CRUSH 1

38 4 0
                                        

CRUSH(2017)

Palihim akong napatingin sa pinakahuling classroom sa second floor ng junior high school department. Iniisip kung nasan ba siya. Kung anong ginagawa niya. 

Intramurals kasi namin ngayon, kahapon pa'kong walang laro. At ang tanging nagagawa ko lang kasama ang mga kaibigan ko ay ang mag-cheer para sa ibang sections ng iba't ibang grade kung saan may kakilala kami. Kanina pa kami dito sa field. Pinapanuod ang mga nag-lalaro ng volleyball habang chinicheer silang lahat. At habang busy ang mga kaibigan ko sa pagpapalakas ng loob ng taga-ibang sections, busy naman ako sa pagsulyap kay crush na hindi ko mahagilap.



"NICA! ULO!"



Napalingon naman kaagad ako sa kaibigan kong isinigaw ang pangalan ko. "Huh?", takang tanong ko. Pero natigilan ako ng makitang palipad sa direksyon ko ang bola ng pang-volleyball. Kaagad kong iniharang ang braso ko sa taas ng ulo ko.



"Huy, Nica! Ayos ka lang?"



"Oo. Okey na okey pa naman. Nakakahinga parin. Hahahaha!", natatawa kong sagot kay Sam. Nang muli kong ibalik ang atensyon sa second floor ng JHD, nakita ko siyang nakaupo sa labas ng classroom nila. At nakatingin sa'kin. Sa'kin...

"Sayang."





"Huh? Anong sayang?", taka kong nilingon si Sam na natatawa pa'kong pinapanuod.



"Sayang hindi ka natamaan! Hahahaha! Edi sana, nagising ka sa pagpapantasya mo.", nakangisi niya akong tiningnan na may panunukso sa paningin niya.





"Tse! Pantasya ka diyan! Baliw 'to. Natingin lang, e.", nakanguso kong sabi na siyang nagpatawa lang sakanya.



Nang muli akong lumingon sa direksyon ni crush, nakita kong wala nanaman siya. Kaagad naman akong napasimangot at mas lalo ring napahaba ang pag-nguso ko.



"Nguso mo! Nasa sahig na.", natatawang sita sa'kin ni Frans.



"Kanina pa kayo, ah! Isa pa! Isang-isa pa! Sasakalin ko kayong lahat sa lungs!", inis kong banta sa mga kaibigan kong pinagtutulungan na'ko't nawala na ng tuluyan ang atensyon sa mga nag-lalaro.



"HAHAHAHAHA!", tinawanan lang nila ako habang tinatapunan ko sila ng masamang tingin.

...

Kanina ko pa nililibot ang buong kampo, pero hindi ko parin siya makita. Kanina ko pa hinihila sina Sam papunta sa CR para lang makita kung nasa may classroom na ba nila SIYA. Ang classroom kasi nila'y katabi lang ng girl's CR kaya sa pamamagitan ng pag-ihi, pagtitig lang sa salamin, pagkanta sa banyo, nakikita ko ang crush ko sa kabilang silid. Kahit na minsan, hindi ko talaga sila nililingon. Yung tipong dadaan ka lang para maipaalam mo sakanya na andoon ka? Yung tipong, 'Wala lang, gusto ko kasing magpakita kay crush kaya kahit hindi ko siya makita, atleast nakita niya ko. Lol.", yan parati ang sagot ko sa tanong ng mga kaibigan ko na, "Ba't ka ba parating nasa banyo? May kausap ka ba dun?"





Hindi ko alam kung bakit pa rin nila ako tinatanong ng ganun, gayong sila rin naman, parating nasa banyo.





"Nica! Sama ka? Pa-BVM kami. Doon raw mag-lalaro ang section natin at ang DMC ng basket.", tawag sa'kin ni Cia. Isa ko pang kaibigan. Kaagad ko silang tinanguan bago kinuha ang bag kong nasa sahig.





"Tara."

...

Mainit. Nakakahingal. Nakapanglalagkit. Huwag kayong ma-green. HAHA! Charaught. Nakakainis kasi ang panahon ngayong intrams namin, daig mo pang summer sa sobrang init. Hindi rin naman ganun kalayo ang BVM sa kampo namin, pero hindi parin kami makatakas sa init ng panahon, lalo na't wala kaming makitang lililuman.











"Andito na.", hinihingal na usal ni Frans.

Kaagad akong lumilom sa isa sa mga puno.

"Ngina. Ang hot ko! Wooooooooooh!", nagpapaypay kong sigaw. Tiningnan naman ako ng kakaiba nina Sam at Frans. Kahit ang malalapit napatingin rin sa direksyon ko. "Tingin kayo!", bulyaw ko sakanila.



"Ang HANGIN, grabe! Wooooooooh! Tangay ako!", sigaw rin ni Frans na siyang tinawanan namin ni Sam.



"Heh! Magpasalamat ka nga't pinapalamig ko ang araw mo. Napasosobra kasi ang hotness ko kaya patawad kung nadadamay man kayo. Ngayon nagpapa-COOL na muna ako.", nakangisi ko namang pagpapatuloy. Natatawa na nila akong binato ng dahon.



Gaganti narin sana ako ng makita kong andoon rin SIYA. Kaagad akong napayakap kay Sam bago ko siya binulungan, "Hutangina. Andiyan siya. Andito pala sila. Tae. Balik na'ko.", natataranta kong sabi. Natatawa niya lang akong nginitian kaya kaagad ko siyang binitawan tsaka ko niyakap ang katabi naming poste.

"Hoy ano 'yan, ah!", singit ni Frans.




"WALA! BASTA!"



Inis akong umupo sa isang tabi, atsaka pinag-cheer ang section namin. Nagsimula na ang laro namin laban sa Section 2, pero nakita ko paring naruon pa siya at ang kabarkada niya. Tahimik lang kaming pinapanuod. At hindi man lamang magawa ni crush na tumingin sa direksyon ko.



Hayy... Hindi ko alam kung ano ba 'to. Nalilito kasi ako. Baka makasakit nanaman ako ng ibang tao pag nalaman ng lahat na SIYA ang gusto ko. Hindi ko rin alam kung seryoso sa'kin si ano kaya nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanya ang totoo.



Ikaw kasi, Nica! Sabog kasi, tanga-tanga pa. 

"Hoy Nica! Daig mo pang matatae sa itsura mo. Anong kadramahan 'yan, ah?", singit ni Frans sa pagiging baliw ko sa utak ko.



"Wala nga! Dun ka nga. Kanina ka pang nagtatanong, e. Hmp! Anong score na ba? Sinong lamang?", pag-iiba ko ng usapan.

"Huh? Psh! Ang kalaban ang lamang. 38-49."



"Eh? Hala!", kaagad akong napatingin sa mga kaklase kong nag-aagawan sa bola para lang maka-shoot. Noon pa man, napapaisip na'ko na, 'Pano kaya maging bola? Yung parating hinahabol at pinag-aagawan ng lahat?', pero ngayong nasa sitwasyon na'ko, naisip ko tuloy, 'Mahirap pala talagang maging bola; pinaglalaruan ka na nga, pinagpapasapasahan pa.' Hahaha. Andrama. Charaught lungs. Pero dinga, mahirap maging bola, yung parati mong nakukuha ang atensyon ng lahat, tas bigla ka nalang paglalaruan.









Ibinaling ko na ang lahat ng atensyon ko sa mga naglalaro ng basketball. Sa halip na mag-monologue at magdrama ako dito, ipagchicheer ko nalang ang mga kaibigan ko.



"WOOOOOOH!!! GO LRZ! Ipanalo niyo 'yan! Wooooooooooh!!"



Nakisabay naman sa'kin ang mga kaibigan kong sabog. Nilabas ko na ang lahat ng energy ko at hindi pinansin ang mga pares ng matang nanunuod sa kabaliwan ko at ng mga kaibigan ko. Habang nag-chicheer, nahagilap ng paningin ko ang palihim na pagsulyap ni crush. Dahil dun, mas lalo akong napangiti.



Pero natigilan ako, ng makita ko si ANO na nasa harap lang pala ni crush. Nakatingin siya sa'kin, kaya inirapan ko siya. Tinaasan niya naman ako ng kilay kaya napatawa na lamang ako. "Tange talaga.", naiiling kong sambit bago nagpatuloy sa pagwawala ko.

"GO LRZ! HWAITING!"

CRUSH ; Buhay BataWhere stories live. Discover now