"S-si B-bakulaw." Parang wala ito sa tamang hwesyo habang nagsasalita. "Anong meron kay kuya Asher Jade. Anong sinabi niya sayo?" Feeling ni Christine ay nananaginip lang siya sa nangyari.

"G-galing siya dito, right?" Natawa naman sa naging tanong niya si Shiloh. "Oo, galing dito si bakulaw mo ate." Pagkumperma nito. Dahil sa naging sagot ni Shiloh ay agad niya itong hinila palabas ng kwarto niya.

Sa opisina agad ng kanilang ama niya dinala ang kapatid niya. "Dad." Tawag nito agad sa kanyang ama. "Yes Princess?"

"Ano po ang sinabi ni Asher Jade sa inyo?" Lakas loob nitong tanong. "Bakit wala ba siyang sinabi sayo?" Tanong ng kanyang ama.

"Sabi po niya ay susunduin niya ako dito ng 7:00 pm." Kagat labi nitong sagot. Maging ang mommy nila ay dumating din ito. "Dad. Aprob ba?" Si Shawn na nakasandal sa hamba ng pintuan.

"Yes Son." Sagot lang dito ni Andrie. "Dad, dapat pinahirapan mo muna." Ang natatawang anito.

"Bakit kung ikaw ba meron nililigawan ay gusto mo bang pahirapan ka ng ama nang liligawan mo?" Tanong nito kay Shawn na napakamot ng ulo.

"Oh! My God. Dad, nagpaalam sayo si kuya Asher Jade?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shiloh sa kanyang ama. "Yes Princess." Nakangiti nitong sagot.

"Oh! My God. Mum, dapat magpaganda si ate." Mas excited pa si Shiloh kesa kay Christine na tila hindi parin maka get over sa nangyayari. "I think pwede ng gamitin ng ate mo ang damit na binili ko para sa kanya." Excited rin na anang kanilang ina. Bumili kasi ito ng damit para kay Christine. Ipapasuot daw niya ito sa panganay nila sa first date nito.

"Ayieehhh! Mum, I'm excited. Let's go." Sabay hila nito sa ate niyang lutang parin. Agad na kinuha ng kanilang ina ang binili nitong kulay black na dress at ipinakita nito sa dalawa.

"Oh! My God. Mum. Perfect." Kumento ni Shiloh habang nangingislap ang mga mata nitong nakatingin sa damit na dala ng kanilang ina.

"Mum. Makikipagdate ba talaga si Asher Jade sa akin?" Sabay turo nito sa sarili. Kaya nakangiting hinalikan siya ng ina sa pisngi. "Yes. Kaya dapat magpaganda ka anak. Dahil first date mo ito." Sagot nito. Tila nahimasmasan naman ito kaya biglang namula ang mukha niya. Mahigpit itong yumakap sa kanyang ina.

"Oh! My God. Mum. Kinakabahan ako." Kagat labi nitong aniya. "Ate. Ano ka ba. Si kuya Asher Jade naman ang kadate mo. Isipin muna lang na gaya ng dati na lumalabas kayong dalawa." Pampalakas loob ni Shiloh kay Christine. Kaya bahagya itong pumikit ng mga mata bago siya huminga ng malalim.

"I can do it." Pampalakas loob nito sa sarili. "That's my daughter." Anang kanyang ina sabay thumbs up nito.

SAMANTALA matapus magbihis ni Asher Jade ay makailang sipat din ang ginawa niya sa harap ng salamin. At makailang practice din ang ginawa niyang sasabihin kapag kaharap na niya mamaya si Christine.

"Bro, tama na yan. Baka mabasag ang salamin sa ginagawa mo." Bigla siyang napalingon sa nagsalita. "What the hell are you doing here?" Gulat nitong tanong. Paano ba naman nadoon ang tatlong kaibigan niyang tinatawag ni Christine na tatlong engkanto. At mawawala ba naman sina Dalton, Zeus, Sylvan, Josh, Blaze, Angelo, Leone at Zach. Agad niyang natampal ang noo dahil sa mga ito. Nakangisi kasi ang mga itong nakatingin sa kanya.

"Kayong dalawa ang nagsabi sa mga 'to." Sabay turo ni Asher Jade sa pinsan niyang si Zeus at Dalton. "Hindi ako ah!" Kaila agad ni Zeus.

"Bro, goodluck. You need to go. Masamang paghintayin ang kadate mo. Dapat ikaw ang maghintay hindi siya." Ani Thunder sa kanya.

Kaya muli nitong sinipat ang sarili bago siya lumabas ng kwarto niya. Nakabuntot naman sa kanya ang mga ito. At pagbaba niya ay bumungad agad sa kanya ang mukha ng mga ninong niya.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now