20 │ Ikaw ang Magdala ng Pagbabago

176 4 0
                                    

ni Caspear


Ikaw kaibigan, oo, ikaw nga
Ikaw na pumoprotekta ng ating bansa
Ikaw na iniidolo ng mga bata
Ikaw iyon, oo, ikaw na nga


Kaming mga mahihina, na sayo ay umaasa
Ay hihiling ng kahit kaunting mga sana
Mga sana, na sana ay matupad na
Nang lahat kami ay hindi na mabahala


Ang iyong baril, sana ay gamitin nang tama
Huwag sanang itutok, sa inosenteng mga bata
Sana'y huwag gamitin, sa mga walang sala
Itago na lamang, kung walang mabuting magagawa


Ang iyong misyon, ay sugpuin ang droga
Hindi ang pumaslang ng iyong kapwa
Sa serbisyo sana ay maging tapat ka
Sa sinumpaan mo ay maging responsable ka


Hindi naman mahirap ang aming hinihiling
Sa tungkulin sana ay wala kang pagkiling
Ang tama sana ang iyong ibaling
Nang ang nais mo, at nais namin ay marating

100 Tula Para Kay KianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon