37

184 3 0
                                    

Ivy's POV

Matapos naming mag usap ni Jake ay inihatid na niya ako sa kotse ko,gusto pa nga niya sana ako ihatid kaso dala ko nga ang kotse ko,kaya napagkasunduan nalang namin na bukas ay susunduin na lang niya ako sa bahay,para sabay na kami sa pagpasok..masaya akong nagdadrive nang mahagip nang mata ko ang kotse ni lance na nakahimpil sa isang tabi,hindi ko na sana papansinin at tuluyan nang aabante nang mapansin kong may lalaking pumunta sa gawi niya at nasa itsura nito ang galit..kaya napagdesisyunan kong ihinto ang kotse ko sa unahan lang nang kotse ni lance,.pero ganon nalang ang gulat ko nang biglang barilin nung lalaki si lance,nakasilencer ang baril kaya hindi pansinin nang ibang dumaraan,agad akong napalabas nang kotse ko,at kitang kita ko pa  ang pagngisi nung lalaki bago ito tumakbo..agad akong lumapit kay lance at eksaktong paglapit ko nang bigla itong hinimatay..agad akong humingi nang tulong sa iba at agad naman akong napansin nang ibang dumadaan,. agad naming isinakay si lance sa backseat nang kotse niya at saka agad akong nagpasalamat sa tumulong at mabilis kong pinaandar ang kotse papunta sa pinaka malapit na ospital..agad naman na inasikaso si lance nang mga nurse..

isang Oras ang lumipas nang lumabas ang doctor na nag asikaso Kay lance,agad akong napatayo sa kinauupuan ko at saka sinalubong ang doctor.

"How is he doc!" tanong ko

binaba niya ang facemask at saka sumagot."he's fine right now!buti nalang ay daplis lang ang tama nang bala sa tagiliran niya,.don mo nalang siya hintayin sa paglilipatan niya,, I'll go ahead kailangan ko pang mag rounds sa iba ko pang pasyente"sabi niya at saka tuluyan umalis.

nanatili akong nakatayo at impit na nananalangin para magpasalamat sa diyos dahil nakaligtas na si lance..at ganon nalang ang gulat ko nang biglang nagvibrate ang cellphone ko,at nang makita ko ang caller ay doon ko lang napagtantong hindi ko man lang pala natawagan si Jake kanina. agad ko itong sinagot at nasa tono nang  boses niya ang pagaalala..nuong una ay diko maintindihan kung bakit siya nagaalala,pero nang sabihin niya kung nasaan siya ay doon ko lang ulit napagtantong naiwan ko nga pala ang kotse ko sa pinangyarihan ng aksidente..natampal ko ang sarili kong noo dahil sa kagagahan kong makalimutan ang kotse ko,masyado kasi ang nataranta sa nangyari,at sinabi ko nalang din sa kanya na pumunta nalang siya dito,at mamaya na lamang namin balikan ang kotse ko paguuwi na kami mamaya...

agad naman akong napatingin sa pinto nang marinig at makita ko itong bumukas at napatayo agad ako nang si Jake ang pumasok..

"Ivy anong nangyari!" agad niyang tanong at ikinukwento ko naman ang lahat nang nakita ko at ganun nalang ang galit niya nang matapos kong maikwento sa kanya ang lahat.

agad siyang lumapit sa kuya niya at matamang tinignan,kita ko sa muka niya ang galit at matinding pag aalala..pero agad din siyang humarap sa akin at saka niya ako niyakap.at naramdaman ko nalang na yumuyugyog na ang balikat niya,..hinagod ko naman agad ang likod niya at maya maya lang ay kumalas na siya sa pagkakayakap..pinunasan ko ang luhang lumaglag sa pisngi niya..

"Don't worry Jake!ok na ang kuya mo kailangan lang niya ang mahabang pahinga para makabawi...at wag kang magalala mahuhuli rin ang gumawa non Kay lance". ..pagaalo ko sa kanya,at niyakap ko na lang siyang muli...makalipas ang halos dalawang oras ay nagpasya na kaming umuwi,hinatid na ako ni Jake kung saan ko naiwan ang kotse ko,at pagkatapos ay nag convoy nalang  kami pauwi sa bahay ko..mabilis narin kaming nakarating..pinapasok ko muna siya para  magkape!.

" Ivy!"siya habang nakahawak sa kamay ko,tinignan ko naman siya pero nananatili lang akong nakatingin sa kanya.."thankyou For saving my brother's life..buti nakita mo siya,dahil kung hindi baka mas malala pa ang nangyari sa kanya...thankyou talaga..

ngumiti ako sa kanya at saka ko siya niyakap!"don't thank me!,dahil alam kong kahit sino ay gagawin ang mga ginawa ko sa kuya mo!"bulong ko sa kanya..

kumalas siya sa pagkakayakap at saka niya ako tinignan nang malamlam..hinawakan niya ang pisngi ko at saka dahan dahan tumitingin sa  labi ko,napapalunok ako sa takbo nang iniisip ko,at halos maduling ang mata ko nang dahan dahan niyang ilapit ang muka niya sa muka ko,at tanging naramdaman ko nalang ay ang malambot niyang labi sa labi ko,..hinalikan niya ako nang may paggalang mabagal at sakto lang sa diin nun,at siya rin ang unang lumayo sa halik na ginawa niya..at tulad kanina  ay malamlam niya akong tinignan.." Iloveyou Ivy!"sabi niya at saka niya muli ako niyakap at pagkatapos ay nagpaalam na siyang uuwi na..

KINABUKASAN..

Jake's POV

Maaga akong bumangon,dahil susunduin ko pa si Ivy at saka kami didiretso sa hospital,matapos kong ayusin ang sarili ko ay saka ako pumunta sa kusina para magkape..tumawag narin ako sa mansyon para  bilinan  si Manang na siya muna ang magbantay Kay kuya lance,dahil wala si mommy..matapos akong magkape ay nagtungo na ako sa kotse ko..

HOSPITAL

"Jake!nakatulog ka ba nang ayos kagabi?" tanong ni Ivy,habang naglalakad kami sa pasilyo nang  ospital ..

tinignan ko siya at saka sumagot"sakto lang!,ikaw  nakatulog ka ba ng ayos!"balik tanong ko sa kanya,ngumiti  at tumango naman siya sa akin at saka nagtuloy sa paglalakad..

nakarating na kami sa private room at pagbukas ko nang pinto ay naabutan ko na doon si manang,at nakita ko rin sa kabilang upuan si Jane,..agad namang lumapit sa akin si Jane,para magtanong sinabi ko naman lahat ang nangyari at saka walang kibong bumalik sa inuupuan niya kanina..pinaupo ko muna si Ivy,sa bakanteng upuan at saka ako naglakad palapit sa higaan ni kuya..

tinignan ko siya at maya maya lang ay nakita ko nang dumilat ang mga mata niya..

"Jake!" mahinang tawag niya..

"How are you!" sabi ko ,

"I'm better!" sagot niya,nilinga niya ang mata niya na parang may hinahanap at nang mapadako ang paningin niya Kay Ivy ay Sakto naman na tumingin din si Ivy sa gawi namin..medyo nagselos ako sa way nang tinginan nila pero agad ko rin sinaway ang sarili ko sa mga naiisip ko,..kaya muli nalang akong tumingin Kay kuya at nagulat pa ako nang sa akin na siya nakatingin..

"Gusto ko lang sanang magpasalamat sa Girlfriend mo!,kaya ako tumingin sa kanya!..pasensya na!"

nang dahil sa sinabi niya ay nakaramdam naman ako nang  konting hiya,..tinawag ko nalang si Ivy para makalapit siya sa amin,,at tulad kanina ay sa simpleng tinginan nila ay nakaramdam  na naman ako nang selos..kahit pigilan ko ay diko maiwasan..

"Salamat!" rinig kong sabi ni kuya..

"Welcome!,magpahinga ka lang para gumaling ka agad.." si Ivy..

"So ikaw pala ang nagdala kay Lance dito," singit na sabi in Jane sa amin..agad ko naman siyang inawat.

"Stop!" ako

"Why!wala naman  akong ginagawa ,ano ba masamang magsalita.." si Jane

"wala naman masama,kaso habang tumatagal ang pagsasalita mo ay unti unting sumasama.."si ivy na sumingit rin sa pagsasalita..

" How dare you!..sagot ni Jane at akma pang sasampalin si Ivy..pero nakakamaang lang na hindi man lang natakot si ivy sa kanya at instead ay ngumisi pa ito,dahilan para manggalaiti sa galit si Jane sa kanya..

"stop making a scene here!" si Ivy
"hospital ito,at hindi carnaval kaya wag kang magpakitang gilas dahil hindi ito ang lugar mo!"..saka Tatawa tawang nakatingin kay Jane..at kitang kita sa muka ni Jane ang asar

" what did you say huh!.."sigaw nito "eh ikaw bat andito ka!,ospital ito at hindi Bar!kaya wala kang karapatan na pumunta dito dahil hindi ka nababagay dito!" sigaw ni Jane at naiinis ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang hinarap sa akin at saka ko siya sinampal..nakita ko ang gulat sa muka niya,at ako rin ay nagulat rin sa ginawa ko,pero dahil binastos niya si Ivy kaya ko nagawa yun,..

humarap ako Kay kuya at manang at saka nagpaalam,hindi ko na hinintay ang mga sagot nila at agad kong hinila si Ivy palabas nang kwarto iyon...nanggigil ako sa inis at pagkalabas na pagkalabas namin ay agad kong niyakap si Ivy,at hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa amin..



My Ex and Why'sWhere stories live. Discover now