Just Your Girl In Need Part 1

12 2 0
                                        

Sachi Mae Gonzales POV'

"Hay naku Sachimi, hanggang ngayon ba naman kaklase pa rin kita? bakit lagi mo nalang akong sinusundan!? Siguro crush mo'ko no?" Asar sa'kin ng hambog na katabi ko, Naglalakad kami ngayon papunta sa magiging classroom namin at ang mokong nakaakbay pa sakin. Aba't masyado niya namang feel na feel ang pagakbay sa'kin. Pansin ko rin na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyante sa paligid namin. Hindi man lang ba nahihiya ang isang 'to!?

Dahil masyado ng mabigat ang braso niya ay tinanggal ko na ito sa pagkakaakbay sa akin. Inayos ko pa ang magulo kong buhok tsaka ko siya binalingan ng masamang tingin pero tinawanan lang ako ng gago, hinampas ko tuloy siya sa braso.

"Wag kang feeling!? baka kamo ikaw ang sumusunod sa akin dahil wala ka ng makokopyahan pag test at isa pa school mo ba 'to!?? school mo 'to ha??" kunwaring inis na bulyaw ko sa kanya, pinanlakihan ko pa siya ng mata at pinitik ang noo niya. Napa'Aww' naman siya bago masamang tumingin sa akin pero inirapan ko lang siya atsaka pinagpatuloy ang paglalakad. "Atsaka di kita crush no? Assuming ne'to! Panget mo kaya, ni wala kang laban kay park bo gum no baka nga libag ka lang nun e." dagdag ko pa.

Umakbay ulit siya sa akin at bahagyang sinilip ang mukha ko bago magsalita ulet. "Ang dami mong sinabi, kiss kita jan e."

"Iwww, Ayokong madikitan ang kahit anong parte ng mukha ko ang marurumi at makasalanan mong labi, baka nga di kapa nagtotoot---" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang lumapat ang labi niya sa pisngi ko, natigilan naman ako sa ginawa niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Samantalang nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad ang mokong na humalik sa pisngi ko, huminto siya hindi kalayuan sa akin at humarap ng may nakakalokong ngiti sa labi.

"Marumi pala ha? e bat parang kinilig ka Hahaha."

Agad nag-init ang dugo ko sa narinig ko, Oo umiinit ang dugo ko. Unique 'to! Wag kayong ano diyan nakikibasa lang kayo!!? Charot ^_^

"SHELDOOONNN!!! TUMAKBO KANA BAGO PA KITA MAPATAY" Dali dali naman siyang tumakbo kaya agad ko siyang hinabol.

"AMININ MO NA KASING CRUSH MO AKO PAKIPOT KAPA!!" Sigaw niya sa'kin habang tumatakbo, binilisan ko naman ang takbo ko para mahabol siya pero nahirapan ako. Pinaglihi ata sa kabayo 'to.

--

Nandito kami ngayong dalawa sa canteen para magpahinga, hindi na rin kami nakapasok sa first subject namin dahil sa napalayo ang paghahabulan namin at nahirapan na kaming hanapin ang classroom namin, at isa pa late na kami. Kasalukuyang kumakain si Sheldon dahil nagutom daw siya sa habulan namin kanina. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon para matitigan ang mukha niya.

Actually mukha talagang unggoy si Sheldon pero siyempre charot lang yun. Kaswelo naman ng mga unggoy kung mapapabilang siya doon, pero aaminin ko gwapo talaga si Sheldon. Hindi man perpekto ang hugis ng mukha niya dahil medyo mahaba ng kaunti ang baba niya. Hahaha! tatsulok ang hugis ng mukha niya pero hindi naman iyon naging kabawasan sa pagiging pogi niya. Singkit ang mga mata niya at mahihiya ang ilong mo sa tangos ng ilong niya. Ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang labi niya, yung labi niyang maliit na mapupula. Siguro masarap siyang humalik.

O_____O

'What the fuck' Sinabi ko yun? Nasamid ako dahil sa pagiisip kong yun kahit di naman ako kumain, Agad ko namang kinuha ang tubig na nasa harapan ko at walang pakundangang inubos ito. Para akong hingal na hingal dahil sa naisip kong iyon.

"Uy anyare sayo? tara na" bahagya pa akong napatalon sa gulat ng hawakan niya ang baba ko at iangat para magtama ang mga mata namin pero agad akong tumayo at kinuha ang gamit ko bago humarap sa kanya

Just Your Girl In Need (ONE SHOT)Stories to obsess over. Discover now