Luha 1

355 4 2
                                        

11:30 na akong nakauwi ng bahay galing ako sa kaibigan ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan upang hindi marinig ni itay ang langitngit nito. Pag pasok ko sa aking silid umupo ako sa kama at nanalangin sa itaas.

Lord salamat po sa lahat lahat sa pagbabantay mo po sa akin kahit ako'y hirap na hirap na. Patuloy mo parin akong ginagabayan sa lahat ng oras at pighati. Alam ko po na hindi mo ako pababayaan at sa kahit sandali ng buhay ko matanggap akong anak ni itay yuon lang naman ang gusto kong matupad. Alam ko po hindi mo sa akin ipagkakait yuon. Amen

Kasabay ng pananalangin ay ang luhang hindi ko mapigilan.

Kring........ Kring...............

Napabalikwas siya sa higaan ng biglang tumunog ang alarm.

4:30 na kailangan ko nang mag asikaso. Mabilis akong nag luto upang maagang makapasok sa school. Habang kumakain siya mag isa ay may bumabagabag sa isipan niya. Ano kayang mangyayari sa akin pag uwi ko dito sa bahay ?

Naitanong niya sa kanyang sarili dahil alam na niya ang ugali ng ama sa kanya halos patayin siya nito mairaos lang ang galit sa anak at masaya ito pag nagagawa niya sa anak.

Itay pupunta na po ako sa school ingat po kayo.

Anong pakialam ko sa iyong bata ka kahit saan kapa pumunta. Gusto mo wag kanang bumalik dito. Ang tulad mo ay dapat mawala na sa mundong ito alam mo bang walang kwenta ang batang tulad mo ? Umalis kana at nag iinit ang dugo ko sa iyo bilisan mo!

Nang marinig sa ay tila ng lumo siya. Hindi niya maipaliwanag ang sama ng loob na nararamdaman. Dumaloy sa mga pisngi niya ang kanina pang nagbabadyang luha na kumawala sa kanyang mga mata. Hindi siya makaalis sa kinatatayuan matapos niyang marinig ang sinabi ng ama sa kanya.

Ang sabi ko umalis kana!!!
Ang ayaw ko sa lahat ay yuong batang iyakin tulad mo.

Dumampi ang kanang kamay ng ama ng malakas at puno ng galit sa mukha ng anak. Hindi pa ito nakuntinto sa ginawa at pinasundan pa ng tadyak sa likod.

Aray........ Itay tama na po aalis ako parang awa mo na itay.

Awa ba ang gusto mo pwes wala akong awa sa iyo. Dahil salot ka peste kad alam kong matalino ka at maiintindihan mo yuon !

Tila ng lalambot siya at awang awa sa sarili. Walang patid ang luhang umaagos sa mga mata na parang ulan na walang tigil. Lumabas siya ng pinto na pinaghihinaan ng loob at nag tungo na siya sa school.

Hey! Ano Jahren natapos mo ba yuong drawing na ipinagagawa sa iyo ni maam ?

Ilang minuto ang lumipas ngunit wala itong imik sa kaibigan.

Jahren !!! Hoy!!!

Alam ko na kahit hindi mo sabihin ang dahilan. Dahil yan ng itay mo no?
Halata kaya ang pasa sa mukha mo.

Bakit ganuon Aldwin matagal ko na itong tanong sa sarili ko. Ano ang kasalanan ko sa kanya na parabang hindi niya ako mapatawad suko na ako pagud na ako.

Bakit ba ano bang ginawa mo na ikinagalit niya sa iyo ? Bakit parang subra naman yata ang ginawa niya sa iyo hindi ko maintindihan.

Alam mo sanay na ako na parating nasasaktan,nabubugbog. Ang hindi ko maintindihan ay bakit sinisisi ako ni itay sa mga dahilang hindi ko alam.

Bakit hindi mo siya tanongin tungkol diyan at ano ang mutibo niya para bugbugin ka.

Palagi ko namang tinatanong yan sa kanya sahalip na akoy kausapin. Sakit lang ng katawan ang inaabot ko. Nawawalan na ako ng pag-asa ayaw ko na Aldwin.

Kilala kita matapang ka alam ko na may rason kung bakit mo nararanasan ang lahat ng yan. Pero Jahren wag kang sumuko na alamin ang dahilan kung bakit. Teka bakit hindi ka nalang umalis sa inyo a nag titiis kapa sa itay mo

LuhaStories to obsess over. Discover now