Mahal naaalala mo pa ba? Mga karanasan at alaalang kay sarap balikan.Mga alaalang pruweba ng ating pagkakilala.Ala alang araw araw bumabalik sa aking puso't isipan.
Napakasarap balikan nung mga panahong tayo'y masaya at tayo'y magkasama ngumingiti ng walang pag aalinlangan.Araw araw ay binabalikan ko ang mga ala-alang nagbigay ng resistensiya sa aking puso.Mahal ang sarap balikan at pagnilayan ng ating napakasayang nakaraan.
Naaalala ko pa ,nakaupo ako sa isang pasilyo sa parke,nagninilay at nagpapahangin .Nagulat pa ako noon ng biglang mo akong tabihan at kausapin.Natawa ako sayo noon dahil mukha kang bagong gising.At tama nga ako natutuwa ako sa hitsura mo gulo gulong buhok at may muta pa.
Napakamot ka na lang ng batok at pasimpleng inalis ang muta sa iyong mata.Magaan ang loob ko sayo kaya't di ako natakot sa isang estrangherong tulad mo.Napag alaman ko pang bahay niyo ang tapat ng parkeng lagi kong pinupuntahan.
Tumakbo ka lang para akoy kausapin.Kinwento mo sakin ang lahat lahat.Lahat lahat na ikaw pala ang lagi kong nakikita sa veranda nang bahay na iyon.Nandun ka para makita at masilayan ako.Natatawa ako dahil habang nagkukwento ka ay inaalala ko ang mga panahong mukha kang tanga na sumisilip sa veranda patungo sa parke.
Nagpakilala ka ng ikaw si Lucas at ako naman si Ana.Naging magkaibigan tayo sa mahabang panahon.At tagpuan nati'y sa parke at tayoy nagkukwento palagi.Buong buhay ko at buhay mo ay alam nanatin parehas.Pati nga nunal sa katawan ay alam nating parehas.
Lumipas ang isang taon ay nagpakilala ka hindi bilang Lucas kundi bilang manliligaw ko.Nagulat ako dahil sa pag aakalang ako lang ang patagong nagmamahal sayo.Napakasayang galak ang naramdaman ko nang mga panahong iyon.Mga panahong nililigawan mo at nagmamahalan tayo.
