Prologue

21 2 3
                                        

"Mommy, sakay tayo dun! Dun din! Tsaka dun! Ay dun din pala, mommy!" Sabi ng batang babae habang tinuturo ang mga rides sa amusement park.

Teka, sino sila?

"Sige baby. Sasakyan natin lahat yan--" Bago pa matapos ng babaeng tinatawag niyang 'mommy' ay nagsalita na ang batang babae.

"Yehey! Thank you, mommy!! You're the best!" Sabi ng batang babae at hinalikan niya ito sa pisnge.

"Pero mommy, kain muna tayo!" Angal nung isang batang lalake pero di siya napansin ng mommy niya kasi merong nag-text sa kaniya. Pansin ko lang, magkaparehas ng mukha yung batang babae at yung batang lalake. Kambal sila?

"Eh! Ang takaw mo talaga, Kuya Jaye! Kaya ang baboy mo tignan!" Tukso ng batang babae sa kakambal niya. Ngumuso ang batang lalake. Ang kyot *0*

"Pake mo ba, Jeah? Bakit? Ikaw ba tataba ha? Ikaw ba? Sagutin mo ako!!" Sabi ng batang lalaki na si 'Jaye' at niyugyog si Jeah.

"Tumigil ka nga! Nahihilo ako sa'yo eh! Pero ang baboy mo talaga tignan! Sarap mong ihawin!" Sabi ng batang babae at tumawa.

"Ikaw naman para kang stick! Stick na may buhay na palakad-lakad dito sa amusement park!"

"Tataba rin ako! Makikita mo!"

"Huh? Kailan? Pagkatapos ng end of the world?"

"Mommy, nasan po si Daddy?" Pag-iiba ng usapan ni Jeah. Para-paraan din to, ano? Haha.

"Hala. Change topic--" Hindi natapos ang sasabihin ni Jaye kasi nagsalita ang nanay nila.

"Pupunta na yun dito, baby." Sabi niya, mukhang galit habang abala sa pag-titext sa kanyang cellphone.

Sinong tine-text niya?

Biglang nag-ring ang cellphone niya kaya agad niya itong sinagot.

"Hello?--Huh? Bakit?--Nasan ka ba?-- Ahh sige-- I love y--" 'Di niya natapos ang sasabihin niya kasi bumaba na sa tawag ang nasa kabilang linya.

Sino kaya yung nasa kabilang linya? Asawa niya kaya?

Lumuhod ang nanay nila para magkapantay siya sa kaniyang mga anak, "Anak, 'Di makakapunta yung daddy niyo eh. Meron daw siyang biglaang meeting."

"Huh? Dis oras ng gabi?" Tanong ni Jaye. Halatang-halata sa mukha nila ang dismaya at lungkot.

"Okay lang yan, mga anak. Nandito pa naman si mommy! I'll make sure na sasakyan natin lahat ng rides dito at kumain ng napakarami! Kaya don't be sad, okay?" Sabi niya at ngumiti pero nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Bakit kaya?

"Nambabae na naman ba si daddy, mommy?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Jeah sa nanay niya. Nanlaki ang mata ko. Nambabae ang tatay nila?

"Shhh. No, sweetie. Busy lang talaga ang daddy niyo kaya don't cry. Di ba kayo happy na kasama niyo si mommy?"

"Masaya po." Sagot ni Jaye.

"Masaya naman pala eh! Smile na kayo diyan!" Sabi niya at ngumiti ng bahagya kaya ngumiti rin ang mga anak niya sa ginawa niya.

"Yan. That's more like it. Tara na." Tumayo siya sa pagkakaluhod, "Sumakay na tayo sa mga rides! Woo!"

Papalapit pa lamang sila sa Ferris Wheel ay nakarinig kami ng putok ng baril pagkatapos ay nagsisigawan na ang mga tao at tumatakbo. Meron akong nakitang anino ng isang lalaki na may hawak na baril sa nakatutok sa direksyon kung nasaan nandun sila ni Jaye, Jeah at ang nanay nila. Agad akong tumakbo patungo sa kanila at nakita kong umiiyak si Jaye at Jeah habang ang kanilang ina ay nakahandusay sa sahig... duguan.

******************************
© All rights reserved.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblace to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced in any form without my permission. Do not use anything I own for your use without my content.

If at any point you dislike this story, simply stop reading. I'm not forcing you to finish it. Thank you ^.^

Broken: ON-GOINGWhere stories live. Discover now