Chapter 24 "Fatty Liver"

Zacznij od początku
                                    

Tumayo ako at kinwelyohan yung dokto.

“sabihin mong mali ang mga test!! Sabihin mong mali to! May pag-asa pa! gagaling pa ako!! puede pa akong operahan! Sabihin mo sa akin!!! Hindi pa puede! Hindi pa puede..”

Inawat naa ako nila anya Fed at Igo..pero nagpupumiglas ako..

“paano ang anak ko!? 2 months?? Paano ko makikita ang anak ko!?!? hindi pa puede!! Mali yan!!!”

Kinaladkad na ako nila Fed palayo sa doktor.

“tama na Juno!” sigaw ni achie na umiiyak na din.

Lalabas na ako ng pinto pero biglang pumasok si Ryu. Lumabas siya kanina.

“nasa labas si Yssa! Kami na ang haharap sa kanya.”

“doc, dito muna si Juno ha. Please?” Yuki

Pumayag naman yung doktor.

“wag ka muna lumabas babe. Kami na lang. halatang umiyak ka.” Igo

“sige.”

Si Igo:

Paglabas namin ng room nagkunwari kaming tatlo na tumatawa at nagkekwentuhan. Tapos napahinto ako ng makita ko si Yssa.

“uy Yssa! Ginagawa mo dito?”

“sabihin niyo nga sa akin. Asan si Juno? At ano to?”

May nilabas na papel si Yssa. Agad naman tong kinuha ni Fed. Patay! Alam niya na kaya?

“binigay sa akin ni Morigan yan! Sabi niya may..sakit daw si Juno!!”

“ahh..haha..ito oh nakalagay dito. fatty liver. Kakakain ni Juno to ng taba at kung anu-ano pang mamantika. Siguro dahil na rin sa alk. Wag ka mag-alal mild lang to.”

Wow galing ng lusot ni Fed.

“fatty liver?”

“oo, yung liver niya nabablutan ng taba. Yun lang yun. OA naman to.”

“eeh bakit kayo nandito?”

“kami?” tanong ko.

Ano nga ba isasagot namin?

“ahh..si anya Fed diba internal doctor to dati? Naisip nanaman maging doctor. Kaya nga niloloko namin kanina eeh. Gusto nanaman magkaclinic dito.”

Wow galing lumusot ng magkapatid nato!!

“pero asan si Juno?”

“andito ako beb!”

Paglingon ko naglalakad na si Juno papalapit sa amin kasama si Yuki. Okay na ang itsura nila. Normal na.

“sabi ni Morigan 3 weeks ka nang hindi pumapasok sa office. Saan ka ba nagpupunta? Tsaka bakit hindi mo sinabing may sakit ka?”

Napatingin sa amin si Juno.

“oo nga Juns, bakit di mo sinabi kay Yssa na may fatty Liver ka?” umakabay sa kanya si Fed

“kasi po ayaw kong mag-alala ka. tsaka beb, sinama ako ni achie sa Japan. Biglaan yun kaya hindi ko na nasabi kay Morgs.”

“hmm..okay beb.hmm.ano gusto mo sunduin natin yung mga bata?”

“sige ba. Paano una na kami ha..”

Umalis na yung dalawa. Napatingin bigla kami kay Yuki dahil sa sinabi niya.

“Juno wants the operation. Kailangan niya daw. He’ll do it, after Yssa’s birthday.”

Si Fed:

Nagingg internal doctor pa ako kung hindi ko rin naman matutulungan ang kapatid ko. lalo na ngayon na kailangan niya ng tulong. Simula ng umuwi kami kahapon, wala na akong ginawa kundi pag-aralan ang sakit ni Juno, hindi man ako makahanap ng cure, atleast I can prolong his life.

Nung kinagabihan, nadatnan ko si Juno na nakatulala nanaman sa swimming pool.

“Juns!” lumingon siya sa akin. Tapos tumitig ulit sa pool.

“Juno, wag mo masyadong isipin yan. Gumagawa ako ng paraan.”

“I never feared death. Walang kaso sa akin yun. What i fear most are the facts na hindi ko na makikita ang anak ko, hindi ko na makakasama sila Sarah at Colleen, Jiro is too young at si Yssa. I don’t know what will happen to me and to her. Kahit sa kabilang buhay baka hanapin ko siya.”

“Juno, andito kaming lahat. Tutulungan namin si Yssa kun sakali. Tutulungan kita. Kahit ma prolong lang. kahit yun lang ang magawa ko. gusto ko makita  mo ang anak mo. Makikita mo siya.”

“nagkamali kasi ako. wala na akong ibang inisip kundi ang magtrabaho, magkapera. Akala ko yun ang kailangan ng pamilya ko. for 8 years. yun lang ang ginawa ko..it’s only now na narealize kong mali ako. may success is nothing now..my family needs me..”

“tama na Juno. We all have mistakes. Maybe this is your biggest one. Mahal ka ni Yssa. Kahit na nagtatampo na yan dahil lagi kang busy, sinusuportahan ka parin niya.”

“nakakinis! An tanga ko. dapat noon ko pa pinatingin to. Sana naagapan. Kaso busy ako eh. Busy akong magpakatanga sa bagay na hindi dapat.”

“Jun..”

Nagsmile si Juno. Isang malungkot na ngiti.

“anya, favor?”

“ano yun.”

“bukas, pakilipat lahat ng pag-aari ko sa pangalan nila Yssa at Sarah. Ikaw na ang bahala. Even my bank accounts. Ilipat mo sa kanila. Malakas ka naman eeh.”

“walang problema..”

“one more thing..” yumuko si Juno at may biglang tumulo sa may sahig. Umiiyak ata siya..

“help Yssa, find another man. A man that’ll look at her the way I do..cherish her the way i do..take care of her and our children.and..” napatigil siya saglit...”love her the way I do..”

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz