CHAPTER 16: DATE PLAN

Magsimula sa umpisa
                                    

''nasasaktan ka pala, edi tanggalin mo toh!''

''wala nga sa akin yung keys, titiisin ko nalang. Di bale ng masaktan ako, huwag mo nalang akong takasan.'' sabay ruffled ng buhok niya.

''o anong gagawin natin niyan?? nakakasawa na dito oh!''

''Ano ba Yoshida, huwag ka nga.. Ako yung nag yaya so ang gusto ko ang masusunod. Gusto kong manuod ng sine.'' biglang nag kunot ang noo niya.

''sine? Bakit hindi nalang tayo bumili ng dvd's tapos panoorin natin sa S.R ng section black??'' sabay smirk nito.

''tss nakaka imbyerna ka aa. E sa gusto kong manuod ng sine? Gusto ko sa malaking screen!''

"O sya! O sya! Sa sinehan na." at nag simula na itong nag lakad pero napapa stop siya, kase kahit hindi ko siya hinihila nahihila ko siya.

"arghhhhhhhh! Pwede bang pag nag lakad ako sumabay ka? Lumapit ka nga dito"

"ahhh??"

"tss bat ang slow mo? Hindi mo agad ma gets? Gusto mo inuulit pa. tss, ako na ang lalapit." Lumapit ito sa akin. At ang mga susunod na eksena ay makapigil hininga.. For the second time hinawakan niya yung kamay ko at halos sabay na sabay kaming maglakad.

NOW PLAYING: A THOUSAND MILES BY BOYCE AVENUE AND ALEC GOOT(cover)

Habang nag lalakad kami, hindi ko mapigilang magi sip ng mga bagay bagay. Like

'paano kung maging kame? Magiging Masaya naman ba?'

'paano kung ligawan niya ako? Dapat ba akong pumayag?'

Napa buntong hininga nalang ako.. dahil isa lang ang pwede kong maging sagot.. Maaaring sa mga oras na toh crush ko siya, at baka siguro mamaya o pwede rin namang bukas MAHAL KO NA SIYA. Pero parang ang bilis naman yata?? Ganun ba talaga siya kalakas para makuha niya agad yung loob ko? AHHHH! BAHALA NA.

"hoy, huwag mo ngang bigyan ng malisya yung pag hawak ko sa kamay mo. Ginagawa ko lang to para hindi  tayo parehong masaktan." Hindi nalang ako sumagot pa.. bagkus, ngumiti ako ng hindi niya nahahalata.

Nang malapit na kami sa ticket booth.. Biglang umeksena si.. SUE, the malanding ex.

"TAO? What's the meaning of this?"  Napatingin sa akin si Tao, at halos mataranta ito ng makita niya si Sue. Samantalang ako naka tingin lang sa Ticket booth at nag hihintay ng signal para sabunutan ulit tong babaeng toh.

"Sue, mali..." humigpit yung hawak ni Tao sa kamay ko, at nararamdaman ko na nanlalamig yung kamay niya at kasama ng panlalamig ng kamay niya ay ang pag higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Hindi paba sapat na ebedensya tong nakikita ko? Akala ko ba mahal mo ako?" Konting lapit pa sige lang, hindi ako mag dadalwang isip na sampalin ulit kita.

"Tao.." ng hinawakan na ni Sue yung mukha ni Tao, tinignan ko na siya.

"Kalat na sa mga campus na may anak na si Twaylem.. mas pipiliin mo ba yang babaeng yan kesa sa akin?!" napatingin sa akin si Tao. At gamit ng isang kamay ko dinuro ko siya.,

"sige iharap mo sa akin yang nag kalat ng balitang yan, tandaan mo sa oras na nalaman ko sayo nang galling ang mga sinabi mo, hindi ako nag dadalawang isip na sirain ang buhay mo kahit masunog pa ang kaluluwa ko sa impyerno!.."

"Twaylem.." pag pigil sa akin ni Tao. Nanahimik kase su Sue at bakas sa mukha niya ang kaba.

"Let's go girls!!" sabay alis ng mga babaeng imporkrita.

TAO

After nung sinabi ni Sue sakanya, napansin kong nawala na sa mood si Twaylem. Kahit ng nanunuod kami ng sine, tahimik lang ito.. kahit hindi niya sabihin na nasaktan siya sa sinabi ni sue, kitang kita naman sa mga kilos at galaw at facial expression niya na yung totoong nararamdaman niya.

"Tao, bakit nasisikmura mo yung pang gagago sayo ng babaeng yun?" sa kalagitnaan ng katahimikan bigla niyang itinanong yun.

"anong pake mo?"

"tss" sabay batok sa akin..

"alam mo bang ginagago ka lang niya?? Gusto niyang iprove sa mga kasama niya na napaka ganda niya. Na kahit anong gawin niya e baliw na baliw ka sakanya." Doon sa sinabi ni Twaylem hindi ko alam kung matutuwa ako o ano.. Parang may alarm clock kase na tumunog at para bang nagising ako.

"see.. Tama ako. Alam mo, kung mahal ka ng isang tao, kahit ikaw ang pinaka balasubas at pinaka gago sa buong mundo mamahalin at mamahalin ka nun. At hindi ka niya pipilitin na mag bago para lang bumagay sa mga qualities na gusto niya." Napa ismid nalang ako sa sinabi niya.

"kase kung mahal ka talaga niya, hihintayin niya na ikaw mismo maka diskubre kung anong mali mo. At mag babago ka ng mag isa. Hindi ipinamumukha sayo kung gaano ka walang ka kwenta kwentang tao. Kaya Yoshida, sana mag silbing wake up call tong sinasabi ko sayo..." pag katapos nun kinuha niya na yung susi at tinanggal na yung pag kakaposas sa kamay naminn. Pag katanggal ng mga posas, umalis na rin siya...

May sense ang sinabi niya, pero ganun ba talaga yun?????

Kase kung oo..

GISING NA AKO.

LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PUBLSIHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon