Pero, wait! Sino yun? Sino yung dumaan? Tama ba ako? tama ba akong may dumaan na napakaputing babae sa kinahihigaan namin ngayon ni Drew. Pero napakabilis naman ata niya. Olol, baka imahinasyon kolang iyon.  Pagod na pagod  na kasi ngayon ang buo kong katawan kaya tulo'y kong ano-ano nang mga imahinasyon ang pumapasok sa napakalawak na isipan ko. Makatulog nanga maaga pa kami bukas.

Third Person's POV

Maagang-maaga ginanap ang Prayer Vigil   Mass  para sa mga estudyanteng namatay dulot ng mga nangyaring kagimbal-gimbal na trahidya noong mga nakaraang araw. Puno na ng tao ang buong lugar sa gymnasium kung saan ginanap ang nasabing mass. Nandito nadin lahat ang mga magulang ng mga estudyanteng biktima na mahanggang  ngayo'y hindi parin nila matanggap ang biglaang paglisan ng kanilang mga anak. Nandito din lahat ang mga faculty at guro ng pinakasikat na unibersiadad na mahanggangang ngayo'y itinago at inilihim parin nila sa lahat ang karumal dumal na trahedyang nangyari sa buong unibersidad para lang sa reputasyon ng isa sa pinakasikat na unibersidad sa buong mundo na ang Sahibel's University.

Bulag ang lahat sa mga nangyari maliban lamang sa mga natirang biktima ng kalunos lunos na trahedya. Dahil akala ng iba'y namatay ang mga estudyante dahil sa mga pagsali nito sa praternity. Lahat ay nakasuot ng damit na kulay itim para respeto sa mga namatay.

Pormal na nilang sinimulan ang Prayer Vigil Mass ng unibersidad. Pero lingid ng kaalaman ng lahat merong isang nilalang ang nakangiting nakatanaw sa kanilang lahat. Balot ng ingay ang buong lugar lalung lalo na sa mga pamilya ng mga nabiktima. Hanggang sa biglang humagin ng napakalakas sa buong lugar. Nagtilian ang lahat dahil sa takot.

Patulo'y parin ang napakalakas na hangin sa buong gymnasium na parang isang buhawi dahil sa lakas ng bugso nito. Nagtitilian, nagsisigawan at nagkakagulo na ang mga tao sa buong lugar. Hanggang sa biglang may tumunog na isang nakakatakot na ingay ng mikropono. Nagtaka ang lahat dahil sa napakaingay na mikropono at ang napakasaklap pa'y may isang  babaeng humihingi ng tulong.

Mas lalong nagimbal ang lahat  dahil sa babaeng humihingi ng tulong. Linibot nang paningin ng lahat ang buong lugar at hinahanap ng kani-kanilang mga mata ang babae pero nabigo sila. Hindi na nakapagtiis ang lahat dahil sa takot agad silang tumakbo palabas sa loob ng gymnasium.

"What's happening?" naguguluhang tanong ng mga ibang tao sa lugar  dahil sa nangyari. Hanggang sa tumunog ng napakalakas ang bell sa buong unibersidad. Ang tunog na kumitil sa mga kaklase nilang naging biktima.

Drew's POV

Awang-awa ako sa lahat ng mga tao na nandito ngayon sa loob ng gymnasium. Napakabulag nila, napakabulag nilang lahat sa mga nangyari. Ang akala nila'y namatay ang mga iba naming mga kaklase sa isang napakanormal na trahedya.  Anong klaseng unibersidad ba ito? Bakit hindi nila  sinasabi ang katotohanan sa mga tao lalong-lalo na sa mga magulang ng mga naging biktima. Dahil ngaba sa reputasyon ng paaralan?  Natatakot ba silang masira ang pangalan ng unibersidad na ito? Mga walang hiya! Napakaramot nila? Iniisip lang nila ang pangalan ng unibersidad.

Nagulat ako ng biglang humangin ng napakalakas sa buong gymnasium. Nagkagulo ang lahat dahil sa lakas ng bugso ng hangin. Hanggang sa biglang may tumunog na isang mikropono. Mas lalong nagkagulo ang lahat dahil sa takot hanggang sa biglang may isang babae ang humihingi ng tulong. Linibot ng aking mga mata ang buong gymnasium pero nabigo naman ako. Nung una kalma lang ako at naniniwalang coincedent lang ang lahat na mga nangyari hanggang sa tumunog ang bell ng buong unibersidad. Ang bell na kinatatakutan naming lahat.

"Hinding-hindi na ito normal." turan ni Sir Merca.  Patulo'y lang parin ang sigawan sa buong lugar. Mas nagimbal pa kaming lahat ng biglang may tumunog na mga napakapamilyar na boses sa mikropono. Mga boses ng mga kaklase naming namatay. Ang boses nina Jenny, Liza, Cassie at iba pa naming mga kaklase naming namatay. Humihingi sila ng saklolo at nagmamakaawa. Pero nang pagtingin namin sa mikropono wala namang tao na dahilan ng tunog.

Biglang tumakbo  si Sir Merca, sinundan naman namin ang gurong lalake sa pupuntahan nito. Na sa likod kami ngayon ng entablado ng nasabing gymnasium. "F*ck! Walang tao!" nangangalaiting  anito ni Mr. Merca na hindi naman namin alam ang kanayang dahilan. Nagulat nalang kaming lahat ng biglang dumilim ang buong gymnasium. Mas nangibabaw ngayon sa buong lugar ang sigawan dahil sa dilim ng paligid.

School Bell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon