Prologue
Elu
"You're like me, Elu."
No! I'm not a sick person! I'm not--
"Elu, are you okay? Namumutla ka." Kita said, one of my bestfriends.
"H-huh? A-ah oo. I'm okay." Almost convincing myself. Calm, Elu. I inhaled and exhaled.
Iniwasan ko lahat ang mga titig nila at pinagmasdan na lang ang labas. Pupunta kami ngayon sa bago naming school. We decided kasi na kaming lima ay pare-parehas pa rin ng school na papasukan sa college.
"Elu, try to listen. Stop pretending you're different from--"
"Stop!" Please...
"Elu! Anong nangyayari sayo?!" Robie.
Tumigil ang sasakyan at naglapitan sila sa akin. Hindi ko na napigilang umiyak.
"Elu.."
Nakikita kong may sinasabi ang mga kaibigan ko ngunit tila bang may tumatakip sa aking tainga para hindi sila marinig.
"Elu.."
Kitang-kita kong nag-aalala silang lahat. Gustuhin ko mang magsalita at sabihin sa kanila kung ano ang nangyayari ngunit iisipin lang nila akong baliw. Hindi sila maniniwala dahil hindi naman ito kapani-paniwala.
Dahil itong salita lamang ang pwede kong bigkasin sa harap nila.
"Please tama na.."
Ayoko ng ganito. Pinipilit kong hindi pakinggan ngunit para bang nasa loob siya ng utak ko, paulit-ulit.
"Kung sino ka man, please.. tama na." I said between my sobs until I fell asleep.
"A-ate?"
Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Si Ate ay may hawak na isang putol na kamay.
"Elu! Halika tingnan mo itong gagawin ko!" nangilabot ako sa tono ng tinig niya. Tuwang-tuwa pa siyang pinagpuputol ang bawat daliri sa maliliit na parte.
Hindi ko maibuka ang aking mga labi. Ayokong magsalita dahil kapag nagsalita ako maaaring ako ang mapahamak.
Habol-hininga akong nagising mula sa isang bangungot. Isang bangungot na hindi na dapat pang-alalahanin. Humapdi ang mata ko mula sa liwanag nang ako'y nagmulat.
Unang kong natanaw ang aking mga kaibigan. Lahat sila ang nag-aalala sa akin. Nilapitan ako ni Jona, Robie at Kita habang si Trisha ay kumukuha ng tubig sa kusina.
"Okay ka na, Elu?" tanong ni Jona. Ngumiti na lang ako ng pilit para sabihing okay na ako.
Ngayon ko lang na-realize nandito na pala kami sa dorm at medyo magtatanghali na pala nung dumating kami dito.
Saktong dumating na si Trisha habang may hawak na isang basong tubig.
"Salamat talaga, guys." sabi ko na may kasamang ngiti.
Gusto kong ipakita sa kanila na okay na ako at wala ng problema sa akin. Pero kahit magsinungaling ako sa kanila, alam ko pa rin sa sarili ko na hindi.
After a few hours, mabuti naman natapos na rin ang isyu sa akin at back to normal na ulit. Hindi na rin sila nagtanong at walang nagbalak na i-open uo ang nangyari. Alam naman kasi nilang wala akong sasabihin sa kanila.
"Guys, ano tara? Gala tayo sa campus!" anyaya ni Robie, ang isang lalaki sa aming squad. Halata siyang tabingi na pero indenial pa rin.
"Sige! Excited na ako sa bagong school natin! Baka maraming oppa dito." kinikilig pang sabi ni Trisha. Binatukan tuloy siya ni Jona.
"Baliw! Nandito po tayo para mag-aral, hindi para maglandi."
"Hay nako, Jona! Ang KJ mo talaga kahit kailan! Kaya NBSB ka e, kasi walang pumapatol sa ka-bitter-an mo!" singit ni Kita.
"Tumpak mo, bes!" dagdag pa ni Trisha sabay high five sa isa't isa. Nagtawanan na lang kami dahil talo na naman si Ms. Bitter of the year.
"Heh tumigil kayo!" irap niya bago naglakad paalis. Tinawanan lang namin siya habang sinusundan.
Naiiling na lang ako sa mga kabaliwan nila.
Hindi pa kami nakakalayo sa dorm, may narinig kaming sigawan mula sa bandang kanan na pasilyo.
"Ano 'yun?" takang tanong ko.
Nagkatinginan kaming lima at nag-uusap ang aming mga mata. Parang may masama akong kutob at mukhang ganoon din ang iniisip nila.
Unang naglakad si Robie patungo sa kung saan nanggaling ang sigawan. Sumunod lang kaming apat at hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
"Kadiri talaga ang babaeng yun! Dito pa talaga siya nagkalat!"
"True. Mabuti nga't natauhan at nagpakamatay na."
"Landi-landi kasi! Sino ba ang akala niya sa sarili niya? Hindi sila bagay ni Blui ko, 'no!"
Halos panay tawanan ang mga naririnig namin. Anong mayroon? Nilapitan ko ang isa sa mga estudyanteng nakasilip sa isang silid. Tanaw na tanaw mula sa loob ang isang patay na babae na may tarak ng kutsilyo sa kanyang ulo.
Napapikit ako nang biglang sumakit ang ulo ko at napalayo doon. Hinayaan ko na silang apat na tumingin doon at pumunta muna sa isang sulok.
May dumaan na isang babaeng may malaking salamin na nakaharang sa kanyang mata. Sakto pang sa unahan ko siya pumwesto at nagbigkas ng mga salitang lalong nagpagulo sa utak ko.
"Umalis na kayo hangga't maaga pa."
Nakaramdam ako ng kaba nang lingunin niya ako at bigyan ng isang nakakatakot na ngiti.
