2

3.3K 166 11
                                    


"Anak, I hope you don't mind. Gusto ko sanang ipakilala ka na sa mga businessmen sa Manila Club as my only heir."

"Daddy, is it necessary pa po ba? Hindi pa ako handa."

"You know you do! Matalino ka, maganda, ayokong itago ka lang sa likod ng opisina. Gusto kong malaman nila na ang nag-iisang utak sa likod ng malaking expansion ng kumpanya natin ay si Nikki Mendoza, nag-iisang anak ko."

"What would they say? All of a sudden, may anak ka? They will question my past. Bakit ngayon mo lang ako ipapakilala?"

"Nikki, they won't do that. I am one of the most powerful man in the club, nobody's gonna ask about your past. Besides, dalawang taon na kitang kasama. It's about time na. Don't worry,  I swear, hindi ko hahayaan saktan at maliitin ka nila."

"Daddy, bahala ka. But anyway, sige, I think it's about time na nga na makilala na nila ako. After all matagal din akong nawala sa piling mo."

"Very Good, baby. You know I will do everything to protect you.  Alam mo naman yun diba? Basta which ever way is possible gagawin ko iyon."

"Thank you, Dad! I just hope matanggap nila ako."

"They will! Whether they like it or not. Iwan na muna kita diyan, magpaganda ka, I need to have a new haircut."

"Yes, daddy."

I agreed to Dad's plans na ipakilala na ako. Wala na naman dahilan para magtago. I was his long lost daughter, after all.

Naaalala ko na naman kung paano niya ako natagpuan. Malinaw pa sa isip ko kung anong hirap ang dinanas ko, bago ako natagpuan ng ama ko. Hinding-hindi ko iyon malilimutan.

Isa akong dalagang naninirahan sa isang isla sa Pangasinan. Ulilang lubos sa lola kong nagpalaki sa akin matapos mamatay ng Nanay ko sa panganganak sa akin. Sa isla kase inabutan si Nanay sa panganganak at wala daw ang tatay ko sa tabi nito dahil ayaw ng pamilya ng ama kong mayaman sa Nanay ko.

At dahil walang tulong na nakuha mula sa karatig isla, dahil malayo kami sa kabihasnan, namatay si Nanay dahil sa impeksiyon. Si Lola na ang nagpalaki sa akin. Ang aking Lola Charito. Pero namatay siya ng disisais ako. Inatake siya sa puso isang araw na nanghuhuli kami ng pananghalian mula sa dagat. Oo, mahirap lang ang buhay namin, pero kakikitaan ng kakuntentuhan. Masaya ako sa piling ni Lola, kaya lang maaga rin siyang kinuha ng Diyos.

Kaya ako na lang mag-isa sa buhay.

Kinaya ko naman. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko. Wala na kase akong aasahan. Dalawang beses sa isang linggo ay dumadayo ako sa bayan gamit ang maliit kong bangka upang magbenta ng mga lamang dagat at ilang gulay sa palengke upang makabili ako ng bigas at kaunting pangangailangan ko sa sarili ko. Kahit naman nakatira ako sa isla ay maayos ako sa aking pangangatawan. Marami tuloy ang nanliligaw ngunit bata pa ako kaya hindi ako pumapatol sa pangungulit nila.

Simple lang ang buhay ko kahit mag-isa ako. Tanggap ko ng mamumuhay  akong mag-isa. Kaya lang nabago ito ng biglang may dumating na estranghero sa isla.

Napadpad siya sa isla dahil ang barkong sinasakyan niya ay lumubog. Sa lahat ng lugar na pwede siyang anurin, ay sa isla ko pa siya napunta.

Doon nagsimula ang aming pagkakakilanlan. Matipuno siya. Mestiso at makinis. Magandang lalaki sa paningin ko. Hindi ko maalis na humanga sa kanya. Pero ang paghanga  ko ay pilit kong sinupil dahil alam kong babalik siya sa Maynila kapag lumakas na siya.

Sa unang linggo niya sa isla ay mahina pa siya. Inalagaan  ko siya, ginamot ang mga sugat na tinamo niya mula sa paglubog ng barko.

Sa ikalawang linggo, may lakas na siya. Nakukuha na niyang lumabas ng bahay at tumulong sa pangingisda ko at pagtatanim ng mga gulay.

Sa ikatlong linggo, naging magkaibigan na kami.

Ngunit sa ikaapat, nahuhulog na ako sa kanya dahil sa kabutihang ipinapakita niya sa akin.

Sa ikalima naman ay nagtapat na kami sa isa't-isa ng aming nararamdaman.

Sa ikapito, doon na naganap ang unang pagniniig namin. Tanda ko, malakas ang ulan. Kailangan naming itali ang bangka  sa puno dahil baka tangayin ito ng alon. At dahil basa ang damit ko sa lakas ng ulan at bakat ang katawan ko sa manipis kong damit, hindi maipaliwanag na pagnanasa ang sa amin ay bumalot. Di man sinasadyang may naganap sa amin sa buong magdamag hindi ko iyon kailanman pinagsisihan.

Sa ikawalo at huling linggo niya, nagpaalam siyang uuwi muna sa kanila para malaman ng pamilya niya na buhay siya. Pero nangako siyang babalik at kukunin ako para pakasalan. Umasa ako.

Ngunit hanggang doon na lang iyon. Nawala siyang parang bula.

Hinintay ko ang pagbabalik niya. Pero hindi ko na kailanman nakita ang anino niya sa aming isla. Iniwan na niya ako.

Nasaktan ako lalo pa ng mabatid kong nagdadalang-tao na ako.

Sumunod ako sa Maynila, dala ang kakarampot na pera sa bulsa ko.

Hindi ko alam na iba pala ang buhay sa Maynila. Magulo, masalimuot at mahirap.

Nauwi ako sa pamamalimos para makakain. Lakad ng lakad para lang hanapin siya sa oras na makakain na ako at magkaroon ng panibagong lakas.

Natutulog sa kalye dahil walang magmagandang loob na patuluyin ako sa bahay ng may bahay.

Napakasakit. Wala na akong pag-asa. Nanatili na lang ako sa isang eskinita sa lugar na iyon. Tulala at wala ng direksiyon sa buhay. Hinihintay ko na lang na kunin na rin ako ng lola at nanay ko kasama nila sa langit.

Doon ako natagpuan ng isang babae. Tinulungan niya ako. Dinala sa tinitirahan niya. Nilinis, pinakain at binihisan.

Di ko akalain na ang taong tutulong sa akin ay kapatid ng aking sariling ama.

Paano namin nalaman, dahil sa sobrang sakit ng damdamin ko at pangungulila, dinugo ako. Na muntik ng mawala ang bata sa sinapupunan ko, at dahil bibihira ang tipo ng dugo ko, di nag-atubili ang kapatid ng nakapulot sa akin na siyang ama ko pala sa tunay na buhay na magdonate ng dugo sa akin. Nalaman niyang Dei Capili ang pangalan ko, ang pangalang pinagkasunduan nila ni Nanay na ibibigay sa unang anak nilang babae. Capili dahil iyon ang apelyido ni Nanay.

At dahil matagal na niyang hinahanap ang Nanay ko, nakita niya sa akin ang pagkahawig sa ina ko. Hindi na siya nagduda. Hindi na rin siya nag-aksaya ng panahon na ipa-DNA kaming dalawa upang makasiguro na anak nga niya ako. At salamat sa Diyos, dahil napatunayan ng result ng DNA na tunay niya akong anak.

Nahanap na ako ng sarili kong ama. Na hindi ko nakilala kailanman. Ngunit dumating ng mga oras na lugmok na ako sa buhay ko.

"Mimi.."

"Yes baby? What do you need?"

"Ma..ma.."

"No anak. You can't. Dito lang kayo ni Mamita."

"Ma..ma.."

"Di nga pwede anak. I'll bring you pasalubong na lang, later. Okay?"

"O...kei.."

Ang baby Sophie ko, she's one and a half pero she can already say what she wants. Napakasmart. Mana sa akin. Pero, hindi maitatatwang kamukha siya ng tatay niya. Yun pagiging mestisa, nakuha niya. Pati ang biloy sa kaliwang pisngi, namana ng bata. Ganun pa man, nakuha nito ang pungay ng aking mata at tangos ng maliit na ilong. Pinagsama ang lahat ng magagandang katangian namin ng ama niya.

Bagay na nagpangitngit na naman sa kalooban ko.

Kaya nakapagdesisyon na ako, di niya kailanman malalaman na may anak kami. Akin lang si Sophia. Wala siyang karapatan sa anak ko.

A/N So ayan po ang background story. I hope naipaliwanag ko ng maayos.

Love Me Again (Completed)Where stories live. Discover now