Kabanata 1

1 0 0
                                        

Stacie''s Pov

Hayy nakakapagod tong araw na to buti nalang at last subject na tong filipino mas lalo akong inaantok pag filipino eh

"Ayun lamang po ang ating tatalakayin sa ngayon paalam na po"

"Paalam ma'am" sigaw ng mga kaklase ko tapos nagsisigaw na sila eh sino ba naman kasi hindi matutuwa eh halos makatulog na kami sa subject nya -.-

Nagliligpit ako ng gamit ko ng lapitan ako ni aviana

"Stacie! Ano? Tara? Miss ko na mag mall" sabay nagpout sya jusme naman ayan nanaman sya wag nya akong madaan daan sa ganyan dahil alam nyang di tatalab sakin yan hahahaha

"Av, ikaw nalang susunduin ako ng kuya ko" totoo yun haha hindi sya excuse susunduin talaga ako ni kuya bibili kasi sya ng regalo para sa gf nya

"Ano ba naman yan! Sino bang kuya yan hah?!"

"Si kuya Ryker" nung narinig nya yung pangalan ni kuya bigla syang nanlumo

"Ahh s-si r-ryker... ay este kuya pala napakabastos ko naman haahahha"

"Av"

"Sige una na ako ah? Ingat kayo ah puntahan ko nalang si hannah"

"Av"

"Sige na babye labyu"

"Av" tinawag ko ulit sya gamit ang malungkot kong boses. Nagtataka ba kayo kung bakit ganun reaksyon nya nung narinig nya yung pangalan nang kuya ko? Well ganito yun,

---------
(Flashback)

naging MU kasi sila ni kuya nagtagal din naman mga 4months yun tapos nung nagaya mag mall si av sumama kami ni hannah sakanya kasi magpapatulong daw sya pumili ng ireregalo kay kuya ryker, habang nagiikot kami may napansin akong lalake may hawig sya kay kuya ryker nung tinititigan ko yun bigla naman akong hinatak nila av at hannah

"Uy ang bagal mo namang maglakad stacie mae" sabi ni av aba loko to ah tawagin ba naman akong sa buong pangalan ko

"Ano ba kasi yang tinitignan mo" akmang babalikan ni hannah yun ng pigilan ko sya

"Wala yun! May nakita kasi akong naglalakad na teddy bear kaya ayun tinitigan ko" kumagat ka plsss

"Pfftt... bwahahhaha ano ka bata?" Sabi ni av habang tumatawa ng malakas

"Stacie naman alam kong mahilig ka sa teddy bear pero wag ka muna magillusyon hahha para kang bata eh" tumawa kayo hanggang sa gusto nyo psh

"Tara na nga! Gutom na ako bilis" pagmamadali ko sakanila baka sakaling makalimutan nila yung sinabi ko pero iniisip ko pa rin yung nakita ko hawig nya talaga si kuya pero nung nakita ko sya may linalapitan syang babae tapos nung nalapitan na nya hinalikan nya sa lips saka inakbayan oh diba ang sweet? Pero impossible na si kuya ryker yun dahil mag MU sila ni av kaya pinabayaan ko nalang basta naniniwala ako sa sinabi ng kuya ko sakin na mahal nya si av kaya panatag na ang loob ko

Nung nakabili na kami ng ireregalo nya biglang nagsalita na naman si av

"Eh kung magbake kaya ako ng cupcakes?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our love will lead us to foreverStories to obsess over. Discover now