~Pighati~

402 11 2
                                        

Ako yung tao na palagi niyong makikitang humahalakhak araw-araw,
Ako yung tao na palagi niyong
makikitang ngumingiti bawat araw;
Ngunit, yan lang ang ipinakita kung aspeto
Dahil hindi yan ang tunay na ako.

Sa lahat ng kaligayahang ito,
Ay may kabaliktarang emosyon sa damdamin ko;
Ang dahilan nito ay ang mga pagsubok sa mundo
Na ang sanhi ng kalungkutan ko.

Ang buhay ay isang halaman,
Na kusang gustong mabuhay ngunit nahirapan;
Na ang mga pagsubok at patibong ay nadatnan
Ang dahilan ng gustong kamatayan.

Sa lahat ng tao sa mundo,
Bakit, bakit ba ako?
Bakit ba ako ang nakaranas nito?
Bakit ba ako ang nagsa-sakripisyo?

Ano nga ba ang halaga ng aking buhay,
Kung ang naramdaman ko parati ay lumbay?
Minsa'y naisip ko na sana, ako'y mamatay
Dahil parang wala na akong karapatang mabuhay.

May umaga pa bang darating,
Kung ang gabi ay parating madilim?
May pag-asa pa bang mararating,
Kung ang damdamin ay makulimlim?

Minsa'y nangangailangan ako ng saklolo,
Tulong sa lahat ng sakripisyo
At ang tanging nasa damdamin ko,
Ay ang pagsusuko.

Hindi ako takot mamatay,
Ako ay takot mabuhay;
Lilipas ang panahong hindi nakaratay,
Sa kama ng ligayang kumakampay.

Sana babalik pa ang mga panahong,
Nakaranas ng pagmamahal kahit saglit;
Sana babalik pa ang mga panahong,
Sa labi ay, ngiti lamang ang naiguhit.

Bakit ba pinapahirapan ako?
Ano nga ba ang mga kasalanan ko?
Bakit, bakit ba ako?
Bakit, ako ang nagsasakripisyo?

-End-

Bakit, Bakit Ba Ako? (Spoken Words Poetry)Stories to obsess over. Discover now