Dear Mahal, #1

47 1 0
                                    


Dear Mahal ,

Salamat dahil nakilala Kita
Salamat dahil naging kaibigan kita
Salamat dahil dumating ka sa buhay ko .
Salamat dahil minahal mo ako.

Walang kasing saya kapag kasama ka.
Bawat sandali para bang nakalutang lang.
Ikaw naging clown ko sa tuwing malungkot ako.
Ikaw ang naging sandalan ko sa tuwing mahina at umiiyak ako.

Palibhasa lagi kang nadyan .
Kaya ikaw ang naging kalakasan
Sayo humuhugot ng saya sa tuwing kailangan .
Kaya di mahirap bigkasin ang salitang Minahal kita.

Tila ba nasanay ako sa mundong kasama ka.
Di ko iniisip na mawawala ka.
Kasama ka hanggang ending ng istorya ko.
Pinagtitibay ng salitang Ikaw at ako.

Lumipas ang panahon
tumagal ang mga salitang ikaw at ako.
Di na sumagi sa isip ko na maglalaho pa ito.
Kumapit ako , humawak ka . magkabisig tayong dalwa.

Walang makapipigil
Sa pag ibig na binuo ng ako at ikaw.
Kahit  , saan, kailan , at sino .
Mananatili tayong matatag
Pangako nating tila di mabibigo.

Pero walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago.
Nagbago ka.
Nakapagtataka .

Kahit maliliit na bagay
Lagi tayong may away.
Pinilit kitang inintindi .
Baka sakali sakin ang Mali.

Pero tumagal ng tumagal
Hanggang sa di ko na tuluyang maintindihan .
Para bang sinasabi mo na Bumitaw  na lang ako.
Sa bawat titig at bigkas mo ay talagang may nagbago..

Tanga na nga siguro tingin sakin ng iba .
Dahil kahit masakit na
Inaalala pa rin kita
Baka sakaling doon ka masaya.

Pero kahit anong Tiis sa sakit at hapdi.
kahit ako ang nasasaktan .
Kahit ako nalang ang lumalaban.
Bigla mo nalang ako iniwan.

Ngunit Paano? ...
Paano ako ?
Paano ang  tayo ?
Paano ang mga salitang ikaw at ako ?

Paano ...
Ang mundong nakasanayang kasama ka .?
Paano ako gagalaw sa mundong puro ikaw ang nakikita ?
Mga imahe nating dalawa
Na tila nag iibigan at masaya.

Sabihin mo ,
Bakit ikaw ay naglaho?
Ano ang dahilan ?
Mahal, sabihin mo sapagkat Ako'y nasasaktan.

Bakit ka lumisan ?
ano ang aking pagkukulang?
Mahal, sabihin mo ...
Kasi ,hindi ko na alam...

ngunit tinanong ko rin ang aking sarili...
Bakit ako iniwan?
Siguro , nasa akin ang pagkukulang.

Pinilit kong inalala,mga Sandaling tayo ang magkasama.
Kinakalkal ang maari Kong kasalanan.
Ngunit wala, wala akong maalala
Pagkat nakikita ko ay larawang masasaya.

Parang walang problema,
Diba? Eh bakit nagbago ka ?
Bakit umalis ka ? Bakit ... Iniwan mo akong nag iisa?

Maraming tanong...
Ngunit ang mga sagot ?, nasa iyo.
Mga tanong na pumapatay sakin.
Mga sagot na papatay din siguro sakin.

Subalit hanggang kailan ako magiging ganito?
Hanggang kailan ako luluha dahil sayo?
hanggang kailan ako aasa na panaginip lang ito?
Hanggang kailan ako magiging tanga para sa iyo?









P.S
May

Dear Mahal, Where stories live. Discover now