabi kong taong ibon. 

Tss." si Kuya Xannon. At nung tinignan ko siya parang bigla kong nasabi sa sarili ko na sana di na lang ako tumingin. Sheet! Nakakatakot itsura ni Kuya Xannon. Halata sa kanya yung inis at galit.  Grabe. Hindi ba dapat maging masaya siya? 

Ah eh, ano gigisingin ko na ba sila? " sabi ko. Sheet! Ngaun lang ako nautal ng ganito. Nakakatakot naman kasi si Kuya Xannon eh >.<

Hindi. Hayaan natin sila magising. Kaya wag kayong mangingielam jan. Walang gagawa sa inyo ng ingay, naiintindihan niyo? " sabi ni Kuya Xannon ng sobrang seryoso. At hindi kami makasagot. Siguro pare-parehas kami ng nararamdaman ngaun. 

Narinig niyo ba sinabi ko? Tinatanong ko kayo kung naiintindihan niyo? Tss" ulit niya uli. 

O-oo. Naiintindihan namin" sabi namin. 

Pagkatapos nun wala na nag salita samin. At si Kuya Xannon at Xavier nakatingin lang dito sa dalawang ibon. Ngaun ko lang hiniling na kahit maganda yung view, sana gumising natong dalawa. Di ko na matagalan yung titig ni kuya Xannon eh. Takte. Parang di siya yung Xannon na kilala namin.

*After 1 hour*

Ang tagal nila gumising. Feeling ko hindi lang isang oras ang tinunganga namin dito eh. Tsk. Grabe. Ganyan ba sila kasarap sa buhay nila kasi magkapayakap sila? O sadyang matagal lang sila matulog? Sana naman gumising na talaga sila. Baka matunaw na sila sa sobrang sama ng titig ni kuya Xannon sa kanila eh. 

Maya-maya gumagalaw na sila. Feeling ko gising na sila. Nararamdaman siguro nila na may nakatingin sa kanila. Tsk.  Pero ang unang gumalaw si Xander, nag unat pa nga. Tsk. Di pa siguro kami napapansin kasi nasa gilid kami. Pero habang tinitignan namin siya habang padilat palang yung mata niya makikita mo na masaya siya kasi katabi pa din niya si Xandra at nakayakap niya mag damag.

Tulog pa din yung asawa ko. Mukhang napagod kagabi. Tsk" rinig kong sabi ni Xander tsaka niya hinalikan sa noo si Xandra. Pero ano daw? Napagod kagabi? Iba pumapasok sa isip ko. Pero nung tinignan ko uli si Xander sobrang saya niya. Yung ngiti niya ngaun, 3 years namin di nakita. Si Xandra lang pala ang magpapabalik. 

Kuya Xannon " sabi ko. Nag lakad na kasi siya ng sobra kay Xander. At kitang kita siya ni Xander ngaun. 

Xander's POV

Kakagising ko lang at ngaun nakatitig lang ako sa natutulog na Xandra. Sana mag tagal pa kaming ganito. Sana habang buhay na kaming ganito. Sana wala ng maging hadlang samin. Habang tinitignan ko si Xandra may nakita ako na parang may lalaking nakatayo sa harap namin kaya agad kong tinignan. 

Xannon" sabi ko nung nakita ko siya sa harapan. Sobrang seryoso ngaun ni Xannon. Nakita niya ba lahat? Tinignan ko yung paligid at nakita ko sila Yumi, Yiesha, Xamara, Xandriah at Xavier na naglabasan sa gilid. Sh*t! Kanina pa kaya sila dito?

Anong ginagawa niyo dito ha? Alam niyo bang kahapon pa kami nag hahanap sa inyo tas makikita lang namin kayo sa ganyang pwesto? " sabi ni Xannon na halatang nag pipigil ng galit. Tsk. Di ako makaporma kasi nakayakap pa sakin si Xandra na tulog. 

Xannon, mag papaliwanag ako. Sakin ka na lang magalit wag na kay Xandra. Ako naman may kasalanan eh. Wala siyang kasalanan" sabi ko

Parehas kayong may kasalanan, Xander. Sa tingin niyo ba maganda yang ginawa niyo ha? Magkayakap kayo tas alam niyo naman sa sarili niyo may mga karelasyon kayo, tas gaganyan kayo? Aarte na walang taong masasaktan. Umayos nga kayo! Hindi na kayo mga bata " sabi ni Xannon. At pagkasigaw ni Xannon biglang nagising si Xandra, narinig siguro yung sigaw ni Xannon. Tsk. 

K-kuya" sabi ni Xandra pero tinignan lang siya ng masama ni Xannon atsaka umiwas agad ng tingin. 

Mag ayos na kayo, babalik na tayo. Bilisan niyo. Pagkatapos niyo jan sumunod na agad kayo" sabi niya sabay lakad paalis. At siyempre nag madali kami sa pag aayos ni Xandra at sumunod na agad kami sa kanya. Panigurado pagbalik namin dun problema ang kakaharapin namin.

----------

-Isha

It Started With A GameWhere stories live. Discover now