Chapter 42 - Summer Love *Prince's POV*

390 5 0
                                    

Prince's POV

Yan kasi ang tanga tanga mo Suaco at naunahan ka na.

Pinsan pa ni Yvette ang nakasungkit ng puso niya. Pakshet lang

"Habulin mo muna ko" - ???

Kilala ko yong boses na yon ah. Sinundan ko ung boses at napagpad ako sa playground. Nagtago agad ako sa likod ng puno.

"Kikilitiin kita" sabi ni James

Pinagmasdan ko lang sila. Parang ang saya saya nila.

"Ang weak mo naman James"

Siguro palagi na lang akong ganito. Hanggang tingin na lang sa kanya.

"Ah ganon, weak pala"

Binilisan ni James ung pagtakbo at hinigit si Adi. Natumba sila.

Ayoko nang tumingin. Ganito pala nararamdaman ni Adison tinitignan akong masaya habang siya malungkot.

"Ang saya nila no?"

Napatingon ako sa nagsalita. Si Ate Nadine pala.

"Oo nga eh bagay na bagay sila" malungkot kong sabi

Ang bigat sa loob na umamin na mas masaya ang mahal mo sa piling ng iba.

"Mahirap magkunwaring masaya kung hindi naman talaga." sabi niya

Tinignan ko si Ate Nadine na parang nagtataka.

"Ang hirap sayo Prince, Matagal nang nasa harapan mo ung totoong nagmamahal sayo kaso hindi mo parin napapansin." - Ate Nadine

"Halos buong buhay mo kasama mo siya pero pilit mong siyang tinutulak palayo sayo. Pinamukha mo sa kanya na wala siyang kwenta." - Ate Nadine

"Well your wrong, Just think about the things she's done for you. You keep pushing her away from you. You already killed the real her, Just because of your passion" - Ate Nadine

Tumatak sa utak ko ung mga sinabi ni Ate Nadine. Tama siya. Nang dahil sa isang contest nasira lahat ng pinagsamahan namin.

*Flashback*

Si Adison, mabait, simple hindi katulad ng ibang babae at mahiyain. Walang hilig sa pagsali sa mga contest. Wala atang talent yan.

Kaya laking gulat ko na naging magkalaban kami sa "Montessorian's Got Talent".

"Hindi nman mananalo yan eh" bulong ko sa sarili ko

Kahit kaibigan ko yan, Hinding hindi ako magpapatalo

Sumayaw at Kumanta niya ung Catching Feelings ni JB.

Ako nman sinayaw ung Suit and Tie.

Sa sobrang taas ng confident ko na ako ang nanalo. Wala 1st runner up lang tas Champion si Adison.

Nagalit talaga ako sa kanya. Muntikan ko na siyang pagbuhatan ng kamay.

Nung kami na lang ung nasa backstage bigla ko siyang hinawakan ng mahigpit sa braso at hinarap sakin

"Ano bang problema mo?" sabi niya

"Ikaw, Ikaw ang problema ko" sabi ko

Pilit niyang tinatanggal ung kamay niya sa pagkakahawak ko kaso wala ang higpit higpit.

"Aray masakit na Prince"

"Yan jan ka magaling eh sa pakikipagplastikan." sabi ko

"What did I ever do to you?" sabi niya

"Inagaw mo ang dapat sakin." sabi ko

Napatingin siya sa trophy niya at kinuha.

Life of a Fangirl ft. Ranz Kyle (COMPLETED) UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now