Chapter 8

4.7K 85 7
                                        

"I love you." nagulat ako sa mga salitang mamutawi sa bibig ni Cris. "I have loved you since I can remember, Megan. God! Uhugin ka pa ata Mahal na kita!"

Titig na titig lang kami sa isat isa. Nakikita ko sa mga mata nya at naririnig sa boses nya ang sincerity sa mga salitang binitawan nya.

Napaka unexpected nito. Masyadong random. Hindi ko tuloy alam kung anong magiging reactions ko. Sinubukan Kong buksan ang bibig ko pero walang mga salitang lumabas kaya sinara ko nalang ulit ito.

"You don't have to say anything. I just want to let you know." sabi nya sabay abot sa kamay ko na nakapatong sa mesa. Hinawakan nya ito ng mahigpit na para bang takot na takot syang mawala ako.

"I know puro lang pang iinis ang mga pinapakita ko sayo pero hindi ko kasi alam kung paano ka kausapin, kung paano ka lapitan, kung paano ka i-approach ng Hindi ko pinapahiya ang sarili ko. Pag nasa point nako na gusto kong sabihin sayo ang nararamdaman ko, bigla nalang akong nabablangko. Kaya instead na makapagtapat ako sayo, puro kalokohan lang ang mga nasasabi ko." tuluy tuloy nyang sabi sa nahihirapang Tono.

"W-why... ehem.. Why now?" tanong ko sa kanya sa namamaos na tinig. Bigla nalang kasing nanuyo ang lalamunan ko.

Tiningnan Lang nya ko ng Hindi makapiwala, na para bang sinasabi nyang 'hindi ka ba nakikinig?'

Dapat nga magtatalon na ko sa tuwa dahil ang matagal ko ng pinapangarap ay nagkakatotoo na. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Takot. Pangamba. Pag aalinlangan. Ang Dami Kong agam agam.

Unti unti kong Inalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya at tumingin sa paligid at iniwasang mapatingin ulit sa mga mata nya. Narinig ko syang bumintong hininga.

Maayos naman ang umpisa ng umaga eh. Dinala nya ko dito sa Pancake House dahil nga gusto kong kumain ng pancake. Yun lang ang gusto kong mangyari. Pero bakit napunta sa pagko confess nya ng feelings sa akin?

Natutuwa ako, oo, ayokong maging ipokrita, pero natatakot ako. May isang tanong na bumabagabag sa akin na natatakot Kong isantinig dahil baka hindi ko magustuhan ang magiging sagot nya.

"Will you take me home now, please?" sabi ko sa kanya after awhile.

Pumikit lang sya at tumingala na parang nahihirapan.

Nauna na syang tumayo at dumeretso ng lumabas. Napailing nalang ako sa inasal nya. Biglang nawala ang Cris na gentleman na kilala ko.

Sinundan ko na sya palabas at nakita kong nakasakay na sya sa sasakyan na umaandar na ang makina. Napailing nalang ulit ako at sumakay na rin.

Ngayon ko Lang nakita ang side nya na to. Yung seryoso at walang modo. Well, matagal na syang walang modo pero sa mga biruan lang naman namin sya nagiging bastos. Pero sa pagtrato sa babae kahit simpleng pagbukas lang ng pinto ay ginagawa nya.

Parang ayoko ang version nya na to. Nakakatakot. Hindi ko alam kung ano ang iniisip. Para syang bulkan na natutulog na any moment ay sasabog.

Wala kaming imikan habang byahe. Sya nakatingin lang sa harapan habang ako sa labas ng bintana.

"Stop sighing, Will you?" angil nya sa akin. Hindi ko alam na napapabuntong hininga na pala ako.

Tiningnan ko lang sya ng May hinanakit at tumingin ulit sa bintana ng ibaling nya ang ulo sa akin.

Kahit papano nasaktan pa rin ako sa inasal nya. Kanina lang nagtatapat sya na Mahal nya ko pero ngayon parang galit naman.

Wala naman akong Alam na ginawan sya ng masama bukod sa Hindi pagtugon sa pagtatapat nya.

Pagkapark na Pagkapark ng sasakyan nya, agad na Kong bumaba at dumertso sa kwarto ko.

Kasabay ng pagdapa ko sa kama ang pagpatak ng mga luha ko. Nasasaktan ako. I don't deserve those kind of treatments.

Napabalikwas ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"You don't just run away like that! Hindi ko pa naipapark ng maayos ang sasakyan bumaba kana nga! Paano kung maaksidente ka?! Ha?!" tuluy tuloy nyang Sita sa akin. "Look at me, dammit!"

Ng Hindi ako tumingin sa kanya, lumapit sya sa akin na nakapagpaatras naman sa akin at pilit hinuhuli ang baba ko para iangat ang mukha ko.

"Fuck! Fuck!" sambit nya pagkatalikod nya sa akin ng Makita ang luhaang mukha ko.

Napahikbi tuloy ako ng di oras. Tinakpan ko nalang ang mukha ko at patuloy na humihikbi. Nagtataka nga ako kung bakit Hindi man lang naririnig nila Ate ang mga sigaw nya.

"Whatever shall I do with you?" sambit nya sa nahihirapang boses. Para bang pasan nya ang buong daigdig. "Lahat ginawa ko para mapansin mo ko pero wala talaga. You don't see me as me. Laruan mo lang ako."

Napaangat ang tingin ko sa kanya ng marinig ang mga salitang yon. And here I thought ako Lang ang nag iisip ng ganoon.

"Look," sabay luhod nya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. "I'm sorry for treating you that way back there. It's just..." he sighed, closed his eyes then looked at me again. "Ang hirap mong abutin. Whenever I thought I can almost reach you bigla nalang magkakaroon ng distansya. You are so near yet... Really so far. Di ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo. Ginawa ko naman lahat ng sinabi ng Ate mo..."

"Oh my God!" napatutop ako sa bibig ko pagkasambit nya Kay ate. She's the very reason kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

"Yes! Your ate knows ok? Matagal na nyang Alam na Mahal kita. Wala lang akong lakas ng loob kaya tinulungan nya kong mapalapit sayo."

Wow! And here I thought may pagtitinginan sila ni ate. I feel so stupid!

"But... but... but I thought you... and Ate..." Hindi ko na napigilan sambitin kahit na pautal utal pa ko dahil sa pag iyak.

"Tsk! Nag aassume ka kasi agad. Pakalat kalat lang naman si Mr. Magtanong." natampal ko sya sa braso dahil sa sinabi nya at di ko napigilang umalpas ang isang ngiti sa mga labi ko.

"So, ano? Tayo na? Girlfriend na kita ha? Mukha naman kasing gusto mo na rin ako." kapal naman ng apog nito.

"Manligaw ka kaya muna no?" sabay irap ko sa kanya.

"Bakit pa? Di pa ba sapat yung mga pagdi date ko sayo?"

"Huh? Date?" binigyan ko sya ng nagtatakang tingin pero more or less alam ko na ang ibig nyang sabihin.

"Oo kaya. Yung Paglabas labas natin. Yung pagkain natin sa labas. Kanina nga lang nag date tayo." Sabay kindat pa sa akin.

Napangiti nalang ako sa inasal nya. Parang kanina lang napaka drama namin. Dito naman ako nabibilib sa kanya, Hindi sya madrama. Konting away lang tapos Maya Maya ok na ulit.

"Manligaw ka kaya muna no?!" irap ko sa kanya.

"Fine! Higa ka na!" sabay tulak pa sa akin pahiga.

"What?! Anong balak mong gawin sakin!?"

"Wala no?! I will just tuck you in before I go. Kailangan mong magbeauty rest para sa date natin mamayang Gabi." At sinimulan na nga nya kong ihiga sa kama at kinumutan.

"What date? Wala akong natatandaan." simangot ko sa kanya.

"Basta May date tayo. 7pm dapat naka ready kana. May aasikasuhin lang muna ako. But i'll be here before 7." pagkasabi nya nun lumabas na sya ng kawarto at Hindi ko namamalayan na nakakatulog na ko na May ngiti sa mga labi.

First TimerWhere stories live. Discover now