Pakisabi Na Lang (ONE SHOT)

810 38 24
                                    

Property of Mickeyspenny 

NOTE: Mas maganda basahin to pag pinakikinggan mo na 'pakisabi na lang' :)

 

enjoy Reading! :D

2014 PRESENT....

PAKISABI NA LANG 

Written by: Mickeyspenny

"....... Real love story out of any novels I read, HAPPY ENDING never exist"

^^^^^ 

malamig ang simoy ng hangin, at kasabay ng pag ihip ng hangin mga alaala bumabalik.. alaalang hindi ko makakalimutan,DAhil sa ala alang iyon doon ko unang kiligin, makiramdam sa mga bagay na karaniwang nararamdaman ng isang babaeng inspired. Unang beses na nagkacrush, Unang beses na masaktan, at higit sa lahat ,unang beses na magmahal.

** 

2 years ago... 

18th day in October 2011..

Maganda ang sikat ng araw, nasa classroom ako habang yung teacher namin nag didicuss, pero eto ako walang planong makinig, pabalik balik na lang ang sinasabi na tila hindi na nagsasawa. ako na tuloy ang nagsawa. I headed out in the window of our classroom, nasa ikatlong palapag ito kaya nakakalula kung titingin ka sa baba.Napansin ko naman ang isang transferee na kararating lang, kasama niya ang isang matanda siguro ay papa niya o lolo niya at isang head teacher namin. Tinutour siya ata, natawa na lang ako ng bigla siyang huminto at sinarhan ang zipper niya. Sayang may itsura pa sana, kaso nakakaturn off lang ang lalaking ganyan..

"miss Gardo!"

"ma'am?"

napansin ako ni Ma'am, nanlisik ang kanyang mata at nag hand gesture siya na nagpapahiwatig na dapat akong lumabas. sinunod ko naman siya at lumabas. Ganito kami sa klase, kapag may nag-iingay pinapalabas ni ma'am. first time ko to magpa punishment, bakit ko pa kasi pinansin yung transferee eh yan tuloy. Tumayo ako sa labas ng classroom at humarap sa pinto, inarapan lang ako ni ma'am ng ngumiti ako sa kanya, Suplada!.

mga ilang oras ang nakakalipas, nangangalay na yung paa ko. gusto ko ng umupo.

"This is your room"

napatingin ako sa direksyon ng nagsasalita,. yun kararating lang na transferee kanina na pinagtawanan ko, ang guapo pala niya sobra pag malapitan. pero sa tingin ko, hindi siya pinoy?. singkit kasi ito, maputi, matangkad, may bangs pa. Kaklase namin ata siya kasi nagdadalawang isip siya kung papasok siya sa room namin.

"Thank you very much" tsaka siya yumuko sa teacher, hindi nga pinoy. iba kasi ang pag courtesy niya sa teacher, parang chinese o hapon? diyan lang ata. Umalis na yung lolo o papa niya at yung teacher. pero siya hindi niya alam kung papasok ba siya o hindi. Tumingin naman siya sa direksyon ko, kaya napa-iwas ako ng tingin sa kanya.

"hey miss?. are you in this class too?" sabi niya, sa accent niya, siguradong chinese lahi niya. tumingin na lang din ako sa kanya..

"yes, why you ask?" tanong ko sa kanya.

"if you are in this class why are you standing there?" pake niya ba? eh sa pinarusahan ako eh. Dahil sa hindi ako yung tipong magaling mag english ganito na lang ang nasagot ko.

"because this is my trip" balewala kong sabi, pardon me if my grammar is wrong. Kumunot ang noo niya, at lumapit sa akin, at tumayo din sa giliran ko. 

Pakisabi Na Lang (ONE SHOT)Where stories live. Discover now