"Ang sama niyo talagang mga kaibigan." Hinampo niya sa mga ito. Kaya agad siyang binatukan ni Isaac. "Tangina mo. Ikaw ang nang-una tapus hihingi ka ng tulong sa amin. Akala ko ba sinabi mo, kailangan nga ba yun bro na ano daw----

Hindi na naituloy ni Isaac ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinila ni Yuri. "Miss ang ganda mo, sabi niya." Pasigaw na ani Isaac kaya ginantihan ito ni Yuri ng batok.

Si Felicity naman ay napanganga sa mga ito. "Never mind him. Baliw lang ang isang yun. Ganun siya kapag type niya ang isang tao. Mga torpe kasi, di marunong magtapat ng nararamdaman nila. Pwera kay Asher Jade." Pabulong na ani Christine kay Felicity. Kaya nagkahagikhikan ang dalawa.

"Pero, ang cute niya ha. Lalo na kung naniningkit ang mga mata niya. Ganda lang inatin." Pabulong nitong aniya. Kunot na kunot naman ang noo ng tatlong nakamata sa dalawa na sila lang ang nagkakarinigan.

"Para siyang hot oppa." Dagdag pa nito. "Mahilig ka rin ng KDrama?" Hindi makapaniwalang tanong dito ni Christine.

"Ay! Wag kana magtanong bes, adik ako." Ang natatawa nitong aniya. Kaya napahigh five ang dalawa.

Natigil lang sila ng usapan ng pumasok na sila ng kanilan class room. "Bakit nandito ka?" Mahinang tanong ni Christine kay Asher Jade.

"Mag-aaral baby." Sagot nito. "Mister Vergara, doon ka sa class room niyo." Utos niya dito. Pero tila wala itong narinig.

"Sige, magmatigas ka pa." Anito. "Hinding hindi na kita papasukin sa room ko kapag gabi." Pabulong nitong aniya na kinaupo ni Asher Jade ng tuwid. Kaya pagkatamis-tamis niya itong nginitian sabay kindat nito sa binata.

"Sabi ko nga sa class room na namin ako papasok." Kakamot-kamot nitong aniya. Kaya nagmadali itong lumabas na kinangiti ni Christine. "Takot lang hindi makayakap e." Anito sa isip. Ng pumasok ang professor nila Christine ay itinuon muna niya ang isip sa pag-aaral. Ika nga nila gawin mong insperasyon ang pag-ibig ng tama. Pumag-ibig ka ngunit mag-aral ka rin ng mabuti. Dahil ang pag-aaral ang pinaka best na babaonin niyo balang araw.

Dahil nakatuon lang si Christine sa pag-aaral ay hindi niya namalayan ang oras hanggang sumapit ang tanghali. At gaya ng inaasahan niya naghihintay na sa labas ng room nila si Asher Jade.

Nang makita siya nito ay agad siya nitong inakbayan. "Saan tayo pupunta?" Tanong niya agad dito.

"Hindi ko alam. Sila ang tanungin mo kung saan tayo pupunta." Sabay turo niya sa mga kasama.

"Dali na, akin na pera niyo. Pambayad ng pagkain." Si Veronica na may hawak itong lalagyan ng perang hinihingi sa mga ito. Ang bawat isa naman ay naghulog dito. Parang ugali lang ng kanyang ama si Veronica. Ang kanyang ama kasi ay tinagurian ng mga kaibigan niyang mangungutong ng barkada.

"Ikaw, asan ang barya mo?" Tanong ni Veronica kay CM. "Wala akong barya." Mabilis nitong sagot.

"Groot. Wag mo ako inisin." Ma awtoridad niya ditong saad. Kaya agad naman naghulog dito ng barya si Chase Mathew. "Gigil mo si ako." Nakanguso nitong aniya na tinawanan lang ni CM.

"Mabigat na. Pwede na 'to pambayad kay ninong Mark." Anito. Kaya sa narinig ni Christine at Asher Jade na tinuran ni Veronica ay alam na nilang sa MAV Restaurant sila aattack. Daig pa nila ang isang baraggay sa dami nilang magkakaibigan.

Agad nga silang lahat pumunta sa MAV restaurant. Pagpasok pa lang nila ay napakamot na ng ulo ang ninong Mark nila.

"Hey! Dad. Dito daw kami kakain ng lunch." Imporma ni Angelo sa kayang ama. "Yes Ninong. Ito po ang bayad namanin." Sabay pakita ni Veronica ng hawak nila ni Ara kung saan ang nalikom nilang mga barya.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now