Ulilang bata si Ben, palaboy, walang makain at gusgusing bata. Kwento niya, naalala niya daw na apat na taong gulang siya nang maulila dahil linigaw siya ng kanyang magulang sa isang Devisoria. Ayaw na ayaw kasi ng kanyang Ina na buhayin siya kasi isa lang siyang pagkakamali sa kadahilanang ginahasa daw ang kanyang Ina kayat nabuo siya. Basta mahabang estorya yun kayat mag jump nalang tayo.
*********
Sa pagiging palaboy niya, may isang matandang lalaking may magandang loob na dinampot at kinupkop siya. Nakatira ito sa ilalim ng tulay at, pinag tagpi-tagping yero, sako at kawayan lamang ang bahay tinitirahan nito ngunit sa kabila ng kahirapan at katandaan ng lalaki inalagaan niya si Ben at pinag aral. Sa ngayon ay siyam na taong gulang na si Ben at tutungtong na siya sa ikalawang baitang sa darating na pasokan. Kaya nga lang, sa sobrang katandaan ng kumopkop sa kanya ay may mga panahong hindi na ito makatayo at di na makapagtrabaho kayat si Ben ang nag tratrabaho para sa kanilang dalawa. Mapapansin rin ang kabaitan ni Ben dahil Hindi niya kayang ewan ang matanda dahil nga sa malaking utang na loob nito sa kanya at sa matanda niya lamang naramdaman na magkaroon ng pamilya. Dahil nga dito tinawag niya nang Lolo ang matanda at tinuring din niya itong kadugo kagaya ng pag kupkop sa kanya at pag aalaga nito.
Madalas ng lumiliban sa pag-aaral si Ben dahil mas pinipili niyang manatili sa kanyang Lolo at alagaan ito, pero lagi niya ring iniisip na kailangan niyang mag aral para sa kanyang kinabukasan at ito rin ang bilin ng kanyang Lolo sa kanya.
Sa paaralan, madalas siyang pinagtatawanan, at madalas ding tawaging bobo. Lagi ring galit ang kanyang Guro sa madalas na pagliban nito sa paaralan, kayat lagi itong nahuhuli pag dating sa mga diskusyon sa paaralan at kung hindi man ito lumiban, madalas naman itong na li late sa school kayat madalas siyang parusahan ng kanyang Guro. Ang masakit pa dito dahil nga sa palagiang pag liban nito sa kanyang pag aaral, dumating ang puntong pikon na ang kanyang guro at humantong pa ito sa pamamalo. Sa araw araw na pagiging late nito sa klase, pinapalo ang kanyang mga kamay ng isang matigas na Ruler. Pag late itong pumasok, pinapupunta ito sa harap ng kanyang mga ka klase at pinatataas yung dalawa niyang kamay sabay na pinapalo ito ng tatlong beses.
Dumating yung araw na isang linggo siyang palagiang late kung dumating sa school. Kayat araw-araw din siyang pinapalo ng kanyang Guro at nag marka na ito sa kanyang kamay. Mangitim ngitim na ang kanyang kamay at iniiyak niya na lamang ang sakit ng sa gayon ay maibsan ang hapdi na nadarama. Dahil dito, nasanay na ang bata na lagi siyang pinapalo ng kanyang guro sa tuwing siya ay nali late sa klase. Pag na li late siya, agad na lamang siyang pumupunta sa harapan at sabay niyang itinataas ang kanyang dalawang kamay at agad din naman tong papalu-in ng kanyang guro.
Isang araw, sa sobrang inis ng guro kay Ben , minabuti niyang alamin kung anu ang ginagawa nito sa kanila at nais niyang malaman kung anu ang dahilan kung bakit ito palagiang nahuhuli sa school.
Umaga noon ng Lunes, sinundan si Ben ng kanyang guro, ngunit mas minabuti ng kanyang guro na manmanan lang ito. Nakita niya si Ben sa may tulay, madumi an damit nito , nagulat siya sa kanyang nakita ng bumaba si Ben sa ilalim ng tulay. Nalaman niyang nakatira lamang pala si Ben sa isang munting tahanan sa ilalim kung saan dumadaan ang mga sasakyan.
Sa mga sumunod na pangyayari, mas nagulat pa siya ng makita na may ina abot si Ben sa isang matanda na 5 pirasong tinapay habang may dala itong isa tasa ng kapi. At pinahiran pa niya ang matanda dahil may dumi ito sa mukha. Napaluha agad ang Guro.
Sa mga sumunod na pangyayari, biglaang umalis si Ben sa bahay nila, at agad din naman itong sinundan ng kanyang Guro. Bumugso nanaman an kanyang damdamin ng makita niya si Ben na kumukuha ng mga bote sa mga bahay bahay at inilalagay sa sako. Nang marami na itong naipong bote, ibenenta niya ito sa isang babae. Kitang kita ng Guro kung gaano mapagud si Ben sa ganoong oras ng umaga .
Matapos mag benta ng bote. Umalis nanaman si Ben at tumungo sa isang tindahan kung saan binigyan siya ng tindera ng mga diaryo para ibenta sa mga bahay bahay.
Manghang-mangha ang kanyang guro sa nakikita, hindi niya batid na ganoon pala ang uri ng pamumuhay ng estudyanteng inakala niyang walang kwenta.
Matapos mabenta ni Ben lahat ng mga diaryo, binigyan naman siya agad ng pera ng babaeng may ari ng tindahan. Matapos noon, mga alas 9 na, nasa kalsada parin si Ben, namumulot naman ito ng mga plastik bottle. Nangugulikta ito ng basura at agad naman niya itong ibenibenta sa isang junk shop malapit sa tulay kung saan sila nakatira.
Namula mula na ang mata ng Guro sa kanyang nakikita, kasabay nito, pag bayo sa kanyang puso sa pag sisising dapat noon palang ay inalam niya na ang estado ng buhay ng kanyang estudyante. Alas 10 ng umagang iyon, umuwi na si Ben na may dalang bigas ang isang supot ng pansit upang ipakain sa kanyang lolo.
Nakita pa ng kanyang Guro kung paano nito alagaan ang isang matanda. Alas dyes emedya, umalis na ang Guro at tumungong paaralan. At doon niya na lamang hihintayin ang kanyang estudyante.
Mangingiyak pa ang kanyang Guro ng dumating sa klase, at agad namang itong magsimulang magturo. Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na si Ben na late nanaman. Wala itong imik, at sadyang makikita na alam niya na ang kanyang gagawin sa tuwing nahuhuli siya sa klase .
Agad itong pumunta sa harapan at itinaas ang kanyang dalawang kamay, at nakayoko lamang ito. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagtaka si Ben kung bakit hindi pa siya pina palo ng kanyang Guro. Bigla siyang NIYAKAP ng kanyang Guro sabay iyak at halos hindi ito makapagsalita. " .. Yumakap na lamang ito ng mahigpit at parang ayaw na kanyang guro na bitawan pa ito. Patak ng luha ay mapapansin sa kanyang Guro. Umiyak nalang rin si Ben at hindi na umimik. Inakala pa niyang papaluin nanaman siya ng kanyang Guro. Pag kahinto ng pag iyak ng kanyang Guro ay agad itong nagsalita sabay sabing "patawarin mo ako Ben, hindi ko alam, hindi ko alam na ikaw lang pala ang bumubuhay sa yong sarili. Nakita ko kung gaano ka kasipag para maitawid mo ang iyong pag araw araw na buhay" , at ulit ay niyakap si Ben.
"Wala na po akong mga magulang, at ako lamang ang bumubuhay saking sarili kasama yung taong kumopkop sakin, kaya patawarin niyo po ako sir kung lage po akong nahuhuli, patawad po." Sabi pa ni Ben.
*********
Dahil sa nalaman ng kanyang Guro. Minabuti niyang kupkopin si Ben at papag aralin.
Namatay naman ang kanyang lolo bago pa siya naka tungtong nang high school.
Ngayong ay successful na si Ben. Isang tanyag na businessman at nakapangasawa ng isang Teacher.
YOU ARE READING
BEN
Short Story"Let's first look at the situation of a person's life before we begin to make a conclusion. Huwag po nating paiiralin ang pagiging mapanghusga" -dark_man12 A story of a child na mag isang itinaguyod ang sar...
